KABANATA 7

1K 22 20
                                    

"Okay guys. Bawat team ay may 10 minutes lang para maitayo ang mga tents. Ang team na makakatapos ay may 10 points kaagad. Hindi 'to paunahan. Ang goal ay makatapos on time. So, galingan niyo. Teamwork ang pinakamahalaga dito" paliwanag ni ate Laine.

Sa kabutihang palad, kagrupo ko si Bambam. Sa kasamaang palad, hindi ko kagrupo si Bryan.

"Hawakan mo naman ng maayos" sigaw na naman ni Bambam sa akin. Mabait naman siya dun sa ibang kagrupo namin. Bakit ako lang ang sinusungitan nito?

Kung hindi ko lang talaga crush 'tong si Bambam, kanina ko pa sinakal sa kanya 'yung lubid na hawak niya. "Itaas mo ng konti." Kanina ko pa rin sana sinaklob sa mukha niya 'tong tent, nang hindi siya nakahinga.

"GUYS... 3 MINUTES LEFT!!!"

"TAPOS NA KAMI" sigaw nung grupo nila Bryan. Mas lalo tuloy kaming napressure.

"Dito ang tingin, Cassandra. Dito sa ginagawa natin" sabi ni Bambam na nagpatigil sa mundo ko.

Ulit? Ang tagal nung huling beses na tinawag niya ako sa pangalan ko. Ngayon na lang ulit niya ako tinawag sa pangalang siya lang ang tumatawag sa akin.

"Ahhhhhh!" napasigaw ako nung may malaking bato ang tumama sa paa ko.

"Oh my gosh, I'm sorry" nagpapanic na sabi ni Shane, isa sa mga kagrupo namin. "Hindi ko nakita yung paa mo! Oh my gosh, it's bleeding!!!"

Agad na nagsilapitan yung mga ate at kuya, mga members. May mga kumuha na ng first aid kit. Nakasuporta na si kuya Bryan sa akin. Pati si Bambam. Yung professor namin ang pinaka-umasikaso sa'min.

Dumudugo 'yung paa ko, pero hindi ko maramdaman 'yung sakit.

"Ano ba kasing iniisip mo, at nakatulala ka..." iritadong sermon ni Bambam.

DEAR CRUSH,
IKAW. IKAW ANG INIISIP KO.
IKAW LANG NAMAN ANG DAHILAN
KUNG BAKIT NATUTULALA AKO.

Hindi naman malala 'yung nangyari sa paa ko. Wala namang nadurog na kung anong buto. Hindi ko lang mailakad dahil masakit yung sugat. Kaya ito, kailangang may isang aakay sa akin palagi. Kadalasan si Bryan, pero dahil kasali siya sa obstacle course... Si crush ang umaalalay sa akin ngayon papunta sa lababo. @Kahit man lang sa pagsasaing ng kanin namin para sa hapunan, makatulong ako.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mahihiya. Para kasing pabigat pa ako. Nakakahiya talaga sa buong club. Pinagalala ko pa sila. Buti na lang mababait silang lahat.

"Wag ka ngang pabebe humawak. Nahihirapan lang tayo pareho" sabi bigla ni Bambam habang naglalakad kami.

Kasi naman naiilang akong kumapit sa leeg niya. Para rin akong nakikiliti sa kamay niya na nakahawak sa bewang ko.

"Hindi ka ba puwede kumapit sakin katulad ng pagkapit mo kay Bryan."

Paano ko naman magagawa 'yon, eh hindi nga ako humihinga dahil baka makapa niya yung bilbil ko?!

"Pag hindi ka kumapit ng maayos, bubuhatin kita at ihahagis sa lababo" matigas niyang sabi.

Kaya wala na akong choice kundi mas ilapit ang sarili ko sa kanya at higpitan ang kapit sa leeg niya.

"Huminga ka... Hindi naman kita sasaktan, eh..."

Ay juicekoday! Anong kabutihan ba ang ginawa ko para mabigyan nang ganitong klaseng moment sa buhay ko. Rinig na rinig at damang dama ko yung care sa boses niya. Parang sa ilang segundo lang ay bumalik yung dating ugali niya.

Pinanood lang ako ni Bambam habang nagsasaing. Tinatanong niya minsan kung kailangan ko ng tulong niya, pero palagi ko rin siyang tinatanggihan. Bukod sa palitan ng mga ganung linyahan, wala na kaming napag usapan. Wala akong lakas ng loob na magsimula ng usapan. Asa naman akong gagawa siya ng mapag-uusapan.

Dear Crush (Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon