A Vs. S

315K 6.3K 971
                                    

IKALIMA

Nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto habang pinagiisipan ko kung paano pagbabatiin si A at si Tan Tan. Yung mga yun kasi, ang tanda na, cookie pa rin ang pinagaawayan. Hay nako. Tiningnan ko ang relo sa may side table. Malapit ng mag alas tres pero hanggan ngayon ay gising pa rin ako. Maaga pa naman ang appointment ko bukas. Magsisimula na kasi ang training ko sa firm. Pero ito ako ngayon, mulat pa rin dahil sa away nung dalawa.

Napatayo na lang ako sa higaan at lumabas ng kwarto. Tulog na ang mga itlog sa kanya kanya nilang kwarto. Dorm kasi nila ito noong nagtatraining palang sila at hindi pa nailalaunch ang AEGIS.

Napatingin ako sa oven sa may gilid noong nasa kusina na ako. Siguro, ipagbabake ko na lang si A at Tan Tan ng cookie para hindi na nila kailangang mag-agawan. Bright idea? Oh my gee, I'm so smart.

Pero mamaya ko na sila iisipin. Gusto ko muna ng gatas para antukin na ako. Kinalkal ko ang ref nila at nakakita ako ng isang box ng fresh milk doon.

 

"Hindi ka makatulog?"

Napatingin ako sa nagsalita sa likod ko. Ganun na lang ang gulat ko ng makita ko si Tan Tan na nakatayo sa may bukana ng pintuan.

 

 

"Oo. Namamahay ako. Kapag ganitong panahon, nagsisimula ng mag snow sa US." Nakangiti kong sabi habang binubuksan ang box ng gatas. Ayaw namang makisama ng box at halos maputol na ang kuko ko ay hindi ko pa rin nabubuksan. Inagaw iyon ni Tan Tan sa akin at siya na ang nagbukas. Akala ko ay ibibigay niya sa akin pero siya naman ang uminom.

"Tan Tan akin yan eh." Maktol ko. natawa lang siya bago hinawakan ang baba ko at dahan dahang ibinuka ang bibig ko.

 

"Papainumin kita." Nakangisi niyang bulong bago ako pinainom ng gatas. Ako naman ay halos malunod na sa sobrang dami ng inilalagay niya sa bibig ko. Ng matapos siya ay pinunasan ko ang bibig ko. binaba naman niya ang kahon at ngumisi.

"Indirect kiss." Sabi niya. Nilingon ko siya kasi hindi ko siya narinig.

"Ano?" tanong ko sa kanya. Napailing na lang siya bago tumalon at umupo sa may lababo.

 

"Ang sabi ko, bingi ka." Naiinis niyang sabi. Napanguso na lang ako.

 

"Tanda mo pa nun Toryang, nung nasa kotse tayo at inaway mo ako dahil sa ginawa ko kay Greg? Sabi ko diba hahalikan kita kapag hindi mo ako kinausap?" natatawang sabi niya. Pumunta ako sa harap niya at tinitigan siya.

 

"Oo naman. Tanda ko yun noh. Ako na dapat hahalik sayo kaso bigla mo naman akong tinulak." Maktol ko kahit nagtataka ako kung bakit bigla naming naging usapan iyon. Ngumisi lang siya bago kinuha ang kahon ng gatas at uminom ulit.

"Bakit? Gusto mo bang halikan ako ngayon?" tukso niya. Pinamulahan naman ako ng mukha.

"Manahimik ka nga!" sita ko sa kanya. Bumaba siya mula sa lababo at lumapit sa akin.

 

"Oh baka gusto mo ako yung humalik sayo? Tutal ako naman naghamon noon diba?" tanong niya habang lumalapit lalo sa akin. Napahakbang ako palayo.

Seducing The Bad Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon