*LOST CHAPTERS AND AUTHOR'S NOTE*

2M 42K 15.9K
                                    

LOST CHAPTERS

 

*1*

 

“Uy, Kuya, kakasal na ako.” Sabi ni Liam kay Kurt na kasalukuyang nag-iimpake ng damit.

“Ah, okay. Congrats.” Wala sa sariling bati ni Kurt.

“G@go, arranged marriage lang ito.”

Tumigil sa pag-iimpake si Kurt at tinignan ng masama si Liam. “Wag mo kong mag@go-g@go, kuya mo pa rin ako.” Sabay sarado ng maleta niya.

“Pasensya naman. Nakalimutan ko. teka, san ka ba pupunta? Magbabakasyon?”

Bigla namang pumasok si Kaye Anne sa kwarto ni Kurt dahil inip na inip na ito sa panunuod sa Entertainment Room nila. Ayaw kasing pahintulutan ni Kurt si Kaye Anne na pumasok sa kwarto dahil si Gail lang daw ang may karapatan. Ang arte lang =___=

“Fck! Get out of my room, Kaye Anne! I told you not to come here, right?!”

“Ay, ang OA ni Kuya oh?” Umupo si Kaye Anne sa couch kung saan nakaupo si Liam. “Hi, Liam. Whatcha doing here?”

“Nagbigay ng invitation. ikakasal na daw kasi ako,” sagot ni Liam. =___=

“WOAH!!! When?”

“Sa June 7. Punta ka ha? Nang sumaya naman ang araw ng bitay ko.”

“Sh*t, Kaye Anne! Di ka ba lalabas? Bawal ka dito. Bawal ang babae dito.” Sigaw naman ni Kurt.

“Sus! Buti nga sasamahan kita papuntang China eh. Ang choosy mo!” sigaw naming ni Kaye Anne. Naintriga naman si Liam kaya sumabat ito.

“Wew? Anong gagawin niyo dun?” Sabat ni Liam.

“Ah kasi-----“

“Secret! Umalis ka na nga Liam. And one more thing, we’re not attending your wedding. Sorry. Matatagalan kasi kami.”

“Weh? Kadayaan! Osya, nagkadevelopan na ata kayo kaya naisipan niyong magbakasyon. Sayonara!” Paalam ni Liam bago umalis ng mansion nila.

Napabuntong hininga nalang si Kurt.

“Kaye Anne, sigurado kang uubra itong plano mo?” tanong niya.

“Oo nga! Ang kulet? Mag-wowork tayo sa company branch niyo sa China kasi nga daw diba nagka-shortage ata dun? Ewan ko basta. Sasamahan kitang palambutin ang puso ng Mommy at Daddy mo para tulungan tayong pakiusapan ang parents na wag ka na sa akin ikasal at kay Gail nalang. Nakanaks!”

Humiga pa ito sa kama ni Kurt at gumulong-gulong.

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon