Chapter 43 ~ Those Memories

4.3K 70 12
                                    

The day before ASAP artists will fly back to Philippines, Yeng, Angge and Erik want to see Sarah but they did not know how to reach her. Nakalimutan nilang itanong ang phone number nya at hindi rin naikwento sa kanila kung busy ba si Sarah sa work. Almost a week na rin silang nasa LA at kinabukasan ay aalis na sila pabalik sa Pilipinas. Gusto rin naman nilang mawitness kung anong buhay ang meron si Sarah kahit isang araw lang.

“Erik, ikaw ang mag-isip kung paano natin sya marereach!” kinukulit ni Angge si Erik.

“Siguro naman kilala na sya dito. Search natin sa internet!” he told them cheerfully.

Nanguna na si Yeng sa pagtype ng name nya sa google pero wala naman syang nakita. Kaya nagtry sya sa twitter at fortunately, maraming tweets about sa kanya. Mga updates ng mga fans at mga stylists sa location ng photoshoot nya for a magazine.

“Uy, tara, bisitahin natin! Mag-ala fans at stalkers tayo!” sabi ni Angeline.

“Call! Sama ako! Walking distance lang ang location!” sagot ni Yeng habang patuloy na tinitingnan ang updates sa twitter.

“O sya, sya! Tara!” si Erik, na nagreready na ng mga gamit na dadalhin para sa whole day nilang gala.

Habang hinihintay ni Erik sa labas ang dalawang kasama nya, sakto namang daan ng barkada nila Gerald na kagagaling lang sa pagpasyal makatapos magjogging.

“Bro, may hinihintay ka ha! Angeline? Nice one bro!” bati ni Ge na nagpaiwan muna saglit sa mga kasama na papasok na ngayon sa kwarto nila. Kahit papaano, naging close na rin si Ge sa mga kaibigan ni Sarah at patuloy pa rin silang nagbabatian dahil madalas din naman silang magkatrabaho sa ASAP.

“Ah, pati si Yeng, titingnan namin kung paano maging Hollywood star. (laughs) Minsan lang ito e.” sagot ni Erik.

“Ha? Paano naman? Sama ako bro.” pagbibiro ni Ge.

“Bibisitahin namin si Sarah sa location nya ngayon. Malapit lang dito. O ano , sasama ka pa?” balik asar naman ni Erik.

“Mag-enjoy kayo.” Pagkatapos ay tinalikuran na nya si Erik.

“Hoy Bro! Biro lang!” sigaw ni Erik.

“O, sino yun? Bakit ka naman sumisigaw dyan?” usisa ni Yeng.

“Si Gerald Anderson. Biniro ko lang na kung gusto nyang sumama sa atin papunta kay Sarah (scratched his head). Di ko nga alam , bigla akong tinalikuran. (laughs)”

“Sabi ko na nga ba e!”  Angge interrupted the two.

“ANO NA NAMAN YANG INIISIP MO HA?” halos sabay na tanong ng dalawa.

“(whispers) Di pa nakakamove-on yang si Tisoy kay Sars! (laughs) Ang haba ng hair, nagrejoice ka ba girl!” pakanta nyang sambit habang naglalakad.

It Started with a Dream (AshMatt) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon