Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Chapter Twelve

325K 6K 461
                                    

"I-IT's just... J-just―"

"Just what? What's the excuse this time?" He shot her a naughty grin. Abot hanggang tainga iyon at kumikislap ang tagumpay sa mga mata. "Itatanggi mo pa rin bang gusto mo ako? Ayan na ang ebidensya."

"Kailan pa naging ebidensya ang laway?" asik niya. Sa kabila ng lahat, hindi niya hahayaang mapagtawanan nito. Not in this lifetime!

Malakas na tumawa ito. Ramdam niya ang pag-iinit ng pisngi. Tuloy, hinihiling na lang niyang maglaho na lang, bumuka ang inaapakan niya at lamunin siya noon. Mas gugustuhin niya iyon kaysa sa lamunin siya ng pagkapahiya.

God, this is embarassing! Sinasabi na nga ba niya at maling ideya ang pagpunta niya rito. Inis na tinalikuran niya ito.

"Hey, where are you going?" Mabilis naman nitong nahagip ang braso niya at hinila siya palapit dito. Parang gustong magsiklab ng katawan niya nang magdikit ang mga balat nila.

"B-bitawan mo ako..." Nanginig ang boses niya, pati ang kanyang labi. "Aalis na ako. We're done talking."

"No, we're not, baby. Hindi pa 'to tapos. What's the rush?"

He's toying on her. Kitang-kita niya sa paraan ng pagniningning ng mata nito. Natutuwa itong makita siyang ganoon—nanghihina at nangangatog ang tuhod. Napapahiyang napakurap siya.

She drooled. She fucking drooled at him. Wala sa golden rule niya na maglaway sa isang lalaki. But this is too much. Much worse!

"Hey, 'wag kang mahiya. Okay lang 'yon," ani Trent. "It's perfectly normal, you know. You're not the only one," dugtong pa ng lalaki, pagkatapos ay muling humalakhak. Tuwang tuwa ang gago sa pagkapahiya niya.

Parang unti-unting nagdilim ang paningin niya. Sinadya nito iyon. He was really seducing her. 'Yong ginawa na nga nito ang example, 'di ba? At nabitag siya sa patibong na inihain nito. Now, he's enjoying every moment.

Mahigpit niyang naikuyom ang palad.

He dares to make fun of her!

Siya? Si Anita Lynda Alba? Mabantot man pakinggan ang pangalan niya, pero pangtelenobela ang pagkatao niya. Hindi siya ang taong madaling apihin at hamakin. Mapaghiganti ang ngising gumuhit sa labi niya.

An act of revenge popped inside her head.

"Okay, stop laughing now." Marahan niyang tinapik ang matigas na dibdib nito. Pinanlabanan niya ang kati na himasin iyon. Pero bakit hindi? It's revenge time. May excuse siya.

"You have your fun. Aamin na ako."

"Oh? Anong aaminin mo? I know you. You won't do that."

"You don't know me." She allowed herself to touch his chest down to his abs. Naramdaman niya ang pag-ahon ng tensyon sa katawan ng lalaki. Mapang-akit niyang pinadausdos ang mga daliri niya.

"Anong ginagawa mo?"

Her lips curved into a seducing smile as she sstepscloser. "What do you think?"

Mas lalong naging tensyonado ang matigas nitong katawan. Umigting ang panga nito sa pagnanasa. Maingat na huminga ito nang malalim.

"Sigurado ka bang ito ang gusto mo?" Mainit at nakapapaso ang tinging ibinato nito sa kanya. She felt her body burning with his stare. Tila nag-aapoy ang berdeng mga mata nito.

"Ano pa ba sa tingin mo itong ginagawa ko?" She managed to act like a pro. Hindi niya alam kung tama ba ang ginagawa niya. But damn it, hindi siya magpapatalo. Inilapit niya ang mukha sa labi nito. She felt his hot breath.

Nanginig ang tuhod niya sa hatid na init niyon. Mainit na tumitig ito sa kanya.

"You really want me." Parang 'di makapaniwala ang tinig nito.

The Playboy's PunishmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon