Chapter 11: Wanted

372 17 1
                                    

Chapter 11


Caloy's Standpoint


"Kuya may balita ka na ba kay Ate Fyglia?" siguro pang isang daan na beses ng tinanong sa akin ng kapatid ko yan. Tatlong araw ng hindi umuuwi si Fyglia dito. Akala ko naman nung isang gabi may pupuntahan lang siya pero di na siya bumalik.


Ang nakakainis pa doon nag hintay kami ng magdamag sa kanya ng tropa ko pero walang Fyglia na nagbalik. Nakanchawan pa ako ni Louie na


"LQ ba kayo? Umamin ka na."


Umoo na lang ako kasi naiirita ako sa pagiging OA ni Miguel at Isaiah na kung may mangyari daw masama eh ako daw ang masasapok nila. Di nga kami. Ang kukulit ng mga ito. Pero halata naman na may gusto yung dalawa. 


At aaminin ko naguiguilty ako. 


Naguguluhan din sa kung ano ba ang ibig sabihin niya.


"Hindi na kailangan" pagkatapos kong ioffer ang sarili ko sa kanya. Kahit nahihilo na ako kagabi.  Sa totoo lang kinakabahan ako nung sinigaw ko iyon. Ang impulsive kasi ng bibig ko baka totohanin niya. Diwata pa naman iyon. May powers.


Napatingin ako sa kapatid ko na palakad lakad sa sala namin. 

"Ano ba talaga ang nangyari?" siguro pang 50 beses naman niyang tinanong sa akin yan pero di ko sinasagot. 


Napabuntong hininga ako. Hindi ako tatantanan nito panigurado. Kaya iyon kinuwento ko sa kanya ang lahat walang labis at walang kulang. Di na naman siya bata maiintindihan na niya yan. 


 "Kikiligin na sana ako kuya. Kaso bakit di mo siya pinigilan?! Bakit mo pinalabas sa van?!"

"Aba malay ko ba na di na siya babalik"

"Hanapin natin siya!" 

"Ha? Eh saan?" 


"Bahala ka kung ayaw mong hanapin ako maghahanap!" 


Binalibag niya ang pintuan at naiwan ako mag-isa dito. Eh bahala na nga siya. Inaantok ako. Makatulog na lang. Inoffer ko na sarili ko sa kanya ayaw pa niya. Arte.


Nagbeep ang phone ko. Sino naman 'to?

Ah yung modelo na naman. Si Krissy Mortel.

GM lang naman yung text niya na quotes. Uso pa pala ito? Hahaha.

Nabasa ko na din yung papel na binigay niya. Ang weird nga eh. Tapos kahapon sa bar nakita ko pa siya. Well, nag-usap lang naman kami sa mga gigs namin at yung sub mother na choosy. Yun lang work lang. Pero di naman niya brining up yung sa papel. Weird.



LynLyn's Standpoint


Badtrip si kuya! Wala man lang care kay Ate Fyglia. Hmmp! Naglakad lakad ako at napaisip. Saan lupalop ko makikita si Ate Pig?! Hindi kaya umuwi na siya sa Faylinn? Waaah. Humarap ako sa isang puno. Nandito kaya siya? Sabi niya nakakausap daw niya yung puno namin eh. Baka ito rin.

Fyglia's EnchantmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon