CHAPTER 7: I LOVE YOU RAW

73K 915 91
                                    

CHAPTER 7

"I LOVE YOU RAW"

"Aldrin! Aldrin! Aldrin!" Parang kung anong spell ang kanyang sinasabi tuwing binabanggit niya ang pangalan ko. Palibhasa tinotopak nanaman.

"Topak! Napaano ka nanaman?"

"Tingnan mo scores ko oh! Tadaaaa!" Mabilis niyang inilabas ang test paper niya at ibinalandra ito sa mukha ko. "Hehehe! Huwag kang mabibilib saakin masyado ah!" Pagmamayabang pa niya saakin.

"Naks! Ang talino mo pala e" Puri ko sabay gulo na rin ng buhok niya.

"Nag-aral akong mabuti nung prelims! E ikaw?"

"Ako pa ang tinanong mo. Teka." Agad ko ring inilabas yung kababalik lang na test paper namin kanina sa isang subject. "Oh." Abot ko sakanya.

"T-teka. Paper mo talaga ito?" ilang beses pa niyang binasa ang pangalan ko para siguraduhin. "Hindi ka nagcheat? Bakit ang taas? Almost perfect na ito! ANG DAYA!"

"Teka hinaan mo naman ang boses mo. OA ka na e." Pinagtitinginan na kasi kami ng mga kaklase ko. Ang ingay naman kasi niya kapag nadadala ng emosyon!

"E kasi naman e!" Reklamo niya na parang ayaw niyang mataas ako sa exam ko. Hindi ba siya proud sakin? Naging proud naman ako sakanya ah? Ang kumplikado talaga ng mga babae o baka naman siya lang ang kumplikado? "Bakit kasi halos maperfect mo na? Kaasar patingin ako ng ibang subject baka may bagsak ka! Patingin!" Napailing nalang akong kinalkal yung bag ko at saka ibinigay ang iba kong testpaper sakanya.

"Pusha Aldrin! One mistake? Halimaw ka! Hindi ko alam na genius pala ang boyfriend ko! Ipagmamalaki na kita!"

"Sige nga paano mo ako ipagmamalaki?" Hamon ko habang inaayos ko pa yung ginulo niyang bag ko.

"Watch and learn Aldrin." Sabi niya saka na siya tumayo at nagtungo sa harapan ng buong klase. All eyes are on her right now. Hindi ko mabasa kung anong nasa isipan niya.

"HOY MGA CLASSMATE NI ALDRIN! TUMINGIN KAYO SAAKIN!" Nasapo ko nalang ang mukha ko dahil sa ginawa niya. Ako na yata ang nahihiya para sakanya. "Nalaman ko na genius pala itong boyfriend ko! Yung mga babae, huwag niyo siya lalapitan- well, expect for Aireen. Maliwanag? Alam ko naman kasing gwapo siya at----" Tinakpan ko na ang bibig niya ng kamay ko para manahimik na siya at hinila ko na paalis.

"Grabe ka ah!"

"Para maliwanag." Aniya saka kumapit sa braso ko. "Punta ako sa bahay niyo mamaya." Sadyang tumigil ako sa paglalakad ko ngayon dahil sa sinabi niya. Siya? Pupunta sa bahay ko? Nasisiraan ba siya?

"Heto naman OA! Alam ko 'yang nasa isip mo ah! Magpapaturo lang ako ng math."

"Magkaiba naman tayo ng course."

"Edi pag-aralan mo. Sige na please?" Aish! Ano pa ba ang magagawa ng boyfriend kapag nagpapacute na yung girlfriend? Ang sarap kutusan e. Pasalamat talaga siya sa nanay ko dahil pinalaki niya akong may mabuting kalooban.

"Oo na, sige na." May make-up class pa naman kami mamaya pero hindi nalang ako pupunta. Tutal paniguradong boring naman iyon.

"YEHEY! I love you boyfriend." Sa sobrang saya niya ay hinalikan pa niya ako sa pisngi at bigla nalang umalis nang hindi man lang nagpaalam saakin.

Parang may kung anong gong na tumunog sa utak ko ngayon. Shete! First time yun! Sinabihan niya ako ng I love you! 'Nak ng takte! Hindi ko alam kung kinikilig ako. Putspa. Feeling ko nakaplaster yung ngiti sa mukha ko ngayon kahit na noong nakabalik ako sa klase namin. Kung ganito lagi, siguro ayaw ko nang maging tahimik ulit siya.

"Achuchuchu! Yung ngiti pare iba ah!" Pang-aasar nanaman ni Jolo na sinabayan pa nung iba naming kaklase.

Mga siraulo talaga.

***

Agad akong lumabas ng klase namin nang magpalabas na ang prof namin. Pinuntahan ko na kaagad si Lady. Hindi na nga ako nakapagpaalam kanina kina Aireen dahil sa pagmamadali. Ikaw ba naman sabihan ng I love you e. Sinong hindi gaganahan?

Nasa labas na ako ngayon ng room nila at isa-isa na ring lumalabas ang mga kaklase niya.

"Si Lady? Hindi pa ba lalabas?" Kinapalan ko na mukha kong magtanong dahil siya nalang yata ang nandoon.

"Kinakausap pa ni Sir e."

Sana pala hindi na ako nagmadaling pumunta rito. Anobayan. Kanina pa rin akong pasilip-silip sa relo ko. Masyado naman yatang matagal makipag-usap 'yang si Lady sa prof nila?

Lumipas pa ang ilang minuto at lumabas na rin naman siya. "Oh napaano ka?" tanong ko dahil nakasimangot siya.

"Aldrin!" Bigla nalang niya akong niyakap at basta-basta nalang umiyak. "Kapag bumagsak daw ako sa quiz baka raw hindi ako pumasa kahit pa raw mataas ang makuha kong grades sa midterm. Anong gagawin ko?" Ang higpit talaga ng yakap niya ngayon pero kahit papaano ay naawa naman ako sakanya.

Paglabas ng prof niya ay napatigil ako sa pag-aalo ko kay Lady. Siya lang naman yung famous na manyak na prof! May lucky seven 'yan at saka chosen one. Kapag may pinili siyang pito ay iyon ang mga trip niyang ibagsak at kung chosen one naman ay--- sandali nga. Napatingin ako bigla sa nakayakap saakin na si Lady. Pucha talaga.

"Huwag mong sabihing ikaw ang---"

"Chosen one ako Aldrin! Anong gagawin ko?" Basa na yung T-shirt ko dahil sa kaiiyak niya. Chosen one ay yung mga alay sa klase. Ipapasa ang lahat pero ibabagsak naman niya ang isa.

"Lokong prof talaga 'yun"

"Matutulog ako sa bahay niyo! Turuan mo ako magdamag!"

"Sige teka—Ano?" Humiwalay ako sa pagkakayakap niya saakin.

"Matutulog ako sa bahay niyo. Ayaw mo akong bumagsak, diba? Turuan mo ako magdamag!" Halata namang desidido siya pero pakshet 'di ko naman nasabi sa nanay ko na may kasama akong uuwi ngayon!

Picture of You (season 1 and 2) (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon