Secret Nights - 38

218K 2.9K 524
                                    

ZACH'S POV

  


Nang makita ko si Amber na papasok ng lobby ng XYZ hotel ay mabilis na tumayo ako habang bitbit ko sa isang kamay ang isang tangkay ng pulang rosas na pinitas ko sa mismong garden ni mommy. 




"I missed you," mabilis na sabi ko sa kanya matapos ko siyang hagkan sa labi.




 Nang makita kong ngumiti siya sa 'kin ay parang nabura lahat ng pangungulila ko sa kanya sa loob ng ilang araw na hindi ko siya nakita. Hinawakan ko siya sa kamay at pagkatapos ay hinila ko siya palabas ulit ng hotel.




 "Zach, saan tayo pupunta?" narinig kong tanong ni Amber habang iginigiya ko siya papunta sa kotse ko.




 "We'll have dinner," nakangiting sagot ko sa kanya habang ikinakabit ko ang seatbelt sa katawan niya. "You smell nice," komento ko nang maamoy ko ang pabango niya na nanunuot sa ilong ko. Bahagya pa akong natawa nang maramdaman kong nanigas siya nang dumampi ang labi ko sa punong-tainga niya. "Relax. You're so tense."




Pagkatapos ay umikot na ako at pumwesto sa driver's seat. Napansin ko ang pananahmik ni Amber habang binabaybay namin ang daan pero hinayaan ko na lang muna siya. She must be really tired.




Nalaman ko mula sa lawyer ni Amber na may inasikaso diumano siya somewhere in Baybay at sa abogado ko na rin nalaman na ngayon nga ang balik niya kaya naman I decided to surprise her tonight.




 Mabilis na narating namin ang isang bagong restaurant sa may Leyte park which is owned by a good friend of mine. Matapos ihimpil ang kotse ay mabilis akong bumaba para ipagbukas ng pinto si Amber. Inalalayan ko siya hanggang sa makapasok kami sa loob ng restaurant.




 Pagpasok namin ay agad kaming dumiretso sa isang sulok kung saan nakahanda na ang mesa namin. Habang nasa daan pa lang kami ay na-text ko na 'yong friend ko na on the way na nga kami. Unlike the other tables, sa halip na white cloth ay pula ang table clothing ng lamesa namin. There are flowers on top of it at may scented candles din. Ilang dipa lang ang layo mula sa pwesto namin ay nakalagay ang piano na nagagamit lang tuwing Friday at Saturday ng bandang nagpe-perform sa naturang mga araw.




Nang maayos na kaming nakaupo ay sinenyasan ko ang waiter na nakatayo malapit sa amin. The waiter already knew what to do. Kaninang hapon ay galing na ako dito para ipahanda ang mga paboritong pagkain ni Amber.

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon