Chapter Six

526 10 1
                                    

Chapter Six

        "Kababalik mo pa lang dito, ramdam ko na ang masamang aura mo," komento ni Michael ng makitang pumasok si Zyrene sa opisina niya.

        Nakaupo si Michael sa kanyang swivel chair habang nakapatong ang kanyang mga paa sa kanyang mesa. Sa kanyang mga palad, nakalapad ang isang brown folder na pinuno ng bagong printed na papeles. Tumango lang si Zyrene sa kanya. Di siya tumingin sa mga mata nito. Pasimple itong umiwas at tumingin sa nakakalat na crumpled paper sa sahig ng opisina.

"May problema ba?" tanong ni Michael ng maramdaman niya na may mali.

Napabuntong hininga si Zyrene, "Natakasan tayo."

Tumalas ang tingin ni Michael sa dalaga, "Anong ibig mong sabihin?"

"Nasa dulo na siya ng aking daliri pero nawala pa," mahinang sambit ni Zyrene. Napatayo si Michael at akmang lalapitan siya ngunit napahinto siya ng marinig niya ang kasunod na sinabi ni Zyrene, "Pero may mas malaking problema."

Tatlong araw ng nakakaraan...

        Napasinghot muli si Pepper ng maramdaman na mahuhulog na ang kanyang sipon. Nagmamaneho kasi siya kaya di niya makuhang ilabas ang nagtatagong sipon sa kanyang ilong. Sa tabi niya, tahimik na natutulog si Zyrene, pagod pagkatapos makipagdebate sa ilang opisyal ng pulis kanina sa opisina. Kung tutuusin si Killan lang naman talaga ang kinompranta ni Zyrene kanina.

"Malapit na tayo, Zy," bulong ni Pepper sa dalaga. Bagama't bulong lamang iyon, sakto lamang iyon para marinig siya ni Zyrene.

        Napamulat sa pagkakatulog si Zyrene. Pinikit-pikit ni Zyrene ang kanyang mga mata. Inaantok pa rin siya. Napahikab siya ng mahina. Napangisi lang si Pepper ng makita ang pasimple ginagawa ni Zyrene sa gilid ng kanyang mga mata. Nang malapit na sila sa bahay ni Killan, binagalan niya ang kanyang maneho at dahan-dahan pinarke ang sasakyan sa tabi ng gate ng bahay. 

        Agad lumabas ng sasakyan si Pepper, sumunod naman si Zyrene na halatang inaantok pa rin. Biglang sumulpot sa harapan nila si Vamp, na nagtatago pa rin sa anyo at katuhan ni Mang Ando. May buhat-buhat itong bagahe.

Napataas kilay si Zyrene, "Anong meron? Aalis po ba kayo?"

"Ah, hindi," mahinang sagot ni Vamp, "Uuwi lang muna ako saglit."

"Mukhang pagod ka na Zy. Pasok ka na at magpahinga," sambit ni Pepper sabay akbay sa kaibigan.

Nginitihan ni Zyrene ang kaibigan at tumango. Kaagad siyang pumasok ng bahay at naiwan sa labas sina Pepper at Vamp. Naiilang man, tumingin si Vamp kay Pepper. Tumingin na lamang pabalik ang dalaga sabay tingin sa bagahe na hawak ni Vamp. Napabuntong hininga siya ng malalim.

**

        Nagising si Zyrene dahil sa tahol ng aso sa kabilang bahay. Nairita siya at napabanggon. Tumingin siya sa kanyang tabi. Tahimik pa rin na natutulog si Pepper sa kanyang tabi sa puting kama. Binababa niya ang kanyang paa at kinapa ang sahig para hanapin ang kanyang tsinelas. Nang mahanapan na ng kanyang mga paa ang kanyang tsinelas, nagmadali siyang lumabas ng kwarto at ng bahay. Gusto lamang niyang magpahingin. Di niya alam kung bakit pero... hinahanap niya haplos ng hangin sa mga oras na iyon.

"Gising ka pa?" narinig niya ang matandang boses sa kanyang likuran.

        Napalingon si Zyrene at nakita ang inaakala niyang si Mang Ando. Lumapit sa kanya si Vamp, gamit pa rin nito ang prostetics niya kahit madaling araw. Gusto niya lang maka-sigurado. Oo, balak sana na niyang ibigay ang kanyang sarili sa pulisya, ngunit may nangyari na nagpabago ng kanyang isip, kaya paninindigan niya muna iyon.

"Kailangan ko lang pong magpahangin. Kayo po?" tanong pabalik ni Zyrene habang hinahaplos ang magkabila niyang braso.

        Tinanggal ni Vamp ang kanyang jaket at inabot sa dalaga. Agad naman tinanggap ni Zyrene at ngumiti bilang ganti.

"Di kasi ako makatulog," maikling sagot ni Vamp at tumayo sa tabi ni Zyrene.

        Sa mga oras na iyon, may naramdaman na kakaibang aura si Zyrene, bigla rin tumaas ang kanyang mga balahibo. Kakaiba. Pakiramdam niya, saglit na tumigil na tumibok ang puso niya.

"Sabihin mo nga," narinig niyang nagsalita si Vamp.

        Biglang nagtaka si Zyrene ng marinig ang boses ni Vamp. Dahil akala niya matanda na ito, medyo nagulat siya ng marinig na parang bumata ang boses nung matanda.

"Linoko ka na ba?" pagtatapos ni Vamp sa tanong niya.

"Oo, ilang beses na."

"Handa ka bang maloko muli?"

        Napaiwas ng tingin si Vamp sa dalaga. Kinokonsensya siya ng kanyang isipan. Umiling si Zyrene sa tanong ni Vamp.

"Hindi ko na kakayanin," saad ni Zyrene.

        Nagkaroon ng mahabang katahimikan. Nang hindi na makayanan ni Zyrene ang katahimikan, bumalik na siya sa bahay at iniwan mag-isa si Vamp sa labas.

**

        Alas-otso ng umaga. Agad ininat ni Zyrene ang kanyang braso. Wala na sa tabi niya si Pepper. Pagbaba ng kanyang paa sa sahig, kaagad niyang na-isuot ang kanyang mga tsinelas. Lumabas siya ng kwarto ngunit nagimbal siya sa kanyang nakita. Nagkalat ang mga gamit sa sala, para bang pinasok ito ng marahas na magnanakaw. Kaagad niyang tinawag ang pangalan nina Pepper at Mang Ando, ngunit walang sumasagot. Lumabas siya ng bahay. Wala na yung sasakyan na ginamit nila ni Pepper kahapon. Bumalik sa loob ng bahay si Zyrene at tinawagan si Killan. Di siya sinasagot ng lalaki. Nagmumura na siya sa kanyang isipan. Di niya alam ang gagawin. Habang nahihibang na, napansin niya sa mesa ang isang piraso ng papel. Kaagad niya itong binasa. Nanlamig ang kanyang kamay at paa.

  Wag mo na silang hanapin... - Vamp.

_____________________________________

       Sa Kasalukuyan...

        Nakaharap siya sa isang matikas na lalaki. Oo, inaamin niya na napalakas ng presensya nito sa loob ng kwartong kinalalagyan nila. Katabi ng matikas na lalaki ang masungit na babae na kinaiinisan niya.

"Anong gusto niyo?" tanong ni Killan sabay tingin ng masama sa dalawa sa harapan niya.

        Inayos ni Michael ang kanyang necktie sabay ngisi, "Alam mo naman ang gusto namin, Killan."

"Wag ka ng maging impokrito. Sabihin mo na!" napalakas na saad ni Zyrene, nagsalubong ang kilay niya.

Napangiti ng malumanay si Killan, "Wala akong sasabihin pag wala akong alam."

"Inaasahan ko na iyan," komento ni Michael sabay labas ng isang papel mula sa isang envelope. 

        Napatingin doon si Killan at napasimangot ng maramdaman niyang yun na ang tatapos sa kanya. Lumapit si Michael sa kanya at hinarap sa kanya ang papel. Unti-unting binasa ni Killan ang laman ng papel. 

"Katulad ng nabasa mo, Killan, makakasuhan ka kung napatunayan namin na nagtatago ka ng isang kriminal... at antayin mo, kailangan lang ng konti pang ebidensya at sa kulungan na ang bagsak mo." 

____________________________

Done... :) Wooh.. excited to share the next chapter. Anyways Salamat sa pagbabasa.

I Love a Criminal (Closed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon