CHAPTER 4

1.6K 9 0
                                    

CHAPTER 4

1 YEAR AGO

Continuation Of Chapter I

____________________

May mga taong minsan daraan sa buhay natin.Kadalasan dumarating sila sa mga hindi nating inaasahang pagkakataon,mayroon rin namang umaalis ng hindi natin alam ang rason pero sa kabilang ng lahat ng iyon may mga tao rin namang bumabalik.Ang nakakalungkot lang hindi lahat ng taong umaalis ay nakakabalik.

Sino nga ba ang mas dapat nasasaktan?Ang mga tao bang hindi naihanda ang sarili sa biglaang pagkaulila o mga taong bigla na lang

lumisan.

CrystalWolfTear once said.

"Nothing Really Lasts Forever Had to Make A Choice That Was Not Mine Had To Say Good Bye For The Last Time"

Mag aalas singko na pala ng umaga ng marinig kong magising si manang Rita.Grabe halos buong gabe si Rick ang naging laman ng isip ko at ang masaklap pa muli na namang nabuksan ang mga sugat na dala ng kahapon.

Matutulog na sana ako ng biglang nag ring ang phone ko.I received a txt msg from my mom.

"Patay na si Papa."ang maikling txt ni mama.

Hindi ko alam kung papano mag rereact sa nalaman ko.My dad is in politics before pero pagkatapos niyang malaman ang lahat,na bakla ako,sa sobrang kahihiyan na naidulot ng kumalat kong video 5 years ago,napadalas ang pag inom niya na naging rason para magkaroon siya ng sakit .For 6 months he's been in and out of the hospital.

Bigla akong nanghina nang malaman ko ang balita.Iyak ako ng iyak habang sinisisi ang sarili sa mga pangyayari.Pakiramdam ko napakasama kong tao.Minsan sa pag luluksa kong iyon humiling ako na sana mabigyan ako ng pagkakataon na baguhin ang mga pagkakamaling nagawa ko.

Kinabukasan nagsimulang magdatingan ang mga kamag-anak namin mula sa ibat-ibang lugar.

Nakita ko si Will ang pinsan kong beki na ang tanging description sa sarili ay "MAGANDA LANG AKO"

Si Will ang tumulong sakin para pagaanin ang aking kalooban mula sa guilt na nararamdaman ko sa pagkamatay ng papa.

"Tekki nabalitaan kong nagsusulat ka ng mga stories baka naman pwede mo akong isingit doon,Basta ang gusto ko gawan mo ako ng eksena sa mga kwento mo,Ang role ko dadaan lang ako tapos maganda lang ako."pabirong wika ni Will.

Napatingin ako kay Will pagkatapos niyang sabihin iyon.Pareho kaming nagtawanan na kahit paano ay nakabawas sa dalamhating nararamdaman ko.

Malaki ang naging impluwensiya sa akin ni Will.Ipinamulat niya ako sa mundong ginagalawan niya at tinulungan niya akong yakapin kung sino ako ng buong-buo.

"May babasahin akong qoute sayo insan galing to kay Heath L. Buckmaster and I want you to ponder on this, Often, it's not about becoming a new person, but becoming the person you were meant to be, and already are"ang wika ni will.

Tumango lang ako kay Will bilang tugon.

Ilang araw na rin ang lumipas simula noong nagkaroon kami ng Intelektuwal na pag-uusap ni Will.

Noong huling gabi ni papa bago siya ilibing,nakita ko si Jeff na dati kong kaklase noong hayskul.May kasama siyang nakakatandang babae na siguro ay mama niya,nagtataka lang ako kung bakit sila nandito.Ang alam ko hindi naman magkaibigan ang pamilya namin at ang pamilya nila at hindi rin naman kami malapit sa isa't isa, pero dahil nasa pulitika ang tatay niya at ang tatay ko, naisip ko na lang ang posibilidad na marahil ay minsan nang nagkasama ang mga ito.Ang ipinagtaka ko lang ay bakit mama niya lang ang kasama niya.

Napansin kong naging mailap sa akin si Jeff noong gabing iyon,hindi man lang ito lumapit sa akin o kaya naman ay kahit nag hi man lang.

Mayamaya lang nagpasya kami ni Will na maglakad-lakad,sapagkat napaka taas ng emosyon sa huling gabi ni papa.Naglakad lakad kami upang maiwasan na makita ang mga mahal ko sa buhay na nasasaktan dulo't ng pagkawala ni papa.Sa paglalakad na iyon hindi ko napigilan ang pag buhos ng aking mga luha pero tinulungan ako ni Will na maging matapang at harapin ang realidad.

Sa kalagitnaan ng paglalakad naming iyon,makalipas lang ang ilang minuto.

Bigla akong may narinig na boses ng isang babaeng tila umiiyak.Sinundan ko ang tinig na naririnig ko at dinala ako nito malapit sa sasakyang nakaparada na hindi kalayuan mula sa aming bahay.

"Tama na ma,patay na si papa "ang boses na narinig ko pagkarating ko sa may sasakyan na tila boses naman ng isang lalaki.

Sumilip ako sa may sasakyan at laking gulat ko nang makita ko ang kasamang babae ni Jeff ,pero mas naguluhan ako nang marinig ko si Jeff habang pinatatahan ang kasama niya.

"Ma,tama na,patay na si papa."ang paulit-ulit na mga salitang binibitawan ni Jeff.

Natulala ako sa mga nakita ko.Ilang minuto rin akong hindi nakakibo.

Patuloy na naglalaro sa aking isipan ang mga narinig ko mula kay Jeff.

Sa kalagitnaan ng pananahimik at pagmamatyag ko,biglang bumulaga sa aking tabi ang pinsan kong si Will dahilan para magulat ako.Bahagya akong napatili na umagaw sa atensyon nila Jeff.

"Ano ba naman!"ang sabi ko kay Will.

Nang muling nilingon ko ang mag ina nakita kong nakatingin na sila sa kinaroroonan ko at nagmadaling sumakay ng kotse.

"Ano iyon ba't parang gulat na gulat sila?"ang tanong ni Will sakin.

Hindi ko kinibo si Will,bagkus niyaya ko siyang bumalik na ng bahay at doon mas pinili kong mag kulong sa aking kwarto..Napakaraming bagay kasi ang gumugulo sa isip ko sa puntong ito.

Alas siyete na ng umaga nang kumatok si Will sa aking kwarto,

"Tekki gising na!"ang pambungad na bati niya sa akin.

Dali dali akong naligo at nagpalit ng damit sapagkat ito ang araw ng libing ng aking tatay.

Habang inihahatid namin si papa papuntang sementeryo hindi ko pa rin maalis aking kaisipan ang mga narinig at nakita ko kagabi.Habang abala ang lahat sa pag-iyak ,biglang ko tinanong ang mama ko.

"Ma iyong classmate ko kagabi na si Jeff at iyong mama niya kakilala nyo ba?"

Tumingin sa akin ang mama na para bang nairita sa aking tanong ngunit hindi nito ito sinagot.Kaya naman hinayaan ko na lang siya at itinuon ang atensyon sa mga taong nakikiramay samin.

Somewhere In My past(GAY ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon