Previous Page of 4Next Page

ILYK [I love you Kuya-Complete!] PUBLISHED under LIB creatives

spinner.gif

Chapter 9

 Charlie

“EEEEEEEEEeeeeeeeeeee! AAAAAAAAHHHHH!!!! Iba ka talaga girl!!! “ Sigaw ni Tanya ng magkausap kami sa  telepono. Hindi matigil sa kakatili at kakasigaw na halos mabasag na ang eardrums ko!

Napapailing na lang ako dahil parang mas kinikilig pa talaga sya kesa sa kin!

May mga natira pang bisita sa bakuran namin, but I’ve decided to go up to my room since mga hindi ko rin naman sila kakilala and I feel that I need my much needed alone time. Puro mga business associates ng Lolo ang mga natirang bisita and I don’t think that I am needed there to entertain them. Usapang business lang naman ang ginagawa nila.

Noong nagpaalam ako ay umuwi na rin sila Zack at ang pamilya nya. All the time hindi ko nakita kahit anino ng mommy at ate ko. I don’t blame them. Paniguradong  masyadong nasaktan si ate and I feel so guilty about it.

Hinanap ko rin sila sa buong bahay at sinilip ko na rin ang mga kwarto nila, no sign of ate and mommy… si Daddy naman nakikipaghalubilo pa din sa mga guests… Nalulungkot lang ako dahil, all thru out the night, ang feeling ko iniiwasan nya ako and I can’t shake the feeling of being hurt. Pinilit ko na lang ngumiti for the sake of the guests, pero ang bigat bigat ng puso ko.

Medyo nakalimutan ko na lang ang malungkot na nararamdaman ko ngayon kausap ko na si Tanya.

 

“Akalain mo, parang kausap lang kita nung isang araw.. at ngayon ikakasal ka na!!!! EEEEEeeeeee!!!!”

Grabe naman makatili tong babaeng to! Nabibingi ako!... kahit inilayo ko ang telepono sa tenga ko, ang lakas pa rin! Mababasag ang ear drums ko!

“Kinikilig naman ako sa ‘yo!!! Ang gwapo naman ng mapapangasawa mo!!!! EEEEEEEEeeeeeee! Inggit ako!!!!” Napipicture ko si Tanya na pagulong gulong sa kama at hindi mapakali. Ganyan talaga yan kapag na-e-exite, daig pa ang bulate! Hindi ako magtataka kung mahulog sa kama yan.

 

“Hay nako girl… Kung alam mo lang” sabi ko at napabuntong hininga ako.

Natigilan sya. At parang nagkaroon ng concern sa boses nya.

“Bakit? Shotgun wedding ba to? Pinilit ka ba nya? O baka naman may nangyari na sa inyo!!! OMG! Gusto mo bang ipadukot ko na sya? O kaya naman bugbugin na lang namin ni Kuya Slate! SABIHIN MO LANG!! “

“Anong shot gun wedding! Anong may nangyari! Anong bugbugan! ANO KA BA!!! Ang weird mo talaga! Kung ano anong pinagsasasabi mo!” Talaga naman tong si Tanya, Kahit kelan talaga! “ Hindi ano! basta kapag nagkita na lang tayo, saka ko na lang ikukwento sa yo lahat. Medyo complicated e, mahirap ikwento sa telepono. Pero wag kang mag-alala, hindi kasing morbid ang sitwasyon ko compared sa iniisip mo.”

“ Ok. Ok.. Basta girl, Tell all ha!”

“Oo naman ikaw pa!...Pero secret lang a… Lahat ng sasabihin ko, walang pwedeng makaalam!”

“As if naman may mga lumabas na sekreto mo sa bibig ko.”

“Yeah, I know that I can trust you.”

“You bet you can!”

Kaya nga naging bestfriend ko itong babaeng ito. Wala akong ibang pinagkakatiwalaan kundi sya. Wala akong tinatago sa kanya kahit yung mga sekreto ng pamilya ko, alam na alam nya. At walang account na nag-leak kahit ano man sa mga sinabi ko sa kanya. Maingay at saksakan lang ng kalog ng babaeng yon pero totoo syang kaibigan.

“Grabe! Bongga ka talaga friend !!!! ang haba talaga ng hair mo! Pwede bang arborin ko ang ibang buhok mo at  gagamitin ko syang hair extension ko sa buhok ko? Para naman maski papano mabiyayaan ako ng konting grasya sa yo! “

“Anong pinagsasasabi mo!” Natawa ang ng husto. Napaka weird kasi talagang mag-isip non. Sobrang out of this world.

“Nakabili ka ba ng newspaper ngayon?”

“Wala naman akong chance na makabili ng newspaper, diba nga kakauwi ko lang. and besides uso pa ba ngayon yan.. may internet naman.”

“Uu nga naman, may internet nga naman pala… sabi ko nga. E makaluma ako e! anong magagawa mo?”

I rolled my eyes, haaay… dealing with Tanya, minsan masisira talaga ulo ko sa babaeng to.

“Oo na sige na, makaluma ka na, kahit hindi. E ano bang meron sa newspaper ngayon?”

“Ano  ba meron?? Ano ba meron? You’re asking me kung ano ba meron?!!!!”

“Ang kulit mo!!! Ano ba talaga?! Magtatanong ba ko kung alam ko na ang laman ng mga balita?”

Narinig kong na nagbubuklat sya na dyaro.

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (97)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended