KABANATA 6

52.2K 1.1K 107
                                    

Laura's P.O.V.

"Sinira mo ang mga plano ko para sa kinabukasan mo Laura!" Nangiginig sa galit si Mama "Gusto mong sampahan ng kaso si Dexter? At saan ka naman kukuha ng gagasutusin? Baka hindi mo nalalaman.na ni pambayad sa abugado ay wala na tayo?! Bagsak na ang kumpanya ng Papa mo. Ni wala na tayong napapala do'n kundi utang sa mga suppliers at mga empleyado. Si Dexter sana ang pag-asa natin para makawala sa problema natin! Pero anong ginawa mo?! In-eskandalo mo 'yung tao at ang sarili mo! Ano na lang ang mukhang ihaharap namin ngayon kay Don Rodrigo, ha?! Hindi ka ba nahihiya sa---"

"Eh di lumabas din ang totoo!" Umiiyak ako, "Ang iniisip niyo lang ang sarili n'yo at reputasyon niyo! Papa'no naman ako Mama? Ako ang anak n'yo, 'di ba?! Ako ang inabuso at sinaktan! Bakit kay Dexter pa kayo kampi?" Hindi na ako halos makapagsalita sa paghikbi, "Alam n'yo ba kung ilang beses n'ya akong sinaktan at binaboy?"

Niyakap ko ni Papa mula sa aking likuran. Umiiyak ito.

"He's your boyfriend." Malamig na sagot ni Mama, "Hindi ka masasaktan, kung hindi ka pumapalag."

'Yun na mismo ang umpisa ng biglang pag-akyat ng dugo sa ulo ko.

"Anong klase kayong ina, ha?!" Halos pumiyok na ako. "Sinira n'ya ang buhay ko at tinarantado n'ya ang pagkababae ko, pero ako pa ngayon ang masama?! Anong klase kang---"

"Hindi kita anak." Mas malamig pa sa kaysa una ang pagkakasabi n'ya, "Hindi ka namin anak!" Humahagulhol si Papa sa likod ko. "Ni hindi ka namin kadugo!"

"A-anong ibig niyong sabihin?" Daig ko pa ang pinagsakluban ng langit

"Narinig mo na." Wala na yatang tatalim pa sa kanyang mga mata, "Hindi ka namin anak. Anak ka ng naging kalaguyo ng iyong Papa. Pero hindi ka rin anak ng iyong Papa, dahil isa kang bastarda! Anak ka ng haliparot mong ina sa isang Austriano!"

Nag-abot-abot ang aking paghinga sa isang matinding rebelasyong hindi ko alam kung pa'no ko tatanggapin.

"P-Papa?" Matapos kong kumalas sa yakap ni Papa sa aking lukuran. Nakayuko ito at umiiyak pa rin. "T-totoo po ba 'yun?"

Natagalan. Pero halos mawalan ako ng ulirat sa sobrang sama ng loob nang marahan n'yang itinango ang kanyang ulo, habang siya'y nakayuko.

Hindi ko alam kung pa'no ako iiyak. Hindi ko rin alam kung pa'no ko ipo-proseso ang katotohanan sa pagkatao kong ako lang pala ang hindi nakakaalam sa aming tatlo.

Ibig sabihin pala. Sinira ko ang buhay ko, para sundin ang utos ng mga taong wala naman palang kuneksyon, pagmamahal at pakialam sa akin sa simula pa lang?

Masakit man ang dagok ng mga katotohanang ito, ay nabigyan naman ng linaw kung bakit, ni isa sa kanilang dalawa ay wala akong kamukha. Iba ang kulay ng aking balat. Iba ang hugis ng aking mukha. Iba rin ang aking tindig at tangkad. Iba ang kulay ng aking mga mata. Iba ang kulay ng aking natural na buhok. Ibang-iba ang aking itsura, na noo'y napapansin ko na rin naman, pilit ko lang ipinawalangbahala.

"Sino po ang tunay kong ina?" tanong ko kay Papa, "Nasaan po siya?"

"Wala na s'ya." Sagot ng Papa. "Sanggol ka pa lang nang nagkasakit siya. Sa akin ka niya inihabilin, wala kaming anak ng iyong Mama, kaya minabuti ko nang ariin kang parang sa amin. Patawarin mo ako anak. Kahit naman ganoon, mahal kita nang higit pa sa isang tunay kong anak. Patawarin mo rin ako dahil wala akong magawa para sa iyo ngayon. Walang-wala lang talaga tayo anak. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko dahil ilang araw na lang, maaari na rin tayong mapaalis sa bahay na ito. Nakasangla kasi ito sa isa sa mga suppliers pinagkakautangan ko. Isang taon na tayong hindi nakakabayad, kaya bilang kabayaran kukunin na nila ito sa atin."

Finding Mr. Perfect Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon