Chapter Thirty One

409K 8.1K 913
                                    

THIRTY ONE

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Magpahinga ka muna at wala ka pang maayos na tulog." Seryoso kong sabi kay Axcel na ngayon ay nakahiga sa kama ko. Nakatingin lang siya sa akin at tila ba pinapanood ang bawat galaw ko.

"Here?" Tanong n'ya sa akin. Agad naman akong tumango sa sinabi niya.

"Oo, dito ka na lang magpahinga at mahaba pa ang ibibiyahe mo pabalik sa Manila." Sabi ko sa kanya habang kumukuha ako ng damit na pamalit. Kumuha rin ako nang damit n'ya sa may bag ko.

"Sigurado ka? Paano kapag may nangyari sa atin? Ayos lang sa'yo?" Nakangisi niyang tanong.

"Ewan ko sa'yo!" Sabi ko sa kanya sabay irap. Narinig ko naman ang kanyang paghalakhak.

"Pa-isa lang sa'yo, sige na." Sabi pa n'ya habang tumatawa. Hinarap ko naman siya at tsaka siya pinaningkitan ng mata.

"Nasa ibaba lang si Daddy! Kapag narinig n'ya 'yang mga pinagsasabi mo, lagot ka roon!" Nakasimangot kong sabi sa kanya.

"Sound proof kaya 'tong kwarto mo, hindi n'ya maririnig ang mga ungol nating dalawa." Sabi n'ya sabay kindat sa akin. Kinuha ko naman iyong unan na malapit sa akin at walang sabi-sabing ibinato sa kanya iyon.

"You and your dirty mouth!" I glared at him. Tumawa lamang siya sa reaksyon kong iyon. Pumasok naman ako sa banyo upang mag-ayos ng sarili.

"Sinasarado pa, parang hindi ko na naman nakita pa 'yang katawan mo." Rinig kong sabi n'ya sa may labas.

"Sasakalin talaga kita, kapag hindi ka pa tumigil!" Iritable kong sagot sa kanya. Binilisan ko naman ang pag-aayos sa sarili ko sa loob ng banyo. Mamaya pa kung ano pang kamanyakan ang pumasok sa katawan ng Montemayor na 'yon at bigla akong pasukin rito sa loob ng banyo. Naligo ako pero saglit lang, hindi kasi ako sanay na hindi naliligo kapag gabi.

"Sexy ah." Nakangisi niyang sabi sa akin pagkalabas ko nang banyo. Agad ko naman siyang inirapan.

"Magbihis ka na nga! Akala ko ba pagod ka?" Sagot ko naman sa kanya. Sando at pajama ang suot ko dahil iyon na ang nakasanayan ko kapag matutulog ako. Ayoko namang mag short dahil baka manyakin lang ako nang isang 'to.

"Okay." Kaswal n'yang sagot sa akin. Tumayo naman siya at halos mapatili ako nang bigla na lang niyang hubarin ang polo shirt niyang suot pati na rin ang pants niya. He's damn hot!

"Magsabi ka naman kung maghuhubad ka!" Sabi ko sa kanya sabay iwas ng tingin.

"Ang prude mo naman. Parang hindi mo pa ako nakikitang nakaganito lang, nakita mo na nga akong naka-brief lang tapos mag-iinarte ka pa. Pa-virgin ka naman masyado." Dirediretso niyang sabi sa akin habang nakangisi. Bakit ba ayaw maalis sa mukha niya ang ngiti? Simula nang umalis kami sa Rancho panay na ang ngiti niya at hindi ko malaman kung bakit. Kung hindi ko lang talaga siya kilala, mapagkakamalan ko na siyang may sira sa ulo.

"Kahit na! Babae pa rin ako kaya dapat magdadahan-dahan ka!" Sagot ko naman sa kanya. Isinuot niya lang iyong sando na inabot ko sa kanya kanina.

"Yeah, dahan dahan lang." Natatawa n'yang sabi. Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi n'ya.

"Magsuot ka rin ng short!" Inis kong sabi sa kanya. Kahit kailan na lang talaga! Parang bata pa rin na papaalahanan sa lahat ng bagay. Naka angry birds lang kasi siyang boxer shorts at gusto ko mang matawa, pinigilan ko na dahil baka sabihin niya na gusto ko naman ang nakikita ko.

"Ayoko, mainit. Ayos na 'tong boxer shorts. Kung ayos nga lang sa'yo, mag bibrief lang ako. Pero baka mamaya magtitili ka diyan at sabihin pa nang Daddy mo ay ginagahasa na kita." Kaswal n'yang sabi sa akin habang medyo natatawa. Humiga na ako sa kama ko dahil ramdam kong pagod na ang katawan ko. Halos sampung oras din kasi ang ibiniyahe namin kasama na ang traffic kanina, kaya talaga namang pagod na pagod kami ni Axcel.

Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon