[75] Stop

369K 9.2K 6.7K
                                    

[75] STOP

GAIL'S POV

Thanks for leaving me... again, Crystal. Best wishes for the both of you.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at pilit na inaalis sa isip ko ang mga sinabing 'yon ni Kurt. The moment he said that, I felt like I wanted to run back and drape my arms around him. 

Thanks for leaving me... again

Pakiramdam ko ay pinipiga ang puso ko sa basag niyang boses. Ilang beses ko na ba siyang nasaktan? Palagi nalang, Gail. Paulit-ulit mo nalang siyang pinapahirapan.

Napamulat ako kasabay ng paghikbi ko. Yakap-yakap ko ang unan habang nakatulala sa isang sulok ng kwarto. Nag-iisip, inaalala kung tama ba ang naging desisyon ko.

My eyes were wet with tears. Lagi nalang akong ganito. Nagkukulong sa kwarto, at tila nawawala sa sarili. 

Best wishes for the both of you.

Kahit sa pagpikit ko ay ang mukha pa rin niya ang nakikita ko. Nanginginig ang mga labi niya habang sinasambit ang mga salitang iyon. Nakatitig ng malamig sa mga mata ko, tila nangungusap... Tila nagmamakaawa na bawiin ang sinabi ko.

I turned to other side and curled myself under the blanket. Literal na sumasakit na ang ulo ko sa sobrang pag-iisip.

"He'll be fine, Gail. He'll be fine..." I chanted under my breath when suddenly, a loud knock interrupted my thoughts.

Gaya ng parati kong ginagawa ay hindi ko iyon pinansin, pero napakunot noo ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Napalingon ako sa direksyon nito at nakita si Fifth na nakatayo rito, hawak-hawak ang isang medicine kit.

"I'm coming in," he said and then turned the light switch on. I closed my eyes as I warily groaned in irritation. "... Sorry for interrupting you but could you please cure my wounds for awhile?"

Umiwas ako ng tingin at hindi siya pinansin. I hate it when he's clingy. Kahit na anong paramdam ko sa kanya na ayoko sa kanya ay pilit pa rin niyang ipinagsisiksikan ang kanyang sarili sa akin.

"Crystal---"

"Paano ka nakapasok? Pagod na ako. Lumabas ka na," I frantically said.

I heard a few steps coming near towards my bed and I flinched a little when I felt a weight on its edge. "I used the duplicate key. Hindi mabuting nagkukulong ka sa kwarto mo. Ilang araw ka nang nagkakaganyan."

At ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito...

"Now that you fin'lly broke up with him, why don't you give me a chance to prove myself to you?" he asked and I felt him place a hand on my arm. "Crystal, we're getting married in a week. I hope we can still make things up before our wedding."

Napakuyom ang mga palad ko sa sinabi niya. Paano niya nasasabi iyon sa akin nang hindi man lang iniisip ang nararamdaman ko? It has been only an hour since my heart shattered and now here he is, speaking concerns about our sh*t of a wedding.

"Anong gusto mong gawin bukas? Do you wanna go out---"

Naputol ang sinasabi niya nang bumangon ako at hinarap siya. Kinuha ko mula sa kanya ang medkit, nang hindi tumitingin sa mga mata niya.

Sunod-sunod na paglunok ang ginawa ko habang isinasaayos ang bulak, panlinis at gamot. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang ginagawa iyon.

"S...sige, pipilitin kong ayusin ang relasyon na 'to," I said, fighting my tears from falling. I carefully held his cheek in place, curing his bruises on his brow. "--Masakit ba? P-pasensya ka na sa kanya ha? Basagulero kasi talaga 'yon."

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon