CHAPTER 3

1.6K 8 1
                                    

CHAPTER 3

Someone once said, "ALL DISCOMFORT COMES FROM SUPPRESING YOUR TRUE IDENTITY"

Isang araw bigla na lang lumapit sa akin si Rick.

"Tekki can we talk?" tanong ni Rick

"Tungkol saan?"wika ko.

Habang nakatingin ako sa mga mata niya,napansin kong tila kabado ito sa mga oras na ito.

Niyaya ako ni Rick magpunta sa hindi mataong parte ng school.At nang makarating kami dito,bigla niya akong hinalikan.Madiin,malaway at punong puno ng pagnanasa .Noong una,nagdalawang isip ako kung tutugon ba ako sa mga halik nito.Hindi nagtagal,dala ng emosyon ay tuluyan na rin akong tumugon sa mga halik niya.Noong panahong iyon para bang may MARIA CLARA na gustong kumawala sa aking kalooban.Mayamaya lang bigla akong napahinto nang may narinig akong tunog ng cellphone.Dito aksidenteng naitulak ko si Rick.

"RIIIIIICCCCCCKKKK!!!!!!!!!stop!!!!!!! Ano ito?"wika ko dito na tila gulat na gulat.

Agad namang tumugon si Rick sa tanong kong iyon,hinawakan niya ako sa aking baywang at dahan dahang nagsalita.

"Bakit hindi mo ba nagustuhan?"

Bigla akong napahinto sa parteng iyon.Sa hindi malamang rason ay tila napako na lang bigla ang paningin ko sa mga mata nito.

Sa oras na iyon ay hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang kanyang tanong o hindi.Hanggang sa muli itong nagsalita.

"May naramdaman ka ba sa halik? huh tekki?wika ni Rick.

Nanatili ako sa pananahimik,siguro masayado akong nabigla rin sa mga nangyari dahil ko inasahan na magagawa iyon ni Rick.

Mayamaya lang ay bigla itong sumigaw.

"MMEERROONN bbAA!"sigaw ni Rick.

Gulong-gulo ang pag-iisip ko habang pinagmamasdan ang mga mata nito.Nagpatuloy ako sa pagiisip kung sasagot ba ako dito o hindi.

Ang alam ko sa sarili ko lalaki ako, pero bakit ganon?May naramdaman ako sa mga halik ni Rick.

Bigla tuloy pumasok sa aking isipan ang nabanggit na qoute ng english teacher namin.

"E.E. Cummings once wrote; 'To be nobody-but-yourself - in a world which is doing its best, night and day, to make you everybody else - means to fight the hardest battle which any human being can fight; and never stop fighting.'"

Sinubukan kong timbangin ang lahat.Ang bilis ng bawat pintig ng puso ko,para bang nagsasalita at nagsasabing halikan mo uli ako Rick.Sinubukan kong kontrolin ang sarili ko,ilang beses ko ring itinanggi sa sarili ko na wala akong naramdaman paulit-ulit ,pero sa bandang huli hinila ako ng mga paa ko patungo kay rick at dito muling nag dampi ang aming mga labi,ramdam na ramdam ko ang malambot nyang labi habang nakahawak siya sa tagiliran ko.Napapikit ako,dinama ang sarap na dulot nito.Naglalaro ang mga dila namin na para bang malilikot na batang naghahabulan at tila walang kapaguran.

Sa kainitan ng eksenang iyon bigla ko na lang nasambit kay Rick ang mga salitang" I LOVE YOU.

Mayamaya pa,napitigil ito at biglang nagtatatakbo palayo sakin.

Nabahala ako,tinawag ko siya pero hindi na niya ako nilingon pa.

Nagpasya akong maglakad-lakad na puno ng tanong at pagtataka sa sarili.Sa kalagitnaan ng aking paglalakad biglang bumuhos ang ulan na para bang nakikisama sa nararamdaman ko.Sa puntong ito,sinubukan kong tignan ang mundo ng mas malapit.Ibat-ibang anyo ng katauhan ang nakita ko.May mga taong hinaharap ang realidad ng buhay,may mga tao ring umiiwas dito at tumatakbong takot.May mga tao ring tumatakbo sa hindi malaman na dahilan,may mga taong tumatakbo para magtago,tumakbo para makaiwas at ako naglalakad ng dahan dahan sa kawalan,balot ng takot,balot ng pagkalito.

KINABUKASAN

Sa may hallway habang naglalakad ako patungo sa classroom, nakita ko ang grupo ng mga estudyanteng pinagmamasdan ako at nagbubulungan.Hindi ko alam kung ano ang pinagbubulangan nila pero iba sila makatitig sa akin.Ganoon din noong dumating ako ng classroom.

"Tekki,have you seen this?Wow pare I didn't know your gay" ang sabi ni Jeff sakin.

Bigla namang bumilis ang puso ko nang sabihin iyon ni Jeff,tinignan ko ang hawak nitong cellphone at sinimulang panoorin ang video .Laking gulat ko nang bumulaga sa akin ang sarili kong mukha.Sa video makikita na ako ay may kahalikang lalaki, edited na ito,blurred iyong mukha ng kasama ko pero,ganun pa man halata pa rin na lalaki ang kasama ko sa oras na ito.

Isa lang ang naisip ko, sinet-up ako ni Rick nong panahong niyaya niya ako para kausapin.

Tinitigan ko si Rick mula sa kinaroroonan ko na nasa sulok,tahimik na para bang walang alam sa mga pangyayari.Tumakbo ako palabas at tinungo ang C.R.Nagiiyak ako dito,nang biglang may kumatok sa cubicle, marahil narinig ng taong ito ang aking paghagulgol.Pinunasan ko ang aking mga luha at dahan dahang binuksan ang pinto.Bumulaga sa aking harapan ang mukha ni Rick, ang sabi nya sakin "TEKKI I'M SORRY HINDI KO GINUSTO YON"

Tinignan ko siya ng punong-puno ng galit,tinitigan ko ang mga mata niya na tila pinupunit siya ng pira-piraso.

"Tangina Rick!You did that on purpose,halatang halata naman eh!Ako yung naging mukha tanga sa video,Ako iyong nakakahiya kasi in the first place wala namang nakakaalam na ikaw iyong kasama ko sa video!"

Tumigil ako ng saglit.Huminga ako ng malalim habang pinupunasan ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi.Dahan-dahan akong sumandal sa pader ng banyo at unti-unting umupo.Ilang minuto lang ang natapos at muli akong nagpatuloy sa pagsasalita.

"Hindi ko alam Rick kung ano iyong motibo mo.Now just to answer your question noong tinanong mo ako kung may naramdaman ba ako sa mga halik m!OO RICK OO.Ngayon lang ako naging matapang sa buong buhay ko para aminin ang lahat na I'm capable of loving someone with the same kind of sex, pero sa kabila ng pagiging matapang ko alam ko naging tanga ako.Ang tanga tanga tanga ko!Ang tanga ko!Look at me,sirang sira na.Alam mo kung ano iyong itinaya ko sa pagkakaibigang ito?Trust Rick,iyan yung sinayang mo.Ang masaklap doon it takes years to build trust and just seconds to destroy it.You made choices that will devastate and betray the person around you,so don't expect me to give you an oppurtunity to justify and excuse your behaviour,kasi hindi na mangyayari iyon.I've said a lot.Magkalimutan na tayo.Thank you Rick."

Naging tahimik lang si Rick noong mga oras na iyon habang pinagmamasdan ang mga mata kong lumuluha.Sa sobrang taas ng emosyong nararamdaman ko pinagsusuntok ko ang pader.Pilit akong pinigilan ni Rick,niyakap niya ako pero itinulak ko siya palayo.Pagkatapos nun bigla akong may narinig na malakas na pagbagsak.Napalingon ako sa kinaroroonan niya at nakita kong nakahandusay siya sa lapag.Pinagmasdan ko siya habang patuloy sa pagbuhos ang mga luha ko.Mayamaya pa ay tumugon ito sa pagkakatitig ko sa mga mata niya.Nang mga oras na iyon wala na ni isa sa amin ni Rick ang muling nagsalita,hanggang sa napansin ko na lang ang biglaang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata, nakita ko sa mata niya ang labis na pagkalito,naghintay ako ng ilang minuto para magsalita siya ngunit wala siyang ibang isinukli sa mga sinabi ko kundi ang pananahimik.

Unti-unti akong nagayos ng sarili at dahan dahang lumabas ng C.R.Tuluyan akong nakalabas ng c.r na hindi na muli pang nagbitiw ng mga salita.

Matapos iyon,nagpasya na lang akong umuwi ng bahay.Pagkarating ko sa bahay,nang mahimasmasan ako, bigla na lang napalitan ng awa ang galit na nararamdaman ko kay Rick sa kadahilanang hindi ko rin maipaliwag sa sarili ko.Naisip ko na siguro may malalim siyang rason kung bakit nagawa niya ang lahat ng iyon,pero ang nakakalungkot dito huli na ang lahat nasaktan niya na ako at ang masaklap pa sira na ang pagkakaibigan namin.

Kinabukasan kahit hindi ako masayadong nakakuha ng sapat na tulog,pinilit kong pumasok sa eskwelahan ngunit hindi ko alam na iyong araw na iyon na rin pala ang huling beses kong makikita si Rick.

Ang biglaang pamamaalam niya ay nag-iwan sa akin ng maraming katanungan sa isip.Kung bakit niya nagawa iyon?Kung bakit hindi na siya nagbitiw pa ng mga salita.

I was left alone with nothing but a broken heart.

Somewhere In My past(GAY ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon