Chapter One

848 11 4
                                    

I Can't Breathe

---

~~~~

Dear Diary,

Ang malas, malas ng lablayp ko kasi yung Tolbespren ko na mahal ko, hindi ako mahal. Saklap!

~~~~

Napabungtong-hininga ako pagkatapos kong isulat ang huling paragraph dito sa Diary ko. Dito ko isinusulat lahat ng maliliit at malalaking sikreto ko, kabilang na dito yung tinubuan ng tigyawat ang pwet ko. Joke! Ang totoo... hmmp... in love ako sa Tolbespren ko. Hindi ito joke. Matagal na akong in love sa kanya. Hindi ko alam kung kailan nagsimula itong nararamdaman ko basta't ang alam ko, isang araw biglang bumilis sa pagtibok ang puso ko at nag-slowmo ang paligid nang magsalubong ang mga tingin namin. Sa simula, hindi ko naintindihan kung ba't nangyari 'yon. Pero nang lumaon, doon ko napagtanto na hindi na lang pala basta pagmamahal lang para sa kaibigan itong nararamdaman ko para sa kanya, higit na pala doon.

Hindi ko alam kung paano at kailan ko sasabihin itong nararamdaman ko para sa kanya. Matagal ko nang sinusubukang sabihin sa kanya kaso kapag kaharap ko na siya ay natatameme na lang ako bigla. Hindi ako makahanap ng salitang sasabihin. Walang nangyayari. Mahirap talaga pag na-in love ka sa bestfriend mo, ang hirap sabihin. May possibility kasi na kapag sinabi mo sa kanya ay baka iwasan ka niya at ang mahirap pa, baka masira yung pagkakaibigan ninyo, ang pagkakaibigang pinakaiingatan mo. Ayokong mangyari 'yon kaya mananatili at mananatiling lihim lang itong nararamdaman ko para sa kanya. Izizip ko muna ang bibig ko pagdating sa bagay na 'yan. Kahit naman sabihin ko sa kanya ay wala pa ring posibilidad na maging kami. Alam ko at ramdam kong hanggang Tolbespren lang talaga ang turing niya sa akin.
Hay.

Nabalik ako sa kasalukuyan nang may biglang kumatok sa pinto. Isinara ko bigla ang diary ko atsaka ako tumayo at binuksan ang pinto.

Nang makita ng dalawang mata ko kung sino 'tong kumakatok ay biglang lumundag ng malakas ang puso ko. Kinakabahan ako. Laging ganito ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya. Kaba na may halong saya.

Hay. Tolbespren Dean. Ba't mo ba ginagawa sa puso ko 'to? Mamaya magkasakit na ako sa puso nito eh.

"Oh? Ba't ka humahangos? May humabol ba sayo?" Nagtataka at nag-aalalang tanong ko.

Hinahabol niya kasi ang paghinga niya. Pawis na pawis nga eh. Pero... cute pa rin siya. Lalo na kapag lumalabas yung dimples niya. Nalalaglag ang panty ko. Joke.

"Grabe tol..." Sabi niyang humahangos pa rin sabay pasok sa sala atsaka inilagay ang dala-dalang supot sa mini table sa sala namin.

Dali-dali na rin akong kumuha ng tubog sa kusina. Mamaya himatayin pa 'to, baka kung ano pa'ng magawa kong hindi maganda sa kanya. Ayoko pang makulong at makasuhan ng rape.

Pagbalik ko sa sala, nakaupo na siya sa couch. Iniabot ko agad sa kanya ang tubig at dali-dali rin naman niya itong ininom. Pati sa pag-inom, ang cute niya pa rin. Kahit saang anggulo ko siya tignan, ang cute-cute niya talaga. Sana nga eh naging baso na lang ako para... alam niyo na. Ang landi lang talaga.

"Ano ba kasing nangyari sayo, ha?" Umupo rin ako sa couch, sa tabi niya, sa may pinaglagyan ko ng diary ko, baka kasi maisipan niya pang kunin at basahin. Mahirap na kaya inilayo ko ito agad sa kanya.

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.

"Hinabol ako ng... bading doon sa kanto." Atsaka niya inilabas ang dalawang dimples niya.

Anak ng tofu! Pakiramdam ko, unti-unti nang nalulusaw ang garter ng panty ko. Buti nga nakaupo ako eh kaya hindi nalaglag.

"Sabi niya pa nga Tolbespren ko..." Tumayo siya at inihanda ang sarili sa kung ano mang gagawin niya.

Unlucky I'm In Love With My TolbesprenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon