Previous Page of 5Next Page

ILYK [I love you Kuya-Complete!] Soon to be published under LIB creatives

spinner.gif

Chapter 11

Charlie

 “Girl… Nahihilo na ko sa ‘yo!!!! Pwede bang maupo ka muna please! ” Irritadong sabi ni Tanya at kakamot kamot pa sa ulo.

Nasa hotel room pa kami habang naghihitay ng cue ng coordinator ng pagbaba namin sa ceremony area… Everything is all set.. Halos lahat na ng guests nasa tabing ilog na… may cocktails na don at hinihintay na lang ang tamang oras para simulan ang ceremony..

“Kinakabahan ako girl… tubig tubig!”

Kumuha naman ng tubig si Tanya… at binigay sa kin at dali-dali ko namang ininom….

“Umupo ka nga! Hinga ng malalim!!!.. naku naman! Baka naman ngayon ka pa himatayin a!!!!”

“Loka! Hindi… Talaganag kinakabahan lang ako… “ at umupo ako sa gilid ng kama…

Ok Charlie,, you can do this.. inhale , exhale…  inhale , exhale

Ano ba! Bakit ba ko kinakabahan!!!! Nakita ko lang si Zack kagabi hindi na ko mapakali! Grrrrr!! As if I can’t wait to see him, parang sulyap lang kasi tapos wala na…  Ang gwapo gwapo nya kasi e! Kinilig kilig tuloy ako to the highest level!

ARRRGGGGG… Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko! Na-miss ko ba sya?? Haist!!! Ang corny mo talaga Charlie!! Parang business arrangement lang tong kasal na to…  Di ka dapat ma-carried away… but on second thoughts,, hindi ba pwedeng magpretend na parang totoo itong kasal na to.. sayang naman mga pinaghirapan namin para ma put-up ang event na to… Kainis naman kasi e! bakit ba kasi ang gwapo nya. Sana naging pangit na lang sya, e di hindi sa na ako nagkakaganito! Sobrang affected naman ako! Kainis naman! Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko! Ang hirap naman kasing magpigil ng emosyon! Bahala na nga!

May kumatok sa pinto… sumilip yung coordinator…

“Excuse me ma’am, we are about to start.. May I request miss Tanya to be on the grounds now..”

Tumayo si Tanya.

“O sige girl.. iwan muna kita a… basta ok ka lang dyan a… mag hunos dili ka a… wag kang tatalon sa bintana kundi wasak ang mukha mo. Ayaw mo naman sigurong magmukhang crinemate kapag humarap ka sa pagka-gwapo gwapo mong asawa?“ That made me laugh. What will I do without her? She can really calm my nerves at times like these.

Lumakad na si Tanya papuntang pinto..

Bago tuluyang isara ni Tanya ang pinto,, huminto muna sya at sinaba..”Seriously girl,, you look soooo beautiful. Hindi nga ako makapaniwala na mas maganda ka sa kin ngayon! Well, anyway, wedding mo naman ito kaya ikaw na ang bida! Ahahaha! Smile ka naman dyan... para maganda ka sa picture..! Luve you girl… mwah!” Nag flying kiss sya at tuluyan na nyang isinara ang pinto.

 

Nagbuntong hininga ako.

I have a few more minutes to calm myself,, baka hindi ko kayanin, himatayin ako…

Umiling –iling ako para medyo matauhan..

I CAN DO THIS! I CAN DO THIS! I CAN DO THIS!

Paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko.

My goodness hindi pwedeng hinimatay ako! anong klaseng eskandalo nun… I could just see myself when that happens! YUUUCCKKK!!!  wa poise!

Maya-maya pa may kumatok na ulit sa pinto..

Baka eto na ang cue to… at tumayo na ako and I got myself ready.

Nagulat ako ng hindi coordinator yung pumasok sa pinto kundi ang Daddy ko…

Hmmm.. he looks happy? Lumapit sya sa akin. A very nice smile is plastered on his face. Maybe he really is happy.

“You look so beautiful baby.”

I looked up to him and smiled.

“Thanks Dad.. and you look as handsome as ever…  wala pa ring kakupas-kupas ang kagwapuhan mo dad! Baka maraming magpropose dyan sa yo a. Agawan mo pa ko ng eksena!“ 

Natawa ang Daddy ko…  Haaaayyy,, thank you Lord at nandito ang daddy ko,, medyo nawala ang tension sa katawan ko. Sya lang pala ang makakapagpatanggal ng nerbyos ko.

“Ikaw talaga….  Are you ready??”

“ I think so..”

“Butterflies?”

“More like dragonflies… nung kinasal ka ba dad kinabahan ka rin ba? Eventhough you know that it’s only arranged?”

Napaisip si Daddy…

“Frankly speaking, hindi ako kinabahan non,, I just want it to get over with…” wow a,, parang ang honest ni Dad a.. “pero sa nakikita ko sa yo ngayon, parang may halong excitement, nervousness,,, parang iba sa naramdaman ko noon. I don’t know kung ganyan lang talaga ang mga babae,, or iba talaga kaming mga lalake.. sayang wala dito ang mommy mo,,, baka mas maintindihan ka nya.”

Previous Page of 5Next Page

Comments & Reviews (268)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended