Chapter Twelve

136K 4K 1.2K
                                    

CHAPTER TWELVE

"MAMA, kailan babalik si Papa?" inaantok na tanong ni Heart habang nilalagyan niya ito ng baby powder sa likod

"Magbilang ka pa ulit ng seven days, Baby girl," nakangiting sagot niya. Ibinaba niya ang bote ng pulbos. Sinuotan niya naman ito ng damit pantulog.

"Marami kasing work si Papa mo sa Manila. Hindi agad siya makabalik. Pero pagkabalik niya, mamasyal tayong tatlo."

Puwede lang ilabas si Heart kapag kasama si Eugene. Napakahigpit ng seguridad para sa bata.

Lumabi si Heart at pumikit. "I miss Papa. I wish he's here," malungkot na wika nito.

"Ako din. Pati abs niya nami-miss ko."

Heart laughed. "You're funny, Mama." Dumilat ito at tumingin sa kanya. "I'm always happy when I'm with you." Bumangon ito at yumakap pa sa kanya.

Napangiti siya at niyakap din ito. Kung last week, maldita overload ito, ngayon wala nang kasing-sweet ito kapag nanlambing! Parang gusto niya na tuloy magka-anak!

May kakaiba rin kay Heart na nagpapangiti kay Xan. Ewan niya ba kung ano iyon. Basta! Parang pakiramdam niya ay kompleto siya sa tuwing kasama niya ang bata. Nakita niya na ang nakikita ni Eugene sa anak nito kaya hindi nito matanggihan si Heart.

She is a child you can easily fall in love with, huwag lang magmamaldita. Xan loves taking care of Heart. Wala pa man ding isang buwan ay palagay na sila sa isa't isa.

She wanted to believe that they have a connection. O baka nagpaparamdam lang ang maternal instincts niya? Twenty-seven na siya. Kumakatok na ang matris niya.

"Let's sleep na," aya niya sa baby girl. Mabilis naman itong humiga at napahikab. Halatang pagod na pagod dahil buong araw ba naman silang naglaro?

"Good night, Mama." Pumikit na ito at niyakap ang stuffed toy nito.

"Good night, Baby girl. Sweet dreams!" Hinalikan niya ito sa noo at saka maayos na kinumutan.

After a while, Heart's already fast asleep. Dahan-dahan siyang tumayo, pinatay ang ilaw, at lumabas ng kuwarto.

Napahikab na rin siya. Pumasok siya ng sariling kuwarto niya at naghanda na sa pagtulog. Pero medyo kumalam ang sikmura niya. Gusto yata mag-advance midnight snack!

Napatingin siya sa orasan. Alas-diyes y medya. Iinom na lang siya ng gatas.

Bumaba siya at mabilis na dumiretso sa kusina. Pagkatapos magtimpla ng gatas ay kinuha niya ang baso at naglibot muna sa mansyon. Para na rin mas antukin na siya. Napahinto siya sa isang malaking pinto sa ilalim ng hagdanan.

Napansin niya sa dalawang linggo niyang pananatili doon, ang pinto lang na iyon ang nakakandado. It was like a forbidden door or something.

Lumapit siya sa pinto at hinaplos pa ang intricate details na nakaukit sa pinto. "Ikaw ba ang pinto papunta sa Narnia o Hogwarts?" O baka naman may sariling red room of pain si Eugene ala Christian Grey?!

Gusto ko iyon!

"Ma'am Xan? Ano pong ginagawa n'yo diyan?"

Napalingon siya sa isang kasambahay na si Gladys. "Ah, wala naman. Curious lang talaga ako sa pinto na 'to. Alam mo ba kung bakit bawal 'tong buksan?"

Nagkibit balikat ito. "Basta po, Ma'am, papunta sa basement iyang pinto."

"Basement?" namilog ang mga matang tanong niya. "May basement pala rito!"

"Opo. Nasa basement daw po iyong mga dating gamit ng mga nakatira rito. Mga personal na gamit ni Señora Celeste at ni Señorita Tanya."

"Oh..." Napatango-tango siya. "Lahat ng gamit nila, as in? Kaya pala wala akong makitang family pictures dito o kahit pictures man lang ni Tanya Aragon."

Irresistible Eugene (TTMT #1) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon