SDTR: Kabanata 13

156K 3.3K 444
                                    

SDTR: Kabanata 13

Panay ang pagkalabog ng puso ko ngayong nakaangkas na ako sa motor niya at nakayakap ako sa baywang niya, hinawakan niya ang kamay ko gamit ang kaliwang kamay niya kaya naman alam kong yung kanang kamay nalang niya ang pinangmamaneho niya ngayon.

Hanggang ngayon paulit ulit pa rin sa isipan ko ang sinabi ni Ethan saakin kanina, ni hindi ko na nga alam kung paano ako nakaangkas ng maayos sa motor niya, dahil ang alam ko lang ay nanginginig ang binti ko dahil sa mga salitang binibitawan niya.

Huminto kami sa isang sarado pang restaurant, halatang ginagawa palang iyon dahil may mga construction worker doon na nagpipintura.

"Ano sa tingin mo?" Biglang tanong niya nang makababa kaming pareho sa motor, "Huh?" Wala sa sariling sagot ko sakanya, bumaling ako sakanya at kitang kita ko ang ngiting ngiting labi niya habang pinagmamasdan ang buong restaurant na malapit na matapos.

"Six months nalang Claire, matatapos na yan." Kahit ibinulong niya lang iyon ramdam ko sa boses niya ang saya.

"Restaurant?" Usisa ko sakanya, tumingin siya saakin at halos magwala nanaman ang puso ko dahil sa lalim ng pagtitig niya saakin. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na hinalikan ang ibabaw non.

"Claire's coffee shop." Ngumingising bulong niya na nagpaawang sa bibig ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Nauutal na tanong ko sakanya. Ngumiti siya at umiling iling.

"Dalawang taon na rin ang lumipas simula nang maisipan ko lahat ng 'to. Nabuo na kasi sa isipan ko na kahit kailan hindi ka mapapasaakin, kaya naman kahit manlang sa pangalan ng isang coffee shop masabi kong pag aari kita." Aniya, pilit niyang iniiwasan ang mga mata ko na para bang nahihiya siya sa sinasabi niya.

Ewan ko, pero napapangiti kasi ako. Ang malaman lang na pinapangarap ako ng lalaking matagal ko ng mahal ay napaka sarap sa pakiramdam. Yung tipong ayaw magpaawat ng puso ko sa pagkalabog dahil nakikita ko ngayon ang pagkatuliro niya saakin. Panay ang pisil niya sa kamay ko na para bang hiyang hiya siya, namumula ang pisngi niya kaya naman napahalakhak na ako ng marahan.

"You're blushing Ethan.." Panunuya ko sakanya na naging dahilan para titigan niya ako sa mga mata ko. "Fck." Bulong niya, mas lalong humigpit ang kapit niya sa kamay ko.

"Calm me down baby, I think my heart might explode because of you..." Halos ibulong nalang niya iyon, marahan kong hinaplos ang pisngi niya na naging dahilan ng pagpikit niya.

Hinawakan niya ang ibabaw ng kamay ko mula doon sa pagkakahaplos ko sa pisngi niya at saka marahan na iminulat niya ang mata niya na kaagad nakipagtagpo sa mata ko.

"Hindi mo naman kailangang gawin 'to. Dahil para saakin, sayong sayo lang ako." Nakangiting sambit ko na mas lalong nagpakinang sa mga mata niya.

Nakakatuwang isipin na pareho pala kami ng nararamdaman noon pa. Mas lalo akong nagkaroon ng lakas ng loob para mas lalo ko siyang mahalin ng buong buo.

Pumasok kami sa loob ng coffee shop, may mga bumabati sakanya doon. Kausap na niya ngayon ang Engineer na kinuha niya para sa buong coffee shop.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong coffee shop at masasabi kong kaunti nalang ang aayusin at matatapos na ito. May mga bato sa pader na hugis puso. Ang mga upuan ay kulay dark brown at may bar area doon kung saan nakalagay ang iba't ibang uri ng kape. Napangiti ako nang mapansin kong may nakaukit na malaking letter C doon sa gitna mismo ng bar, maging ang bar stool ay may nakaukit na C sa likod.

"Let's go?" Napalingon ako nang marinig ko ang boses niya, "Nakausap ko na yung Engineer, may mga pinapaayos pa ako sa taas." Aniya.

Nginitian ko siya at tumango. "Napaghahalataan ang pagkabaliw mo saakin Ethan." Pang aasar ko sakanya, nalaglag ang panga niya at napalunok siya nang inguso ko ang letter C sa bar area.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon