(IMAM) What happened? Entry #7

218 2 2
                                    

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Entry # 7 // What happened?

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Ethan's POV

It's been three days simula nung maging maid ko si Chu-Chi. Araw-araw, sabay kaming pumapasok at umuuwi galing school. Syempre, nasa Rules & Regulation namin yun eh. Pero, sa 3 days na yun. Ngayon ko lang nakitang malungkot si Chu-Chi.. Inintay ko siya sa gate para makauwi na.. Medyo late na nga nun eh.. Paano ba naman, ang tagal talaga niya lumabas.. Naaasar na nga ako nun, pero nung nakita ko na siya.. Ang tamlay niya, medyo namumula pa nga mga mata niya.. Pero, inasar ko pa rin siya..

"Hoy Chu-Chi bakit ngayon ka lang? Hindi mo ba alam kanina pa ako nag-iintay dito? Ang tanga mo talaga!!" Pero sobrang nagulat ako sa naging sagot niya..

"Pasensya na po, master Ethan. Hindi ko na po uulitin. Sorry po, Sorry." May tumutulong luha sa mga mata niya habang sinasabi niya iyon. Hindi ko alam nangyari.. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito.. Ang alam kong ugali ng maid ko ay isang Matapang at Palaban.. Pero bakit ganito? Hindi niya ata ako sinagot. Anong nangyari? Alam kong may problema.. Ramdam ko.

"Chu-chi? What happened?

*Silence* 

Hindi siya sumasagot, nakatayo lang kaming dalawa sa tapat ng gate. Nakayuko siya, habang ako nag-iintay pa rin ng isasagot niya sa tanong ko... Ang tagal.. Bwisit.

"Ano Chu-Chi?! NARINIG MO BA AKO?!!!! Ang sabi ko, What happened! Kung hindi mo maintindihan oh eto. ANONG NANGYARI?!!!!!!"

"Ang sakit sobrang sakit." Yun lang ang nasabi niya habang humahagulgol pa rin. Hindi ko alam kung paano ko siya mapapatahan. Grabe, ang lakas umiyak. Shet. Pinagtitinginan tuloy kami. Ano ba kasi ibig niyang sabihin sa word na Masakit? Ano ba sumasakit sa kanya? Ulo? Tiyan? Puso? 

Nilapitan ko siya at hinawakan sa braso. At bumulong ako sakanya ;

"Tara na Chu-Chi, sa kotse na natin pag-usapan yan. Masyado nang maraming tumitingin. Tara na." Naglakad kami habang nakahawak pa rin ako sa braso niya at inakay siya hanggang sa loob ng kotse. Habang siya, yun. Ganun pa rin. Umiiyak pa rin. Hindi na tumigil. Ang ingay. May luha pa kaya siya?! Mukhang nailabas na niya lahat eh.

Habang nasa biyahe kami, hindi pa rin siya nagsasalita.. Nakayuko lang siya. Ewan ko kung bakit, pilit na pilit ako sa sarili ko na tanungin siya pero naisip ko na bigyan siya ng time para sa sarili niya. Nakatingin lang ako sakanya para malaman kung okay na siya pero matatapos na ang biyahe at malapit na kami sa bahay eh ganun pa din position niya. Nakayuko parin at nakatabing ang mga buhok niya sa kanyang mukha.. Medyo nakakatakot kung iisipin mong hindi siya gumagalaw simula kanina at nandun parin siya sa kanyang posisyon..Tutal malapit na sa bahay susubukan ko nang gisingin siya..

"Chu-cchi?" sabay tapik sa braso niya.

"Chu-cchi??" habang tinapik ko siya ng dalawang beses.

"Chu-cchii?" Kinikilabutan naman ako sa babaeng 'to. hindi na kasi nagsalita at gumalaw..Pero teka, hindi kaya? Pa-pa-PA-TAY na 'to?!!! O__________O Jusko!! Wag naman sana. Please..

Nilapitan ko siya unti-unti, para tignan kung anong nangyayari. Hinawakan ko siya sa dalawang balikat at hinarap sakin.. Pero, ang labas ay YUMAKAP SIYA SA AKIN!!

"Yurie?!! Ano to?!!" pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya.. Tulog siya, nakapikit habang nakayakap sa akin.. na naging dahilan para matitigan ko siya sa mukha.. hindi naman talaga pangit si Yuri, maamo ang mukha niya.. makinis.. hindi rin masyadong pangit ang ilong niya.. at ang labi niya.. paano ko ba idedescribe to? Mapula kahit walang lipstick.. Ang sarap... At yun na parang hindi ko mapipigilan sarili ko.. hindi ko alam kung ano 'tong nangyayari sa akin.. Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sakanya.. pero NAGISING SIYA!!!!!!

"Sir, ano pong ginagawa niyo?" habang medyo nanginginig ung boses niya.

"Ah-eh. Andito na tayo sa bahay. Gigisingin na sana kita,"

"Ah ganun po ba, pasensya na po sir."

"Bakit anong akala mo? Pagsasamantalahan kita? HAHAHAHA!"

"Hindi naman sa ganun." matamlay niyang sabi.. parang hindi siya yung Yurie na nakilala ko nung una.. Ano ba talagang nangyari?

"Pwede mo na bang sabihin sa akin ngayon kung anong nangyari?"

Pero nagulat ako ng bigla niya akong niyakap at umiyak. Iyak siya nang iyak. Medyo nakaka asar na nga. Pero, nung kinwento niya sa akin lahat.. Naintindihan ko na siya kung bakit.. Masakit naman pala yung pinagdaanan niya. Kaya inintindi ko nalang siya. 

Sabay na kaming lumabas ng sasakyan at tumakbo siya papunta sa kwarto niya.

Hindi ko na siya hinabol para bigyan siya ng time para sa sarili niya.. 

"Makakalimot din siya. Baka si Yurie yun!" napangisi nalang ako habang iniisip yun.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Sorry for the wait. XD 

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

I'm Mr. Arrogant's Maid?!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon