CHAPTER 8: STUDY OR CONFESSION?

71.2K 875 66
                                    

CHAPTER 8

"STUDY OR CONFESSION?"

Hinintay namin ang driver niya kanina sa bus stop dahil ipinadala nalang niya ang mga damit na gagamitin niya para sa overnight niya rito. Nag-offer naman akong samahan ko nalang siya sa bahay nila para kahit papaano ay maipagpaalam ko siya pero ayaw niya talaga.

Sa ngayon, nandito na kami sa harap ng bahay at kanina pa talaga kami dito nakatayo dahil ayaw niyang pumasok. Siraulo talaga siya. Kung natatakot siya edi sana sakanila nalang para naman kahit papaano ay walang sabihing masama ang mga magulang niya saakin.

"Hindi naman ganoon ang nanay ko." Sabi ko nalang dahil kanina pa niya sinasabi na paano raw kung isipin ng nanay ko na kaladkarin daw siya?

"Talaga?"

"Oo nga." Papaasok na sana ako kaya lang muli nanaman niya akong pinigilan. Nakahawak siya ngayon sa dulo ng shirt ko. Baka mapunit. Allowance ko pa naman ang ginamit ko para mabili ito.

"Teka teka! As in hindi talaga?"

"Oo nga ang kulit. Sige ka, iiwanan kita rito." Binantaan ko na siya dahil nagmumukha na kaming kawawa dito sa harap ng sarili kong bahay. Bahala siya kung ayaw niyang pumasok basta ako nagugutom na talaga.

"Teka! Sama na ako."

Napapangiti pa rin niya ako kahit na dapat ay kanina pa ako naasar sakanya. Ang laking abala nito pero wala na akong pakialam. Hindi naman ganun kahirap yung quiz namin bukas. Mas mahalagang maipasa ni Lady yung sa prof niyang halimaw.

"Pagpasensyahan mo na 'tong bahay namin. Hindi naman ito tulad ng ine-expect mo."

"Anong hindi? May second floor pa nga e!" Natutuwa niyang pahayag. Masikip lang naman yung bahay namin. Ang second floor ay puro kwarto lang.

Pagpasok palang namin ay nakaabang na ang kapatid kong si Rowena. Loko talaga 'tong batang to. Marahil ay kanina pa niya kami naririnig ni Lady sa labas na nagtatalo.

"Bakit ngayon ka lang? At sino 'yang kasama mo?" Sabay turo niya kay Lady.

"Hindi mo na ako kinu-kuya ngayon? Girlfriend ko, si Lady." Tinatanggal ko pa yung sapatos ko kaya nakigaya naman si Lady.

"MA! SI KUYA! NAGDALA NG GIRLFRIEND SI KUYA!" Sigaw niya habang patakbong pumunta sa kusina.

"Kapatid mo 'yun?"

"Oo. Pagpasensyahan mo na. Ganun talaga yun parang ikaw lang 'yan. Parang laging nakadrugs." Humarap ako sakanya at napansin ko na namumula na siya kaya naman hinalikan ko pa siya sa pisngi para mas lalo siyang mamula.

"Huwag kang mag-alala mas cute ka naman sa kapatid ko." Kako nalang saka ko hinawakan yung kamay niya para naman hindi siya mukhang estatwang display dito at nang makilala na rin niya ang nanay ko.

"Sabi ni Rowena--- Siya ba yung sinasabi ni Rowena na girlfriend mo?" Bumitaw kaagad si Lady nang makita niya ang nanay ko.

"M-magandang gabi po. Ako po si Le-Lady... Lady Lyn. Girlfriend po niya."

"Buti naman at naisipan mong dalhin dito ang girlfriend mo. Ni minsan hindi ka nagdala e. Nag-aalala pa naman ako sa orientation mo nak."

"Mama naman e. Nga pala matutulog kasi siya rito."

"Ah ganun ba?" Nakangiti pa siya noong una pero napalitan ito kaagad ng pagkagulat. "A-ano?"

"Kako matutulog siya rito. Mag-aaral kasi kami."

"E hindi ba magagalit magalulang mo hija?"

"Nagpaalam po ako kanina." Tumawag siya kanina sa isang myembro ng pamilya niya bago tuluyang sumama saakin. Siguro naman pinayagan siya kaya wala naman sigurong sabit. Mamaya magalit pa pamilya niya saakin baka akalain ay itinatanan ko siya. Naku huwag naman sana.

Picture of You (season 1 and 2) (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon