STBFL: Chapter 14

93.4K 2.4K 140
                                    

STBFL: Chapter 14

Vanalein Rhyme Romeo

Umupo na ako sa bar stool ng bar station ng bahay habang si Andres naman ay pinaghihiwa ako ng blueberry cheesecake.

"Masarap ba naman yan?" Panunuya ko sakanya, sandali niya akong tinitigan habang patuloy pa rin sa paghihiwa, nakakainis bakit ba habang tumatagal gumagandang lalaki siya sa paningin ko.

"Try it." Bulong niya at inilapag sa harap ko ang isang slice ng blueberry cheesecake, kukuhanin ko na sana yung tinidor pero inunahan niya ako.

"Kailangan susubuan pa?" Tumatawang pang aasar niya saakin, "Hoy! Ang kapal mo ha? Wala akong sinabing subuan mo ako." Ngumingising sagot ko sakanya.

"Magsubuan na nga tayo." Humahalakhak na sabi niya na nagpalaki sa mata ko.

"Ang bastos mo Andres!" Bulyaw ko sakanya at hinampas ko siya.

"Ang green minded mo mahal." Ganti niya saakin na nagpapula ng mukha ko, mukhang nahalata niyang napatigil ako dahil sinuklian niya ako ng magandang ngiti.

"Say ah." Aniya at itinapat sa bibig ko ang tinidor na may blueberry cheesecake, marahan kong nginuya iyon at napatigil ako ng ilang sandali.

"What?" Usisa niya.

Hindi ko alam pero bigla kong namiss si Mama, ganitong ganito ang lasa ng blueberry cheesecake ni Mama.

"I-ikaw ang gumawa diba?" Nauutal na tanong ko sakanya, tumango siya bilang sagot.

"Hindi masarap." Pagsisinungaling ko atsaka tumayo na ako doon sa bar stool at tumungo ako sa sala namin. Narinig ko naman ang pagsunod niya, umupo ako sa mahabang sofa at pinagmasdan ko mula sa may piano ang malaking picture ni Mama na nakasabit sa taas ng pader.

Naramdaman kong nakatitig ngayon saakin si Andres, bumaling ako sakanya.

"Namimiss mo ang Mama mo?" Usisa niya, nag iwas ako ng tingin sakanya at humalukipkip ako saka ipinikit ko ang mata ko. Wala akong ganang makipag usap sa kahit na sino sa tuwing naaalala ko si Mama. Kung minsan nga hinihiling ko nalang na sana kuhanin nalang din ako para makasama ko na siya. Miss na miss ko na talaga si Mama, miss ko na yung yakap niya sa tuwing makakaramdam ako ng lungkot. Miss ko na yung halakhak niya sa tuwing gumagawa ako ng kapilyahan. Miss ko na ang pagbe-bake niya ng cakes lalo na tuwing malungkot o masaya ako. I miss everything about my Mom and it hurt's a lot.

Naramdaman ko ang pag upo ni Andres sa tabi ko, nanatili akong nakapikit at hindi minumulat ang mata. Marahan niyang inangat ang likod ko mula sa pagkakasandal at naramdaman ko nalang na inihilig niya ang ulo ko sa matipunong katawan niya. Amoy na amoy ko ang bango niya.

Nanatili akong nakapikit ngayong marahan niyang hinahaplos ang buhok ko. "Alam kong hindi ko mahihigitan ang Mama mo, pero pwedeng pwede mo akong yakapin kung nalulungkot ka." Bulong niya sa tainga ko, ramdam ko ang init ng katawan niya. Hindi ko alam pero mas lalo akong humilig sakanya at ipinatong ko ang kamay ko sa dibdib niya.

Nakakaramdam na rin ako ng antok kaya napagdesisyonan ko na rin na h'wag ng imulat ang mata ko. "Thank you Andres." Bulong ko at unti unti na akong nakatulog nang maramdaman kong humalik siya sa ulo ko.

____

"I'm so happy!" Hiyaw ni Mateo, ngumuso ako at umiling iling. "Ikaw lang ang masaya." Bulyaw ko.

"Ano ka ba Rhyme! Di mo lang alam nabuburyo na ako dito sa office ko, alam mo na simula ng mag asawa yung partner ko dito sa work eh hindi na pinag trabaho ng asawa niya. Ang swerte nga nung bruha kong kaibigan na yon sa asawa niya ang yummy kaya." Humahalakhak na kwento niya habang pinagmamasdan ang mukha sa compact niya, marahan niyang isinara iyon at bumaling saakin.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon