Chapter 45: Phone call

2.1M 46.2K 16.1K
                                    

Zoe's Point of View


Binantayan ako ni Ice nang maiuwi na niya ako sa amin. Nakatulog na ako at lahat pero nandito pa rin siya at binabantayan ako.

"Hindi ka pa uuwi?" tanong ko sa kanya.

Nasa may sala kami at nanunuod lang. Sinat na lang ang meron ako kaya kayang kaya ko na 'to. Ganu'n naman ako kapag nagkakalagnat e. Nawawala rin agad.

"Maya na. Wala pa rin naman sila. Wala kang kasama." sagot niya habang nakatingin pa rin sa TV.

"Thank you."

Napalingon naman sya sa akin at tiningnan ako, "Para saan?"

"Kasi nag-aalala ka sa akin." Tinitigan niya ko maya maya ay ngumiti. Ayan na naman. Ayan na naman ang ngiting 'yan. Huwag naman siya masyadong ngumiti. Nasisilaw ako.

"Bakit ka ngumingiti dyan?" tanong ko sa kanya.

"Wala. Kasi ikaw. Natutuwa lang ako sa 'yo," bola naman nito. Pero effective. "E ikaw bakit ngumingiti ka dyan?"

Napangiti na rin pala ako ng hindi ko alam. Posible pala 'yun? "Ewan ko. Kapag napangiti ka na, napapangiti rin ako."

"Tapos na ba kayong magngitian?"


Napalingon kami ni Ice sa nagsalita. Sila Yannie pala.

Agad lumapit at umupo sa tabi ko si Sab, "Kwento. Anong nangyari kagabi? Paano kayo nag-aminan? Ano 'yung exact lines na sinabi nyo sa isa't isa? Dali na. Game."

Sabi na nga ba. Bilang dakilang chismosa, hindi 'to papalagpasin ni Sab. Kwinento ko naman sa kanila kung ano nangyari pero syempre hindi eksakto. Todo kilig naman 'yung tatlong babae at kinantyawan naman ng mga lalaki si Ice.

"Nakaamin ka rin sa wakas. Akala ko hindi ka na aamin dyan. Kailangan lang pala na may dumating na Jude sa eksena para umamin ka," biro ni Josh kay Ice kaya pinnagtawanan siya ng iba.

"Bakit nga pala kayo nandito?" tanong ko kila Josh.

"Movie marathon tayo, " sagot niya sa akin at lumapit na sa may TV para mangalikot.

Naglalagay ata sya ng action movie nang lumapit si Sab sa kanya at saka siya tinulak. "Ayoko n'yan. Barilan 'yan. Maingay."

"Okay na 'yan. Nailagay ko na."

"E di tatanggalin ko. Hindi naman problema 'yun." Papakialaman na sana ni Sab 'yung player nang hinarangan siya ni Josh. "Huwag na nga. Ayos na 'yan."

"Hep! Pagbotohan na lang natin 'yan." Lumingon silang dalawa sa amin. "Guys, sino may gusto nito?" tinaas ni Sab 'yung dvd ng isang romantic drama film. Nagtaas naman agad kami ng kamay nila Yannie at Ayu. Tiningnan ko si Ice kaya maya maya ay nagtaas na rin siya ng kamay. Ganu'n din naman sila Xander at Ken.

"Paano ba 'yan? Majority wins," ngisi ni Sab kay Josh.

"Mga under," reklamo ni Josh.


***

Josh's Point of View


Akala ko mga under lang ang mga kaibigan ko kaya pinili 'yung movie na gusto ng mga girls pero 'yun pala mga gusto lang tsumansing. Paraparaan.

Si Ken at Ayu magkaholdinghands tapos nakasandal 'yung ulo ni Ayu sa balikat ni Ken. Si Ken naman nakasandal din 'yung ulo sa ulo ni Ayu. Si Xander naman nakaakbay kay Yannie habang nakasandal ulo niya sa dibdib ni Xander. Ito namang si Ice nakaakbay lang kay Zoe tapos pinupunasan paminsan minsan 'yung luha nitong isa.

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon