Chapter 8

13.8K 296 20
                                    

Chapter 8

Kung pwede lang na ako na ang mag-ikot ng kamay ng orasan para bumilis iyon ay kanina ko pa ginawa. Hindi ako mapakali habang nasa tabi ko si Renia habang nasa klase.

Sinadya kong muling umupo doon dahil gusto kong malaman na niya na babalik na ako sa dati.

Sobrang kabado ako kahit na hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil natatakot ako na mareject ulit?

Pagkalabas na pagkalabas ng last prof namin para sa araw na ito ay mabilis na lumabas ng silid si Renia. Natatarantang hinabol ko siya at nang naabutan ko ay mabilis ko siyang isinandal sa may pader.

Nanlalaki ang magagandang mata niya sa gulat, which I found very cute. Nasa balikat niya ang mga kamay ko na nagsasandal sa kanya sa pader.

"What's your problem?" tanong niya sa akin pero hindi siya makatingin sa akin ng diretso.

Gamit ang isa kong kamay ay iniangat ko ang mukha niya para makita niya ang mga mata ko.

"Red," iyon lang ang sabi ko. Parang magic word iyon dahil biglang naging red din ang mukha nito.

"Meron kang dala?" tanong ko sa kanya. Nahihiya naman siyang tumingin sa akin.

"Hmm, wala," sagot ni Renia. "Meron yata sa vendo machine sa cr."

Tumango ako at tiningnan iyong mga naglalakad sa paligid. Hindi ko napansin na marami na palang nakatingin sa amin.

"May dala ka bang sweater o ano?" tanong niya kaya umiling ako.

"Lumakad ka lang ng diretso," utos ko sa kanya. Nung una ay ayaw pa niya pero dahil wala siyang choice ay ginawa rin niya. Nakasunod lang ako sa kanya. Ilang inches lang ay magdidikit na ang mga katawan namin sa sobrang lapit ko sa kanyang likod. Ginawa ko iyon para walang makakita ng red mark niya sa likod.

Sobrang kabado ako dahil isang hinto lang niya na hindi ko napansin ay tuluyang magdidikit ang akin sa kanya. Thankfully, mukhang naiintindihan naman ni Renia ang sitwasyon ko.

Mabilis na ang mga hakbang nito nang lumiko na kami sa may cr. Pumasok na ito sa pambabae at naiwan ako sa labas.

Ilang sandali lang pagkapasok niya ay lumabas itong muli.

"Jethro, walang ano," nahihiyang sabi niya sa akin.

Nagets ko agad ang sinabi niya kaya tumango ako agad.

"Babalik ako. Bibili lang ako ng  ano mo," sabi ko at naglakad na palayo pero hindi pa man ako nakakalayo ay bumalik ako sa kanya.

"Ahm...anong brand?" tanong ko sabay kamot sa batok ko.

"Kahit ano!" pabulyaw na sabi niya at nataranta naman akong umalis para bumili sa cafeteria.

Dahil lunch time ay maraming mga estudyanteng nagkalat sa cafeteria. Pumila ako doon sa main canteen na alam kong nagtitinda ng napkin.

Nang mapagtanto ko na aabot ako ng siyam siyam bago makabiki ay sumingit na ako sa pili.

"Makikisingit po," sabi ko sa mga nakapila doon.

May mga ilang nagrereklamo pero hindi ko na lang pinansin. Anong nirereklamo nila eh nagpaalam naman ako at tumabi sila.

"Miss, ano...may ano kayo?" tanong ko dun sa tindera. Kumunot naman iyong noo nung tindera.

"Anong ano?"

"Sanitary napkin po," mahinang sabi ko. Nakita ko sa mukha nung tindera na natatawa ito.

"May wings o wala?" Tanong sa akin ng tindera bago ko narinig ang tawanan ng mga estudyante sa likuran ko.

Anong wings o wala?

"Napkin po ang binibili ko," sabi ko. Tumawa na talaga iyong tindera.

Lalong mamula ang pisngi ko nang iniabot na sa akin nung tindera iyong napkin. Mabilis ko naman iyong ibinulsa at binayaran.

Sinusundan pa rin ako ng tingin nung iba nang paalis na ako. Iyong feeling na gusto mong palitan ang mga sagot mo sa mga autographs noong elem ka at ito ang ilalagay kong most embarrassing moment.

Nakita ko si Renia na nakasandal sa pader na malapit sa pinto ng banyo at hinihintay ako.

Parehas kaming namumula habang binibigay ko sa kanya iyong napkin na nabili ko.

"Salamat. Babayaran ko na lang," sabi niya pagkatapos ay pumasok na ito sa loob.

Nang medyo naka-recover na ako sa kahihiyan ng dahil doon sa napkin ay para akong tangang napangiti. Kinausap na naman niya ako. Kahit na simpleng salamat lang ay kinikilig na ako paano pa kaya kung sabihin na niyang gusto niya ako.

Assume pa, Jethro.

Sumandal ako sa pader at hinintay ang paglabas niya. Kung anu ano na ang pumasok sa isip ko ay hindi pa rin siya lumalabas.

Nagtagal pa ako ng ilang minuto bago ito lumabas. Huminto ito sa mismong harap ko at inabutan ako ng anim na piso.

"Hindi na kailangan. Libre ko na iyon," I awkwardly said.

Hindi nagsalita si Renia at itinago na lamang ang barya nito sa bulsa. Sumunod ako sa kanya at hindi ko maiwasang tumingin sa kanyang palda na medyo basa pero nawala na ang red mark.

"Ahm...Re...ni...ya?"

Kabadong kabado ako nang huminto ito sa paglalakad pero hindi pa rin lumilingon sa akin.

"Pwede bang magtanong? Isang tanong lang," kinakabahan kong sabi.

Hindi siya nagsasalita pero nanatili pa rin kaming nakatayo doon sa hallway.

"R-Renia?"

"What do you want from me, Jethro?"

Bawat salita niya ay lalong nagpapakabog sa dibdib ko.

Gusto kita.

"H-hindi mo nababasa sa isip ko?" tanong ko.

Hindi siya sumagot at nanatili lang na nakatalikod sa akin.

Hindi ko alam kung dapat ko na bang sabihin na gusto ko siya. Ayaw kong hindi niya paniwalaan dahil sa sobrang bilis.

"Kung ano man iyan, ayaw ko."

Natahimik ako sa sinabi niya. Ganyan na naman siya.

"Bakit? Bakit pinapalayo mo ako sayo?" There, I finally asked her.

Nadagdagan ang kaba sa dibdib ko nang hinarap niya ako at sinalubong ako ng walang emosyon niyang mukha pero sigurado akong kapag malapit ang kanyang mga mata ay makikita mo ang totoong emosyon doon.

"Please listen carefully. I don't want you. I don't want you to be my friend or what. I don't need--"

Huminto ito at tila nag-alinlangan kung itutuloy niya ang sasabihan niya.

"Please, Jethro. Leave me alone."

You were giving me no choice, Renia.

Tatalikuran na naman niya sana ako kaso mabilis kong nahawakan ang kamay nito.

"Gusto kita at alam kong alam mong totoo iyon."

Still Waiting (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon