Previous Page of 7Next Page

ILYK [I love you Kuya-Complete!] PUBLISHED under LIB creatives

spinner.gif

Chapter 7

 

Charlie

Past noon na nung magising ako at nag-inat-inat … (still yawning)… I had the most absurd dream! Weird actually. Haaaayyyy! (yawning) But it is so vivid.. parang totoo… pero yung nangyari sa panaghinip ko.. hindi makatotohanan… ABSURD nga e.. SOBRA... Biruin mo, nagpropose daw sa kin si Kuya Zack? Hahahahaha! Nakakatawa.. kahit kelan di mangyayari yon. How can he take interest in someone like me.

 

Napadilat ako ng konti.. Huh! Strange . This is not my room..

 

Where am I?...

 

I am fully awake now at kumakabog ang dibdib ko. I never woke up to unfamiliar place before dahil kila Tanya lang ako pinapayagang mag-overnight. Tumingin tingin ako sa paligid... Masyado pa akong disoriented.. at medyo masakit sakit pa ang ulo ko… Nice room but definitely not mine.. Saan ba ako napadpad… hindi naman kila Tanya ito, kahit yung ibang mga resthouse nila, hindi ganito ang itsura? Hindi mahilig sa native inspired ang pamilya nya?

 

 Ano bang nangyari sa kin.. hindi naman ako umiinom ng alchoholic drinks to make me as disoriented as I am right now. Nag ka short term amnesia ba ako? Memory gap? Ang bata ko pa para magka ganon! HELLLOOO!!!!

 

Kumulo ang tyan ko…. Arrrggghhh! Umaandar na naman ang kahihiyan ko!What time is it na ba? Nagrereklamo na naman ang mga parasites ko!

Tinignan ko ang oras sa wristwatch and that’s the time na nahagip ng mata ko ang kumikinang na bagay na nakasuot sa daliri ko. 

Mas lalong kumabog ang dibdib ko… Oh no… This can’t be! I thought it was just a nightmare!

Napatitig ako sa malaking diamond ring sa daliri ko.. Bigla akong parang binuhusan ng malamig na tubig at nag-flashback lahat ng mga nangyari nung nakaraang araw!!!! The time that I went to my sister’s engagement party and ended up being engage myself!

 

And Kuya Zack even proposed! 

 

OMG!!! Akala ko panaghinip lang!!! waaaaaa!!!!!! I’m really engaged???? Parang hindi ako makapaniwala!

 

“NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” Hindi ko namalayang napasigaw pala ako ng malakas!!!!

 

BLAGAG@$#!!!! SHHOOOCKKKSS!!!!! Nahulog pa ko sa kama!

 

Aray naman!

 

Wala pang ilang segundo ay biglang bumukas ang pinto at nagmamadling pumasok si Kuya Zack..

 

“Charlene! What’s wrong!!!! Are you hurt?”

 

Are you hurt???. OA naman to,, nahulog lang ako sa kama.. pero medyo masakit yung balakang ko na tumama sa sahig.

 

“What?? n..nn.. No!.. of course not…Ahhmmm … Hinahanap ko lang sa ilalim na kama yung slippers ko“ at kuwaring tinaas taas ko pa yung bed sheet ng kama.. sobrang nakakahiya naman kapag nalaman nyang nahulog ako sa kama.. ano ko bata? “I can’t see it” ay grabe todo na to.. wa poise! I could just imagine what I look like right now.. I haven’t even comb my hair! Hindi pa ako nakapaghilamos, who know kung ano ano ang mga unwanted thingies na naka dislay sa mukha ko… better keep my head low, away from his view….

“Bakit ka sumigaw?...”

“Aaaaa.. eeeee………. May ipis kasi!!!! Andun tumakbo sa banyo! “

Nag-make face sya…

Ano bang klaseng mga excuse yun… walang logic… lumagabog tapos naghahanap ng slippers tapos may ipis? Wow ang ganda ng logic mo.. Bravo Chalie, nakatotohanan mga excuses mo. Parang hindi mo kilala yang kausap mo. Matinik sa negosyo yan, alam na siguro nito na nagsisinungaling ako.

I looked at his face and he is giving me this crazy smirk that tell me that he is defintily not buying what I have been saying… hay nako,, ano man ang iniisip nya,, wa na ako paki… Maniwala sya o hindi.. bahala sya…

No use in pretending… Tumayo ako at tinulak ko sya palabas ng pinto..

“Sige na,, sige na,, labas na… I don’t look decent right now and I’m not used to having a guy inside my room!“

“You know, you might as well get used to having me around.” Nginitian nya ako ng nakakloka! At namula naman ang mukha ko.

“Just get out ok! ”

“Alright,.. Lunch is already served,, I mean brunch pala… we need to talk about a few more details of our arrangement , bago kita ihatid sa bahay nyo.. kailangan malinaw ang plano natin…at kailangan magtugma mga sasabihn natin.”

Previous Page of 7Next Page

Comments & Reviews (95)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended