One Last Glance (One Shot)

42 1 0
                                    

Nabuo dahil sa isang activity sa clan; ang SAPPHIRE BLUE FAMILY! Nag-enjoy na ako, kaya eto na yung kinalabasan :3

Dedicated to: THE SBF MEMBERS! Annyeong!

---

Pauwi na ako ng probinsya namin galing maynila. Hapon na rin at nagkalat na ang kulay kahel sa langit na dulot ng araw.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko inaasahan na ganon ang mangyayari sa akin sa lungsod ng maynila.

Mahirap pala talaga doon. Maraming manloloko. Kailangan mong tumayo sa sarili mong mga paa.

"Anak, bakit biglaan yata ang pag-uwi mo?" Tanong sa akin ni mama. Paano ko ba sasabihin sa kanya ang sitwastsyon ko?

"N-nag emergency leave po ako." Tumango siya sa sinabi ko. Dali-dali akong pumasok sa kwarto ko. Biglang tumunog ang cellphone ko, hudyat na may nag text.

'Baby, where are you? Wala ka sa apartment mo?'

Napapikit ako ng mariin. nanginginig ang kamay ko habang nag tatype ng reply.

'Somewhere. We're cool. Dont worry'

Sinend ko na sa kanya ang text na iyon at ibinalibag sa kama ang phone.

Alam kong magagalit si Jerome kapag sinabi kong umuwi ako ng walang paalam.

Pagakaupo ko sa kama ko ay biglang nagring ang cellphone ko! Si Jerome!

Halos tatlong segundo ko rinng tinitigan ang cellphone ko. Napasinghap ako bago sagutin ang tawag. "H-hello?" Sagot ko.

"Baby, nasaan ka?" Tanong niya sa baluktot na tagalog. Bakas ang pag-aalala at panic sa boses niya.

"Jerome, baby, pagod ako, bukas nalang tayo--" Pinutol niya agad ang pagsasalita ko

"No, baby, you tell me, are you in the province? I am not gonna be mad. Just tell me baby." Humina ang boses niya na siya namang nagpakirot sa puso ko. He's hurt. I am hurting him. Sorry baby.

"Yes." Pag-amin ko. Agad akong napapikit dahil sa sinabi ko. Naghihintay ako ng mga sasabihin niya sa akin pero katahimikan lang ang natanggap ko.

"Why?" Tanong niya sa kabilang linya. Doon ako napadilat at parang natauhan.

Napatigil ako. Hindi ako makapag salita. Why. Bakit nga ba ako umuwi? Paano ko ipapaliwanag sa kanya na hindi na pwedeng maging kami?

Bigla nalang tumulo ang luha ko. Tinakpan ko pa ang bibig ko para maiwasan ang paghikbi. Sobrang guilt ang nararamdaman ko ngayon na kahit paghikbi ay hindi ko yata magawa. Parang wala akong karapatan.

"Baby, its okay." Aniya na nagpatigil sa akin pero naubos yata ang dugo ko ng magsalita siya ulit. "Ako nalang ang pupunta dyan." And with the tone he used, alam kong wala nang makakapigil sa kanya. Pero kailangan ko pa ring subukan.

"Baby, wag. Please? For me? Wag ka nang pumunta dito." Pakiusap ko. Pilit na inaayos ang boses kong galing sa pag-iyak.

"I want to see you. See you soon." Sabi niya. I hope I can Love you too, but you deserve someone, better than me. "I love you." Aniya na muntik nang lumusaw ng tuluyan sa akin.

Ano? Rina? I love you lang niya, lusaw ka na?

"Jerome Kim--" Tutol ko sa kanya pero agad na naman niyng pinutol. Tumulo na naman ang luha ko na agad ko namang pinahid.

"I love you." Mas mariin niyang sabi mula sa kabilang linya.

Napabuga nalang ako ng sariling hininga. He's so stubborn. Pero, wala. Mahal ko talaga kahit tutol na ang utak ko.

One Last GlanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon