Chapter Thirty Four

375K 8.8K 2.4K
                                    

THIRTY FOUR

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

I tried to look okay in front of them even though I know I will be broken in no time. Seeing them very happy, makes my heart broke into pieces. It's really hard to tell someone that you loved them, that you feel different towards them. That you already fall for them, it's really hard to tell them especially when you know they aren't feel the same towards you.

Masakit? Oo, sobra.

Ngayon ko lang naranasan na magmahal ng ganito. Tipong kaya kong ibigay ang lahat, na kaya kong isugal kung ano bang mayroon ako. Oo, ganoon ko siya kamahal, na kahit wala nang matira pa sa akin basta lang maging masaya siya at maging masaya ako. Na basta't mamahalin din n'ya ako katulad ng pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya.

He looked at her, and he smiled. A smile which you can tell that he's happy because of her appearance, a smile which you can see that he's definitely madly in love with a girl who is madly in love to him. Ang sakit, sobrang sakit.

Akala ko kapag nagmahal ka, magiging masaya ka na lang. Iyon naman kasi ang mga nakikita ko sa mga magkasintahang nakikita ko, nakakasalubong ko, at nakakausap ko. Akala ko, kapag nagmahal ka. Iyon na ang pinakamasayang bagay na maaaring mangyari sa'yo. Iyon pala hindi, akala ko lang pala 'yon. Dahil sa mundo ng realidad.

Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng hindi ka masaktan.

 

"Are you okay? Kanina ka pa hindi nagsasalita." Biglang tanong sa akin ni Thalia. Pilit akong ngumiti sa kanila bago sumagot.

"Ayos lang ako." Nakangiti kong sabi. Ayokong makita nila o maramdaman nilang nasasaktan ako. I need to be strong, dahil iyon naman ang dapat mangyari. Wala kang karapatang masaktan kung wala ka namang karapatan sa kanya at lalong-lalo na kung wala ka namang pwesto sa buhay n'ya.

Bigla akong napatingin kay Axcel at doon ay nasalubong ko ang seryoso at makahulugan n'yang tingin. Para bang mayroon siyang binabasa sa isipin ko at para bang mayroon siyang hinihintay na gusto kong sabihin. Agad akong nag-iwas ng tingin, dahil natatakot ako. Natatakot ako na basta na lang akong bumigay ng dahil sa kanya.

"Do you want to go home?" Seryosong tanong sa akin ni Axcel.

"N—No, I'm okay." Saglit akong tumingin sa kanya ngunit agad din akong nag-iwas.

"Tuloy ba tayo this coming weekend? Gusto kang makilala ni Mommy't Daddy." Nakangiting tanong ni Thalia kay Axcel. Bakas sa mukha niya kung gaano siya kasaya kasama si Axcel.

She's beautiful, she's a smart and a good lady. She's rich and every girl could envious her because she has everything. She has everything even Axcel. Bagay na bagay silang dalawa at siguro nga, hindi na dapat ako makielam pa sa kanila. Mas maganda na sigurong ibaon ko na lang ang nararamdaman ko sa limot at pipilitin ko kahit na alam kong hindi madali at hindi ko kakayanin.

Naramdaman ko ang pagtingin sa akin ni Axcel. Para bang hinihintay niya kung mayroon akong reaksyon sa sinabi ni Thalia.

"Sure, if that's what you want." Sagot n'ya na hindi man lang binabalingan si Thalia ng tingin. Dahil sa akin siya nakatingin habang sinasabi niya iyon.

"I'm so excited! I'm sure my parents will like you." Masayang sabi ni Thalia at ikinagulat ko nang bigla na lamang itong humalik sa pisngi ni Axcel. Agad akong nag-iwas ng tingin.

"Do you want to come, Heena?" Bigla namang tanong sa akin ni Thalia habang umiinom ako ng juice. Napaangat naman ako ng tingin sa kanya.

"H—Huh?" Naguguluhan kong tanong.

Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon