Previous Page of 3Next Page

Could It Be: Your First Is Not Always Your Last?

Dedicated to
alyloony
spinner.gif

*** Chapter 11 ***

|| I Would Do Anything For Love...But how will I do that? || 

Adrienne’s POV

November 24

Wednesday

Hanggang ngayon di pa din ako makapaniwala sa mga nanyare kahapon, di ko alam kung paano ako papasok sa school, natatakot ako na baka panaginip ko lang pala lahat yun. Pero since I have to go to school...

Andito na ko at papasok ng gate. Haha... 

“Ang tagal mo naman dumating.”

Nagulat ako...Inabangan pala ako ni Kiel sa gate. Bakit kaya ano kayang meron? 

“Ah..eh..nalate kasi ako ng gising, bakit ka nga pala andito?” Wooh! Parati ka namang late ng gising eh!

“Uhm...gusto ko lang kasi ito ibigay sayo.” He smiled the he handed me a paper bag, napangiti naman ako. 

So I guess this is really true, di ko panaginip ang mga nanyare kahapon? 

Ay hindi! Nagslisleep walk ka lang! 

“Thank you. Sana di ka na nag-abala.” Naglakad na kami kasi malalate na kami. Pero dun kami dumaan sa konti lang ang tao.

“Pwede ba yun, eh diba nga I’m courting you?”     

Totoo ngang nililigawan niya ko?

Ano ba yan! Paulit-ulit?Nagsasawa na ang mga readers basahin yang tanong mo na yan! 

Sorry naman. Overwhelmed lang!  

“Ah...Sana tinext mo ko para pumasok ako ng maaga. Hehe” As if naman kaya mo...

Syempre para sa taong mahal ko. Toinkz!   

“Edi hindi ka na masusurprise.” Oo nga naman. 

“Nye! Paano kung di ako dumating?”

“Edi pupuntahan kita. Nga pala di pa kita nahahatid sa inyo.” Nagalok kasi siya kahapon na ihatid ako, kaso sabi ko wag na.

“Haha...Baka patayin nila ako pag ginawa mo yun. Hehe.” Napatawa naman siya.

“Haha...Ganun? Bakit bawal ka mag boyfriend?” 

Natigilan ako sa tanong niya. Oo nga nuh? Kung bawal ako magboyfriend, bakit ako nagpapaligaw?  

This is wrong. Hindi ko dapat hinayaang mangyari ‘to. Ay anu ba naman ang iniisip ko at di ko ‘to naisip agad?! Yen!  Anong ginawa mo?! I have to make things right kahit masakit.  

“Honestly, oo...Sinasabihan nila ako nun.” Nag-iba ang expression ng mukha niya, na-disappoint yata siya. hindi ko nasabe...naoverwhelmed kasi ako sa mga nanyare.Tsk!Tsk!Tsk!

“Sorry di ko nasabe agad. Maybe you should take this back.” Inabot ko yung binigay niya kanina pero di niya kinuha.

“Sorry talaga...di ko agad naisip yung mga consequences...Sorry...Sorry talaga ang selfish ko...dapat di na ko pumayag in the fir—

“Malalate ka na. Mamaya nalang tayo mag-usap.” Hinatid niya ko sa floor namin pero neither one of us dared to speak. I guess hanggang dito nalang. The dream was over...It’s time I go back to reality.  

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews

Login or Facebook Sign in with Twitter
library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

Cast

Tricia Santosas Adrienne "Yen" Joy De Vega
Ivan Dorschneras Andrew Kiel Fernandez
Robi Domingoas Stephen Josh Arrieta
Erich Gonzalesas Dallynette "Nette" Madrigal
Unknownas Shana Gutierrez
James Reidas Juan Mikel "JM" Montez
Fretzie Bercedeas Bianca Montero

Who's Reading

Recommended