BS #24: BLAME ME ALL YOU WANT

231K 5.3K 795
                                    

BS #24: BLAME ME ALL YOU WANT

-------------

MELISSA QUIZON

“I have a confession to make.”

Shi-t!

“No, Wright..” I murmured. Naging balisa ako sa nangyayari, samantalang si Reid ay parang nalilito rin sa nangyayari.

Huminga ito ng malalim at ngumiti. “Gusto ko lang sabihin sa inyo na maghihiwalay na ang members ng Kiss N’ Tell.”

Wait. What?

“Yes. Napagkasunduan namin na ito na ang huling concert na gagawin namin.” Dagdag ni Leon. Lumapit ito kay Wright at tinapik ang balikat nito. Ngumiti si Wright ng tipid sa kanya.

Tumayo rin si Fier at lumapit kay Wright. Hindi mababakas sa mukha nila ang kalungkutan. Bulungan ang tanging maririnig sa loob ng Arena.

Napatingin ako kay Reid nang hawakan nito ang kamay ko at haplusin ng isang rosas. Hindi nito naiintindihan ang nangyayari kaya mas ayos iyon para sa akin. Inayos ko ang kuwelyo ng polo nito na bahagya ng gusot.

“And also. . .” Bumaling ako kay Wright. He’s looking back at me. Kumislap ang mga mata nito habang nakatitig sa amin. Nahigit ko ang hininga ko. “I already have a family of my own.”

Family?! Ano ang sinasabi niya?!

Lumapit ito sa hagdanan at bumaba.

No.

His dark eyes glimmered with passion. His sensual mouth was set in a firm line, his defined jaw tight.

Oh. No.

I’d never seen Wright like this before. Raw masculinity seemed to ooze out of his pores.

I gulped.

Nilahad nito ang kamay sa akin. “Come.”

What to do? What to do?!

He tilted his head. Umawang ang labi ko nang ngumiti ito sa akin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hinawakan nito ang mikropono na nasa tapat ng labi niya. Yumuko siya at bumulong sa akin. “I told you, gagawin ko lahat basta, just so you could take me back, Baby.”

Wright!

Lumipat ito  kay Reid at kinarga ito. May binulong din ito kay Reid pero hindi ko iyon narinig. Napatayo ako dahil doon. Ngayon lang naramdaman ang panginginig ng tuhod ko. Hinawakan nito ang bewang ko.

“Meet my wife, Melissa Agoncillio and my son, Reid Mikhail Agoncillio.” Mababakas sa boses nito ang kasiyahan.

Wife?! Me?! NO!

Nagkagulo ang lahat. Naging mas agresibo ang media, hayok ang mga ito sa pagkuha ng litrato. May lumabas na security personnel para protektahan kami. Yumakap si Reid kay Wright at siniksik ang ulo sa leeg ng ama. Nakayuko ako habang naglalakad, dala ko ang inis at galit kay Wright.

“This is all your fault.” Gigil kong sabi kay Wright habang patuloy kaming sinisiksik ng media.

“Blame me all you want, but I will never regret what I did, Melissa.”

Hingal na hingal kaming nakarating sa loob ng kwarto. Ilang minuto lang ay sumunod na rin sila Leon, Fier at Racky, kapwa pinagkakaguluhan rin ng media. Binaba ni Wright si Reid, agad namang yumakap sa akin si Reid. Natakot ito sa nangyari. Lumuhod ako para mayakap ito.

This all your father’s fault, Baby.

“Ito ba ang anak mo, Wright?” Napatingala ako kay Fier, ganun rin ang ginawa ni Reid. “Kamukhang-kamukha mo. Ibig sabihin, ikaw ang mas na nag-enjoy!”

“Bunganga mo, Fier. May bata dito.” Bawal ni Racky. Lumuhod din si Racky sa tapat namin. Nang makita ko ang mukha nito, bumalik na naman ang alaala ng nangyari sa amin. Ngumiti ito sa amin. “Hello, Little Wright.” Reid moved his head on the other side na parang iniisip nito kung babatiin ba niya si Racky. She giggled. “Ang cute! Can I hug him?!”

Lumapit agad si Reid rito at hinawakan ang kamay ni Racky.

Ganyan ang anak ko, parang tatay niya, mabait sa kahit sinong babae.

“Man, are you all right?” Leon said.

Nakita ko si Wright na nakaupo sa isang silya habang hinihilot ang sentido. Mabilis ang paghinga nito na parang may hinahabol. Lumapit ako sa kanya. Hinayaan ko si Reid kay Racky.

Tama kaya ang hinala ko?

Tumindig ito nang makita ako. Umayos ito nang upo at ngumiti na parang wala siyang nararamdaman.

You can’t fool me again, Agoncillio.

Hinawakan ko ang noo nito. I was shocked.

“Wright! You’re too hot!” I shouted.

May lagnat siya! I was right! The reddish cheeks. The heavy breathing. Confirmed!

Hinawakan nito ang kamay ko na nasa noo niya at hinalikan iyon. “I’m aware, Baby.”

“Nilalagnat ka.” Ulit ko. Damn him!

“Yeah..” Tinangka nitong tumayo ngunit nawalan ito ng malay.

---------

Salamat sa suporta, Sweeties! Pasensya na at hindi ko kayo mareplyan ng 'salamat' bawat isa. :) I'm so thankful na nandiyan kayo para sakin. :)

GIFT KO SA INYO. Take your shirt off daw, Wright and Eugene!

UNEDITED.

UPLOADED: OCTOBER 22. 2014

SK<3

XOXO

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon