16. I need to know everything

624 19 2
                                    

Chapter Sixteen

Tiffany's Pov

"Hey Tiff!" Bati sa akin ni Taecyeon isang araw ng dalhin ako ni Nichkhun sa dorm nila. Ngumiti ako ng tipid bago maupo sa sofa na katabi niya.

Si Taecyeon ang isa sa mga kagrupo ni Nichkhun. Gwapo si Taec, matangkad at di hamak na mas malaki ang built ng katawan. Hindi siya ganung kaputi, laging clean cut ang buhok at lalaking lalaki ang boses kung magsalita.

"Kamusta si Jess?" Nakangising tanong niya. Isa siya sa mga nagtangkang manligaw kay Jessica pero kaagad ding nareject sa hindi ko malamang dahilan. Mukhang okay naman si Taec at mabait. Bukod dun ay matagal na din namin siyang kakilala.

"Mataray pa din?" Nakangiting sagot ko saka tinaasan siya ng kilay.

Napahalakhak siya.

"Tell me kung kelan pwede I will visit her."

"Speaking of visit! I'm thinking if I can visit your dorm some other time Fany Fany. May raket ako malapit sa inyo next week e. What do you think?" Biglang singit ng kararating na si Wooyoung. Malaki ang pagkakangisi niya at pumipitik pa sa hangin ng pabagsak na naupo sa couch kaharap ko.

Saglit akong natigilan. Isa si Wooyoung sa close sa amin pero hindi siya pwede pumunta sa dorm. Not until nandoon si Taeyeon.

Napakagat ako ng ibabang labi ko ng maisip yun. Dammit! Why did I almost forgot that?

Ano na lang ang mangyayari kung malaman nilang may kasama kaming lalaki sa dorm? Siguradong malaking gulo ito. Lalo na kung makarating sa manager namin.

Nangako kami kay Sunny na ililihim ito. Hanggat hindi pa nakakalipat si Taeyeon at nag iistay pa sa dorm ay walang ibang dapat na makaalam.

"I-I will ask Sunny first." Kinakabahan na sagot ko.

Napataas ng kilay si Wooyoung.

"And why is that?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Nichkhun sa sala. May dala siyang tray ng juice at sandwich habang nakatitig sa akin ng seryoso. Napalunok ako.

"Uh. About our schedule of course. What if pumunta si Wooyoung ng wala kami?" Half lied na sambit ko.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtango ni Wooyoung.

"Don't worry magtetext naman ako." Aniya bago magkibit balikat.

Nilapag ni Nichkhun sa mesa yung dala niyang tray bago maupo sa tabi ko. Ngumisi siya sa akin ng tipid bago marahan akong inakbayan. Napasinghap ako at dahan dahang lumayo sa kanya. Mabuti na lang at hindi niya napansin yun dahil masyado siyang occupied sa presence nila Wooyoung.

"So tell me now Tiff. How's my Jessica?" Tanong ni Taec. Tumingin ako sa kanya sabay irap.

"Your Jessica?"

Sabay na humalakhak si Wooyoung at Taec.

Ngumuso ako at tinitigan sila ng hindi makapaniwala.

"So?" Balik tanong ni Taec ng mapansin na wala akong balak sagutin yung non sense niyang tanong.

I rolled my eyes.

Ano bang dapat kong sabihin? Na may iba ng nagugustuhan si Jessica? Na nagiging malapit siya kay Taeyeon?

Kinagat ko ang ibabang labi ko ng maisip yun.

Taeyeon likes me. He said that.

"She's good.. of course." Walang kagana ganang sagot ko.

Nag taas ng kilay si Taec.

"Don't tell me she already have a boyfriend?"

Napasinghap ako. Pakiramdam ko umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo.

SNSD House BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon