Chapter 25 ✔

11.9K 227 42
                                    


Trailer # 2 ; Please watch it!



**

Naririnig ko nanaman syang kumanta, isang malungkot na kanta nanaman.

"Kath!" Tawag ko sakanya, lumingon sya sakin at kumaway.

"Haze.." Tumayo sya at nakipagbeso sakin.

"Anong title ng kanta?" Tanong ko, nanlaki ang mga mata nya sa tanong ko.

"You heard me? OMG!" Sabi nya na parang nahihiya sakin.

"Wag kang timang dyan! Maganda boses mo! ahaha! Ano nga?" Tanong ko sa babaeng nasa harapan ko at nakangiti.

"Good to you by Marianas Trench." Sagot nya, hinawakan nya ko sa kamay at inalalayan papasok sa bahay nila.

Tumingin ako sa paligid, wala akong nararamdaman na kahit ano di katulad sa bahay nila Seb, dito wala. Ang tahimik lang na parang ngayon lang ako nakapasok.

"What's wrong?" Tanong nya sakin.

"Nandemonai, First time ko ba dito?" Tanong ko, natawa sya sa tanong ko pero tumango naman sya bilang sagot.

"Kapag kasi gumagala tayo noon, mas pinipili natin sa bahay nila Kekel or Tiara, Lalo na sa bahay ni Seb! Wahaha! Malayo kasi 'to." Kwento nya sakin, tumango naman ako na parang sumasang-ayon.

"Kukuha lang ako ng juice, day off kasi ng mga maids namin! ahaha! Wait lang ha." Sabi pa nya sakin.

"Gora! Nauuhaw narin ako." Sabi ko.

"Opo Madame! Tawagan mo na lang sila Seb." Sabi nya tsaka sya tumalikod at tinungo ang kusina.

Kinuha ko yung cellphone ko sa bag at tinawagan sila.

"On the way na raw sila." Sigaw ko pagbaba ko ng cellphone ko. Tumayo ako at pumunta dun sa parang box, binuksan ko yun at nakita ko ang mga pictures.

*__* ! Ang cute nya nung bata sya, grabe!

Sa sobrang katuwaan ko, kinuha ko yun at inilagay sa lap ko tsaka ko sila tinignan.

"Kawaiii~" Hindi ko napigilang sabihin habang tinitignan sila.

Happy Family..

Napangiti ako sa nakikita ko, ganito rin kami dati, ganito kami kasaya noon.

Bago mamatay si Daddy at kung hindi umepal yung si Tanda! Haaays!

Isinara ko yun at ibinalik sa lalagyanan, tumingin ako sa paligid. Napaka-sayang pamilya.

Bakit parang sabik na sabik akong magkaroon ng ganung kasaya na pamilya.

Napatingin ako sa hagdanan at nakita ko ang isang dalaga na sa tingin ko ay nasa 18-20?

Nakipagtitigan ako sakanya, pero iba yung tingin nya sakin.

Nakakabatang kapatid ba to ni Kath?

Bakit walang bakas na magkamuka sila?

Tinignan ko ang mga mata nya, may iba sa kanya.

Mga mata na parang nagmamakaawa.

"Ivy! Ivy! ilang beses ko ba na wag kang lalabas ng kwarto mo?!" Narinig kong sigaw ni Kath tsaka sya tumakbo paakyat at inalalayan ang kapatid.

"Wag ka ng makulit o, please? Wala sila Yaya kaya ako ang magaalaga sayo, Nagugutom ka ba?" Tanong ni Kath, ngumiti ako dahil nakita ko kung gaano kahalaga sakanya ang kapatid nya.

Shadow In My Heart [Book 2 of WCIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon