CHAPTER EYT:

30 4 0
                                    

CHAPTER EYT:


Lalo akong naasar, bwiset na Maglangit yun ah! Napilitan tuloy ako kung ano ang dapat kung sabihin sa kanya. "Oo. Itatanong ko lang sana kung kelan ka magbibigti?" Yun ang seryoso kong tanong sa kanya with matching serious eyes pa. Oh, pahinga ka ngayon. Pero ako yata ang napahiya nang makita ko ang reaction sa mga mata nya.

"Seryoso. Ano yun?"Naging seryoso ang anyo nya. Mukha ngang seryoso talaga syang malaman kung ano ba ang itatanong ko sa kanya. Grr! I hate it. And I really hate when he's serious like this.

Nagkibit balikat ako at inismiran sya. "Itanong mo na lang sa kanila." naiiritang sabi ko. Di na ako interesadong tanungin pa sya kung pwede ko ba syang gawing model para sa research studies namin. Para saan pa meron naman syang Trixie, eh di sumama na sya dun, pagbuhulin ko pa ang mga intestine nila eh. Kainis!

Sumulyap sya sa mga taong naroon sa loob ng KFC saka muling tumingin sakin. "Well, kung nahihiya ka talaga. Sige na, sinasagot na kita." Ano daw? Sinasagot, ano yun? May tinanong ba ako? Naguluhan yata ang utak at katawang lupa ko sa sinasabi nya.

"What did you say?" Kaya kahit narinig ko, di maiiwasang itanong ko ulit. Magulo pa naman kausap ang lalaking ito. Nakakairita na, nakakaasar pa. Cynic yata ang lalaking ito, minsan nakakabaliw. He's the person that I want to talk sometimes, but it's better not to talk to him at all.

"Sabi kasi nila Jana, nanliligaw ka daw sakin." Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi nya. Ako pa talaga ang nanliligaw, sabi ko na, minsan walang lugar talaga ang makipag usap sa kanya lalo na kung tatagalan ko pa. Kung ano-ano kasing lumalabas sa bibig. Hindi yata kakayanin ang pag mumugmog ng alcohol sa sobrang sama ng mga sinasabi nito.

"Mga bruha talaga yun. Wag ka ngang feeling! Baka naman iniisip mo lang yun, nanisi ka pa ng iba." Inirapan ko pa sya. Kahit kailan hindi na sya naging seryoso sa buhay nya. Makulit, mabait, nakakainis, caring, sweet, yan yung mga katangian na hindi mo akalaing mapaghahalo mo sa isang tulad nya.

"Joke!" Tumawa pa sya na abot hanggang tenga. Ano kayang nakakatawa sa Joke nya. Kung alam ko lang na joke pala yun, sana tumawa na ako. "Pero, seriously, gusto mo ba ako?" Natulala ako at bahagyang nawala sa sarili, di ko kasi alam na may follow up question pa pala yun. Pero, ano naman ang drama nya at nagtatanong sya sakin ng ganyan? Di ko sya tiningnan sa mata.

"I'm done. Maiwan na kita dito." At di ko rin sya sinagot, tumayo na lang ako at dinampot ang mga binili ko. Tinake out ko na lang yung recipe bites na hindi ko naubos dahil sumama ang hangin sa paligid lalo na pag kausap ko ang taong ito. Kusang sumasama ang hangin at mood ko kapag nakikita ko sya at nakakausap.

Di naman na nya ako sinundan, laking pasalamat ko lang. But I felt it was weird, dati hahabulin pa nya ako para lang piliting sagutin ang tanong nya at patuloy akong aasarin. But this time,hinayaan lang nya akong mag isa. Ni hindi nya man lang tinawag ang pangalan ko. Why something bothering me? Why I felt pain inside? Parang nagbago na sya. Oo nga pala, may girlfriend na kasi sya, kaya hindi na ako yung isa sa aasarin nya. Hindi na ako yung center of distraction sa paningin nya. Ano ba toh? Bakit ako yung nagda-drama. Like, hellow.. wala naman kaya akong pakialam sa kanya, ganun din naman sya sakin. So, dapat kalimutan ko na lang kung ano man yung nakita ko at nararamdaman ko. Malabo naman ang lahat samin plus di naman kami para mag Emo ako ng ganito.

****KINABUKASAN.

"Oh, ano  Sundae. Kinausap mo na ba si King?" Pag iinterupt ni Jana sakin. Kahit parang walang gana ang boses nya. Ano na naman kaya ang problema ng dalawang ito?

"Hindi pa. Wag na. Marami namang iba dyan, isa pa he's not my type. Wala sa kanya ang hinahanap ko sa isang lalaki." Nakayukong sabi ko. Nagtinginan pa sina Jana at Marky na parang hindi naman sya naniniwala sa akin at parang may kung anong naglalaro sa utak ng dalawang ito. Iba pa naman ang tandem pag nagsama ang dalawang ito.

Hate that I fall for you (Unedited version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon