CHAPTER 24

384 23 3
                                    

Dedicate to my number 1 idol. :) Yung story niyang Secretly Married ang una kong nabasa sa wattpad, isa pa ako nun sa mga offline readers dahil wala pa akong account. Hihi. Sana po magustuhan mo idol. ^_____^ <3 <3 <3

***

( A/N: Changing my format ^___^ )

"Magtakip ka ng mata mo!" utos niya sa akin. Sinunod ko naman yun. "Wag kang sisilip."

"Asa ka. Psh! Di ko pagnanasahan yang buto-buto mong katawan." I know it's not true. Dahil nung nasa condo pa lang kami gusto ko na siyang halayin because of his so-hot-half-naked body.

"Ang tagal naman!" Binaba ko na yung kamay ko at nanlaki yung mata ko. Napalunok ako sa nakita ko. Hindi pa siya tapos magbihis, nakita ko na naman ang pandesal niyang abs. Drools.

"Isara mo baka pasukan ng langaw." tumingin siya sa akin ng matapos na siyang makasuot ng polo niya.

         Tumingin na lang ako sa ibag direksyon. Pero sinusulyapan ko rin siya. Ang saya lang sa feeling kahit na bipolar 'to, mahal na mahal ko siya at masasabi ko ring maswerte ako sa kanya. :)

"Pinapantasya mo na naman ako." sambit niya habang nagdadrive siya.

"Dream come true na nga e. Bakit pa kita papantasyahin?" ngumiti ako sa kanya ng ubod nang tamis. He also smiled. "Saan ba tayo pupunta?"

"Somewhere."

"Saan nga?"

"Basta." ngumiti siyang muli. Nakakacurious naman. Saan ba ako dadalhin nito?

--

"Mental Hospital?" hindi pa naman ako nasisiraan, bakit niya ako dinala dito? Baka siya? "B-Baliw ka na ba?"

"Oo. Sayo." Shit lang! Pakiligin ba raw ako. Hahahaha. XD He took my hand at pumasok kami sa loob ng mental hospital.

            Humawak ako ng mahigpit sa kanya dahil medyo natatakot ako doon sa ibang may tama sa utak kasi kinakalabit ako although my mga nurse silang katabi. Nakakatakot pa rin. Pero si Jelo parang sanay na siya. Lagi kaya siya dito?

              Huminto kami sa tapat ng isang pinto. Nung una parang nagdadalawang-isip pa siyang buksan yun pero binuksan niya na rin. Pagkabukas niya nun, I saw a lady sitting on her bed. Tulala siya at nakatingin lang sa bintana. Kung titingnan siya, siguro mga 30's na ang edad niya.

"Babo... meet my... mom." Napatingin ako sa kanya at tumingin sa babaeng nakaupo sa kama. Lumapit ako ng konti sa kama para makita ang mukha ng babae.

"Pareho kayong ng mga mata." napangiti ako. Kamukha niya yung mom niya. Naupo ako sa tabi ng mom niya. Pero wala pa rin itong reaksyon. "What happened to her?"

Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Nagkaganyan siya, simula ng mawala si Dad. He killed. Infront of her." Kaya siguro ganito ang mom niya. Trauma.

           Hinawakan ko ang kamay ng mom niya. Nagulat ako ng bigla itong lumingon sa akin, bibitawan ko na dapat ang kamay nito, pero hinawakan niya rin ako. Napakurap-kurap ako. Naramdaman kong lumapit si Jelo dahil naramdaman kong nasa gilid ko na siya.

"E-Emma..." bigkas niya. Nangingilid pa ang luha niya ng sambitin yun. "Emma..."

             Naramdaman ko ang pagtibok ng puso ko. Emma... Emma is my mom's name. She knows mom.

"Emma..." yinakap niya ako habang umiiyak siya. "Emma! Emma!"

           Naramdaman ko na lang ang paghila ni Jelo sa akin at ang pagdating ng mga nurse. May in-enject sila na sanhi ng pagkalma niya at unti-unting pagpikit ng mga mata niya. Bago siya makatulog, binulong niyang muli ang pangalan ng mama ko at ang salitang 'sorry...'

Can't Help Falling In Love With You (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon