Chapter 21 - Revelations

11.7K 173 36
                                    

Chapter 21

Enrique's POV

"Zharm?" Tawag ko sakanya. Hihingi ako ng advice. "Sa tingin mo kailangan ko nang sabihin sakanya ang tunay kong nararamdaman?" Tanong ko sa kanya. Expert yan pagdating sa pagibig.

Tumango siya. "Paano kung iwasan na niya ko?" Nag-aalala kong tanong. "Think positive dapat diba? Malay mo naman gusto ka rin niya hinihintay lang niyang umamin ka. Dapat sabihin mo na sa habang wala ka pang kaagaw. Sige ka ikaw rin." Pagpapaliwanag niya. Tama siya.

"Tama ka Zharm. Salamat sa advices." Ang laking tulong talaga ni Zharm. Binigyan niya ako ng napakagandang ngiti. Hindi ko makakaila, maganda talaga si Zharm. Napakaswerte ng lalaking mamahalin niya.

Nagpaalam muna ako kay Zharm para pumunta sa wash room. Aayusin ko sarili ko. Aamin na ko sa kanya. Aaminin ko na gusto ko siya. Sana the feeling is mutual.

Yen's POV


"Napakaswerte mo naman at ako ang naging boyfriend mo." Ang kapal talaga. "For Pete's sake nagkukunwari lang tayo." Pagreremind ko. Kapal forevs. "For your information Miss, niligtas ko buhay mo diba?" Nakangiti niyang sabi. Oo niligtas niya buhay ko kahapon muntik na ko masagasaan buti nalang nailigtas niya ko. At nagkataon naman na dumating yung kababata niya na kailangan niyang pakasalan. Sam ang pangalan. Ayaw niyang pakasal so nagkunwari kaming mag-jowa.

Inirapan ko na lang siya. Wala naman akong magagawa eh. Kung di dahil sa kanya, Deads na ko hay.

"Anong meron?" Tanong ni Daniel nang makita ang magkahawak namin kamay ni Neil. Omg! Alcohol pls. Tinaas ni Neil ang mga kamay namin. "Kami na." Nakangiti niyang sabi. EWW!

Halata naman ang pagkagulat sa mukha ng barkada. Isa-isa silang nagsicongratulate samin. Tuwang-tuwa sila, akala nila totoo na. Pagkukunwari lang pala.

Wala akong nagawa kundi ngumiti na lang. Jusko sa lahat ito ang iniiwasan kong mangyari. Ang mapalapit kay Neil. Kaya nga lagi ko siyang binabara eh. Kaya nga umiiwas ako lagi para di mapalapit ang loob ko sakanya. Dahil noon pa man may kakaiba na kong nararamdaman sakanya.

Hindi ko alam kung anong tawag sa nararamdaman ko pero natatakot ako, natatakot akong mahulog sa kanya.

Enrique's POV

"Kayo na?" Tanong ko kay Julia. Nakasalubong ko siya. Galing rin siya ng washroom. Sakto nung lumabas ako kalalabas niya lang rin. "Oo! Kahit ako di rin makapaniwala." Masigla niyang sabi. Sila na pala ni Diego. Wala na huli na ko.

Napangiti na lang ako. "Congrats Juls. Bagay na bagay talaga kayo." Malungkot kong sabi. Kumunot ang noo niya. "Okay ka lang ba Quen?" Tanong niya sakin. Tumango ako.

Kailangan pa ba niyang malaman na gusto ko siya? Ngayon pang masaya na sila ni Diego? Hindi na siguro. Ayoko namang makagulo pa sa relasyon nila.

"Ah may kunin lang ako sa locker ko." Pagpapaalam ko sakanya. "Osige, una na ko ha." Sagot niya, ang sakit rin pala.

Zharm's POV

"Bakit ganun? Lahat na lang ng magugustuhan ko ayaw sakin? Laging may ibang gusto." Tanong sakin ni Enrique. Si Julia pala ang gusto niya, akala ko pa naman..

"Baka kasi may iba pang nakalaan para sayo." Panimula ko. "Baka may bagong darating na mas deserving. Diba nga pag may nawawala, may dumarating." Dagdag ko pa.

Ngumisi siya. "Bagong darating? Kahit wag nang dumating basta wag lang mawala yung ngayon. Pero wala eh. Huli na ko." Ganun niya ba talaga kagusto si Julia?

"Bat di na lang kasi ako?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sobrang sakit na kasi eh.

Nagulat siya sa sinabi ko. "Oo una pa lang gusto na kita. Oo nagseselos ako. Oo mahal kita. Pero kahit anong gawin ko di mo yun mapansin dahil iba ang gusto mo." Dagdag ko. "Wag kang mag-alala hindi naman ako nag-eexpect ng kahit ano eh, gusto ko lang ipaalam sayo na mahal kita. Hindi ko na kasi kayang itago eh. Sorry." Saad ko at tuluyan ng umalis. Ang sakit na talaga. Ang sakit-sakit na. Bakit sa lahat ng tao kay Enrique pa?

Forever And A Day (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon