Five

85.5K 1.7K 97
                                    

Chiara is looking intently on the wall clock in their classroom and silently counting the seconds that have passed.

Fifty-six, fifty-seven

Nararamdaman niya sa gilid niya ang pagtapon ng nilamukos na papel. Sigurado siyang si Zyrene iyon. Magkaklase kasi sila sa subject na 'to.

Fifty-eight, Fifty-nine...

"Hoy! Ano'ng problema mo, girl?" bulong sakanya ni Zyrene. Hindi niya ito pinansin dahil busy siya sa pagtitig sa kamay ng orasan.

Fifty-nine.. Sixty..

"YES!" sigaw niya nang pumalo na sa twelve and orasan.

Biglang nagkatinginan ang mga kaklase niya sakanya, maging ang professor ay tinitignan siya na para bang loka-loka. She gave them her sweet smile at dahan-dahang umupo sa kanyang upuan.

"See you next week." paalam na ng professor nila.

Mabilis na tumayo siya at inilagay sa backpack niya ang mga gamit niya.

"Sabay na tayo mag-lunch?" tanong sakanya ni Zyrene.

"Hindi muna ako sasabay, friend! Kasama ko si Dami, sige na! Babush!"

"Teka, Chi---"

Hindi na niya narinig pa ang kaibigan dahil mabilis siyang tumakbo papuntang restroom. Tinaktak niya ang pouch niya at nagsilabasan ang powder,lipstick at iba pa niyang abubot sa mukha.

Pinili nalang niyang maglagay ng face powder at tsaka naglagay ng manipis na lipstick. Iyong tangerine ang pinili niya dahil iyon ang uso ngayon, iyong summer feels ba.

Tapos sinuklay niya ang buhok gamit ang mga kamay. Pasalamat talaga siya dahil hindi buhaghagin ang kanyang buhok. Natural na malambot ito. It has natural waves na gustong-gusto niya talaga. Pagkatapos makuntento sa sarili ay nagtext muna siya kay Dami.

To: Dami my loves ♥♥

Lunch na! See you! :)

Lumabas na siya ng restroom at dumiretso na sa canteen. Umupo siya sa malapit sa pintuan para mabilis siyang makita ni Dami. Tinignan niya ang mga tao sa paligid habang hinihintay si Dami.

Suddenly, she felt her phone vibrated.

From: Dami my loves ♥♥

Meet me at the parking lot now.

Bakit sa parking lot? Usapan nila sa canteen. But, oh well baka ayaw ni Dami sa canteen kasi baka hindi sila makapag-usap ng maayos kaya sumunod nalang siya sa sinabi nito. Pagkarating niya sa parking lot ay nakita na niya ito na prenteng nakasandal sa kotse nito. Nakapamulsa ito habang suot-suot ang itim na aviators nito.

Shit. Ito iyong moment na hinihiling niya na sana may hawak siyang camera para makuhanan ang kapogian ni Dami.

Bumuga muna siya ng hininga bago nilapitan si Dami. Nang makita siya nito papalapit ay tumayo na ito ng maayos.

"Get in the car." utos nito.

"Ha?"

Bumuntong-hininga ito. "Get in the car and let's get this over."

"Bakit? Saan tayo pupunta?" tanong niya. Aba, hindi siya sasama rito, ano. Kahit na deads na deads siya kay Dami, ayaw naman niyang ipagkatiwala ang sarili rito. Baka mamaya, saan pa siya nito dalhin.

"Chiara, just get in the car. Kakain tayo, tulad ng sabi mo." naiinis na sabi nito.

Umiling siya. "Ayoko nga. Usapan sa canteen tayo. Doon tayo." pinal na sabi niya.

Shut Up and Be Mine [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon