Chapter 68: Steal Your Heart

103K 2.3K 635
  • Dedicated kay Lara Estrelles Ü
                                    

Ewan ko ba kung bakit kanta ng Augustana ang napili ko for this chapter, eh di naman ata connected yung song XD

Comment and vote if you like the chapter. Thank you so much for reading this! 7 to go na lang =))


**


Hindi makapaniwala si Barbs sa nabasa nya.


You're such a strange girl
I think you come from another world.

For you, Barbara.


"Hoy Barang!" excited na tumabi sa kanya ang ate nya. "Kanino galing yan? Ikaw ha!! Kalurks may nagpapadala na sayo ng roses!"

Unti-unting napuno ang inis meter ni Barbs. Wala na syang ibang maisip na pwedeng gumawa nito kundi si Cyrus. Kaya siguro nito sinabi ang "I won't give up on you" spiel nito kanina kasi nga may gantong eklat pag-uwi nya.


"Psh, leche!!" hinagis ni Barbs sa sofa ang bouquet. "Panira ng araw bwiset!!"

Agad namang pinulot ng ate nya ang bouquet. "Hoy sayang naman 'to oh! Sino ba nagbigay nito at ganyan ka makareact?"

"Sina Chester yan," she lied. "Mga loko talaga yun. Lakas mantrip!!!" Inagaw nya kay Cielo ang bouquet.


"Sayang yan Ba! Lagay natin sa vase!"

Pero di nakinig sa kanya si Barbs. Pumunta ito sa kusina at kumuha ng lighter, at sinunog sa likod-bahay ang bouquet. Inis na inis sya sa kung sino man ang nagpadala ng bouquet na yun. Walang magawang maganda sa buhay! Lakas trip!!!


"Ano, masaya ka na sa pagsunog mo nyan?" napailing ang ate nya na nanonood sa may pinto. "First time yan Ba! Ba't ba ayaw mo?"

"Di nga kasi bagay sakin yang shit na yan. At obvious namang pinagtitripan ako ng nagpadala nito. The fck is his or her problem anyway?"

Ciel sighed. "Haaayy.. ewan ko sa'yo B. You can't stop other people to like you. Sila lang makakagawa nun. Kung lalaki man yan.. he's brave. He has the guts to send you flowers! Tibay nya ah."

Siniringan na lang ni Barbs ang ate nya at ayun, umalis na ito. Pinanood nya ang pagtupok ng apoy sa bouquet.

Humanda sa kanya si Cyrus bukas. Seryoso.

**

SATURDAY


Magdamag na walang tulog si Wes. Nagstay kasi sya sa ospital para bantayan si Rocky, na ngayo'y mahimbing na natutulog. Umuwi muna ang sina Brylle at ang mama nila para matulog at kumuha ng ilang damit.

Kahit di tuwirang sabihin (except kay Janine na napakavocal about this), sya pa rin ang may kasalanan kung bakit nalaglag si Rocky sa hagdan. He blames himself. At ayan na naman ang insecurities nya. Na Podi won't ever do this to Rocky. Na he doesn't deserve her. Puro ga--


"You should sleep, Wes."


Di nya namalayan na gising na si Rocky. Umayos sya ng upo para di makita na pagod na pagod sya. "Ikaw ang matulog dyan."

"See, you're grumpy. You have to sleep."

"Mamaya na. Dito muna ako."

Sinubukan ni Rocky na umupo kaso hindi nya magawa, naka-elevate kasi ang right leg nya na may cast. Tinulungan na lang sya ni Wes na maglagay ng unan sa likuran nya para kahit pano naka-recline ito. "Thank you, Wes," halos pabulong nyang sabi.

"Thank you for what? The cast? The sprained leg?" he spat out. Bakas sa tono ng boses nya ang guilt at takot. "Wala kang dapat na ipag-thank you, Rachel. It's all my f-"

She covered his lips with her finger. "Sshh.. this is not your fault, okay? Not your fault."

"Eh kanino? Sa hagdan? God," he frantically ran his fingers through his hair. "I'm so sorry, Chel. I.. Sobrang takot lang talaga ako kanina na.. baka may masamang nangyari sa'yo. Di ko ata kakayanin yun," he almost sobbed.

Rocky grabbed his hand and gently squeezed it. "I'll be fine, don't worry."

"Tch. 2 days ka pa dito sa ospital. 2 months yang cast. Alin dun ang fine?"

"Magiging okay din ako, Wes. In fact I should be the one to say sorry. You're right, I'm being unfair. Di ko kasi alam kung pano magrereact sa mga ganun. I can't keep up with.. them."

"And I can't keep up with him," medyo bitter nyang sabi.

Natawa na lang si Rocky. "Sabi na nga ba eh, kaya bagay tayong dalawa, we both have issues."

"Ngayon mo lang napansin?" at last may bakas na rin ng humor ang boses ni Wes. "I'm so sorry for this, Chel."

"Isa pang sorry mo kakalimutan ko na ang sasabihin ko."

"What?"

She motioned him to come closer. Takang-taka naman si Wes sa pakulo ni Rocky. Nang malapit na si Wes kay Rocky, bigla na lang sya nitong niyakap. Ayun, medyo napahiga na rin si Wes.

"Hoy ano ka ba!" he hollered. "Anong trip mo?"

"I think this is not the proper time to say this.. but earlier I realized.. before I fell ha.. I realized that there's one thing that Podi never did for me."

He rolled his eyes. "Ano na naman yan?"

"He.. never made me fall in love this hard, Wes. You did that to me."

Nablangko ang utak ni Wes dun. "I beg your pardon?"

Medyo nilayo nya si Wes sa kanya. "Sorry for all the skirting and chasing, beh. I love you."

Nanlaki ang mga mata ni Wes dun. "Seryoso.. ka na dyan? Does this mean.."

Nainis na si Rocky. "Hoy nag-English lang ako saglit di mo na magets? Tinawag na nga kitang beh eh!!! Kaloka 'to!!!"

Di na nya hinintay pa na mag-explain si Rocky. Niyakap na lang nya ito ng mahigpit. "YESSSS!!!! SHET WOOOOHOOOO!!"

"Uy.. Wes.. di ako..makahinga!!!"

Agad syang bumitaw. "S-sorry.. sorry. Carried away lang, girlfriend."

"Right back at ya, boyfriend," she replied, at nag-high five ang dalawa.


**

MONDAY


Iritable na namang pumasok si Barbs sa school. Bakit? Kasi pagbukas nya ng locker, may nakita syang letter.


You're such a strange girl I really don't understand a word.


Yun lang ang nakalagay. She researched about this shits. Lyrics pala ng kanta yun. The Perfect Girl by The Cure. Agad nyang tinapon sa trash can ang sulat at pumanhik na lang sa classroom.


"Hoy Chester," tawag nya sa bestfriend na busy sa pagcecellphone. "Favorite mo The Cure, diba?"

Chester nodded. "Nasa top5 ko. Bakit?"

"Anong.. favorite mong kanta nila?"

Saglit na napaisip si Chester. "Just Like Heaven.. tas Boys Don't Cry. Ba't mo natanong?"

She examined him intently. Kilala nya ang bestfriend pag may tinatago ito sa kanya. So far wala pa naman syang nasesense na mali dito. "Ah wala lang. Natanong ko lang. Salamat dre."

If I Fall (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon