Chapter 16: Finally.

2.3K 76 23
                                    

WARNING!! SUPER SHORT UPDATE. MABIBITIN KAYO. ;) XOXO

Chapter 16: Finally.

"Lexie, pwedeng umupo ka muna? Nahihilo na ako sa'yo." iratadong sabi sa akin ni Megan habang tinitignan ako nang masama. Bumuntong-hininga ako at tumigil sa kanina ko pang palakad-lakad sa harapan nila. Humalukipkip ako habang nakatayo.

"Stop that!" nagulat ako sa sigaw ni Megan. Hinablot niya ang kamay ko na hindi ko alam na nagba-bite na pala ako ng nails.

"Sorry." bumuntong-hininga ako.

"Bakit ba hindi ka mapakali dyan? Darating naman siya ano ka ba!"

"Nag-aalala lang kasi ako, Meg. Dalawang oras na ang lumipas sa takdang oras na dapat nandito na siya pero wala pa rin siya." 

"Na-delayed lang ang flight niya. Napaparanoid ka nanaman dyan. Darating siya, okay?" kalmado niyang sabi sa akin at marahan akong hinila paupo sa tabi niya. Bumuntong-hininga ako ulit ay tumango na lang.

"Gusto mo ba ng tubig?" tanong ni Yvo sa akin. Tumango ako. Tumayo siya at nagpahabol ng gustong inumin si Megan sa kanya bago tuluyang umalis.

"Kailan niyo ba balak magpakasal ha? Dalawang taon na kayong engage pero wala pa rin kayong plano sa kasal niyo." nakasimangot kong tanong. Tumawa siya.

"Don't worry, ikakasal din kami." tumatawa niyang sagot sa akin. Inirapan ko siya, tumawa lang siya nang malakas. Napangiti lang ako.

Pitong taon na ang lumipas. Ang tagal na din. Nakagraduate na kaming lahat. Business Management ang tinapos ko, Psychology naman si Megan na ngayon ay nagmamasteral siya sa UP na isa rin sa rason kung bakit hindi pa sila nagpaplano tungkol sa kasal nila dahil doon. Gusto kasi nila Megan na matapos niya ang pagmamasteral niya at makapasa sa board exam after para matawag na talaga siyang isang Sikolohista.

Si Mandy at CharLei ay parehas na grumaduate sa kusong Tourism, si Zaira ay sa kursong MedTech at si Kim ay sa kursong Accountancy. May kanya-kanya na din silang trabaho at pare-parehas na successful. Masaya din ang lovelife nila.

Sa lumipas na pitong taon ay maraming nangyari. Si Mandy at Luis ay nagkabalikan noong college kami pero hindi na talaga nagwork kaya pinili na lang nila na maging magkaibigan na lang. Ngayon, may boyfriend na si Mandy na nakilala niya sa trabaho. Nasa Paris siya ngayon, doon siya nagtatrabaho. Isang taon pa lang naman sila. Si Luis ay nanatiling single pero mukhang ina-aurahan niya ang isa kong pinsan na nakilala naman niya noong nakaraang taon na birthday party namin ni Kuya sa bahay. Architect na pala si Luis.

Si Kim at Bryan ay kinasal na pero wala pa silang anak dahil nag-iipon pa lang sila. Nasa Canada na sila ngayon. Si Bryan ay nag-aaral pa, magdodoktor kasi siya. Si Kim ay accountant din doon, sa bangko na pagmamay-ari nila.

Si Zaira at Parker pa rin. Ewan ko kung kailan nila balak magpakasal. Nagre-ready sa pagtetake ng board exam si Zaira, samantalang CEO na si Parker sa family business nila.

Si CharLei at Cody naman ay hindi rin nagkatuluyan. Conflict sa family ni Cody ang dahilan kung bakit sila naghiwalay. Ayaw ng family ni Cody kay CharLei kaya pina-arranged marriage si Cody. Nagulat na nga lang silang dalawa na engaged na pala si Cody. Ang malaking pagkakamali lang ni Cody ay hindi niya pinaglaban si CharLei dahil nagpakasal siya doon sa babae at iniwan niya sa ere si CharLei. Sobrang nasaktan ang kaibigan ko, muntik pa nga siyang hindi makagraduate dahil nagsibabaan ang mga grades niya pero buti na lang at naagapan niya pa. Ngayon ay masaya siya sa trabaho niya. She's happy being single.

Well, ako? Tumutulong na ako sa company namin. Nagtatrabaho ako as General Manager sa Royalaces na bagong tayo sa Makati nitong nakalipas na anim na buwan.

Si Kuya at Callie ay hiwalay na. Noong nakaraang taon pa sila hiwalay. Bigla kasing umalis si Callie ng hindi alam ni Kuya. Ni walang tawag o text. Sinubukan ngang magtanong-tanong ni Kuya kay Cleo kung alam ba niya kung nasaan si Callie pero maski si Cleo nagulat na umalis pala si Callie kaya ayun. Single na ulit si Kuya ngayon.

Pero syempre joke lang 'yon.

Kasal na si Kuya at Callie, tatlong taon na nga silang mag-asawa e. Yup, 4th year college pa lang kami noong nagpakasal sila. May isang cute na cute na nga silang baby girl, si Maxine Nicollette. Anim na buwan pa lang si Max. Si Kuya na nga pala ang CEO ng airline company namin.

Si Cleo at Yves naman ay magkasama na sa ibang bansa. Wala akong balita masyado sa kanila kasi talagang busy kaming lahat sa kanya-kanya naming buhay lalo na ako dahil minsan ay palipat-lipat ako ng office. Minsan sa Tagaytay, sa Cebu, sa Maynila, sa Laguna, etc. Minsan pa nga sa Europe at America ako napupunta dahil may branch din kami ng Royalaces doon. Nakakapagod talaga kaya nga bihira na lang akong umuwi sa bahay dahil doon na mismo ako sa hotel namin natutulog. Gusto ko na nga minsan na lumipat na lang sa business ni Mommy which is fashion and jewelry kaso ayaw akong payagan ni Mommy. Kumuha daw muna ako ng maraming experiences tungkol sa business namin bago niya ako ilipat sa business niya.

Ang dami na pala talagang nangyari. Parang kahapon lang, high school lang kami. Ngayon, lahat kami successful na.

Naputol ang pagtutulala ko noong nakita kong may bote ng tubig sa harapan ko. Kinuha ko iyon at nagpasalamat kay Yvo. Umupo siya sa tabi ni Megan. Ininom ko naman ang tubig. Nahimasmasan naman na ako. Masyado lang talaga akong paranoid. Hay nako. Papakonsulta ko na nga ito sa Psychologist ko.

Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang oras. Ala-una na ng madaling araw pero wala pa din siya. Napabuntong-hininga ako at sumandal.

Saan ka na ba? Ang tagal mo naman.

Bigla akong tinapik ni Megan sa balikat kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya sa akin sabay tingin sa malayo. Sinundan ko naman ang tingin niya at agad na nawala ang mabigat na nakadagan sa dibdib ko. Napangiti ako agad at napatayo.

Ayun siya, naglalakad habang hawak niya ang maleta niya. Nakashades at nakangiti sa akin. Naiiyak ako sa sobrang saya dahil nakita ko ulit siya. I miss him so damn much!

Naglakad ako palapit sa kanya. Nakangiti at alam kong lumalandas ang luha sa aking pisngi pero hindi na ako nag-bother na punasan iyon dahil nakatuon lang ang atensyon ko sa lalaking nasa harapan ko.

Noong magkaharapan na kami ay agad niyang pinunasan ang mga luha ko. Hinawakan ko ang kamay niya at agad na niyakap. Mahigpit na mahigpit na yakap. Ganoon din naman ang ginawa niya sa akin.

"Finally, you're here."

"Yes, finally."

Bumitaw ako at tinitigan ang gwapo niyang mukha. Sobra ko talaga siyang namiss.

"I missed you so much." he said. I smiled.

"I missed you so damn much, too." he leaned in and kiss me full on the lips.

God, I really missed this man. My man.

OURS (Nerdy Princess♥♥ Book 4) *Her Story* [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon