WALANG SUGAT (ni Severino Reyes)

Magsimula sa umpisa
                                    

Kura 1.0: Ah, si Kapitan Luis! Ito tagaroon sa amin; masamang tao ito…Kung hindi man mason, marahilfilibustero, sapagka’t kung siya sumulat …maraming K(a), cabayo K(a).

Marcelo: Hindi po ako kabayo, among!

Kura 1.0: Hindi ko sinasabing kabayo ikaw, kundi, kung isulat niya ang kabayo may K, na lahat ng Cpinapalitan ng K. Masamang tao iyan, mabuti mamatay siya.

Kura 2.0: Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at ang Juez de Paz, ay daragdagan ng rasyon.

Marcelo: Hindi sila makakain eh!

Kura 1.0: Hindi pagkain ang itinutukoy ko sa rasyon! Hindi! Ano sa akin kundi sila kumain? Mabuti nga’t mamatay silang lahat. Ang rasyon na sinasabi ko sa yo ay ang palo, maraming palo ang kailangan. (Suggestion: sana habang ginagawa ‘to pinapakita na si Inggo na inaapi)

Marcelo: Ah.. Opo, among, hirap na po ang mga katawan nila at nakaaawa po namang mangagsidaing; isang linggo na pong paluan ito, at isang linggo na po silang walang tulog!

Kura 2.0: Loko ito! Anong awa-awa? Nayon walan awa-awa, duro que duro-awa-awa? Ilang kabanang rasyon? Ang rasyon ng palo, ha.

Marcelo: Dati po’y tatlong kaban…ngayon po’y lima ng kaban, at makalima po sa isang araw.Samakatwid ay limang beses 25, at makalimang 125, ay Huston 625 (binibilang sa daliri). Kakaunti pa! (bibigyan ni Kura 2.0 si Marcelo ng kuwalta at tabako).

Kura 1.0: Kahapon ilan ang namatay?

Marcelo: Walo po sana, subalit nang mag-uumaga po ay pito lamang.

Kura 1.0: Aba e, bakit ganoon? (gulat).

Marcelo: Si Kapitang Inggo ay pinagsaulan ng hininga.

Kura 1.0: Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si Kapitana Putin, at ibig daw makita si KapitanInggo na asawa niya. Kung ganoon ay hindi na mamamatay si Kapitan Inggo?

Marcelo: Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman ang dalawang pigi sa kapapalo, at angdalawang braso po’y litaw na ang mga buto, nagigit sa pagkakagapos.

Kura 1.0: May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon ngayon?

Marcelo: Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli ng limang kaban.

Kura 1.0: Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong kalilimutan, na si Kapitan Inggo ay araw-araw papaluin atibibilad at bubusan nang tubig ang ilong, at huwag bibigyan ng mabuting tulugan, ha?

Marcelo: Opo, Among

Kura 1.0: (Sa mga kasama niya) Compañeros, habeis traido el dinero para el Gobernador?

Kura 2, 3, 4: Si, si, hemos traido.

Kura 1.0: Marcelo, dalhin dito si Kapitan Inggo.

Marcelo: Hindi po makalakad, eh!

Kura 1.0: Dalhin dito pati ang papag.

Kura 1.0: Kapitana Putin, mga dalaw, parito kayo.(Magsisilabas ang mga dalaw). Tagpo 6.a(Mga Relihiyoso, Putin, Juana, Julia, Tenyong at mga dalaw, babae at lalaki.)

Kura 1.0: Kapitana Putin, ngayon makikita mo na ang tao mo, dadalhin dito, at sinabi ko sa Alkalde nahuwag nang papaluin, huwag nang ibibilad at ipinagbilin ko na bibigyan na ng mabuting tulugan…Kami ayaakyat muna sandali sa Gobernador, at sasabihin namin na pakawalan na lahat ang mga bilanggo, kaawa-awa naman sila.

 Putin: Opo, among, mano na nga po…. Salamat po, among. (Mangagsisihalik ng kamay, si Tenyong ayhindi at ang mga ibang lalaki.)

Kura 1.0: (Sa mga kasama) Despues de ver el Gobernador..a Manila, cogemeros el tren en la Estacion de Guiguinto, es necesariodeciral General que empiece ya a fusilar a los ricos e ilustrados de la provincia, porque esto va mal.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WALANG SUGAT (ni Severino Reyes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon