CHAPTER 2

348K 3K 334
                                    

Dedicated to: Blackheart21.. heto na ang pinakahihintay mo! hahaha 3 months ago pa yung message mo eh.. salamat sa matyagang paghihintay ^0^

...

...

"Good Morning Sunshine!" Malakas na sigaw ni Anya sa bintana. Maganda kasi ang gising nya ngayon. Lunes na lunes heto sya at may pasok sa school! Ang sabi ng kuya Patrick nya, tutulungan daw sya nito humanap ng trabaho. Kinailangan kasi ni Anya na magworking student, nagigipit na kasi sila ng husto. Isa pa, hindi pwedeng habang buhay nalang syang sasabit sa raket ni Jerome. Tulad nalang noong huling raket nila, Nasira ang operation nila tapos nadala nanaman sya sa paraiso ni Mr.Stranger. Ang greek God sa Business magazine nya. "Pero syempre imposible naman na iyon yung lalaki na iyon, sa itsura lang nung lalaki sa magazine mukhang hindi naman pumupunta sa mga underground bar. Kahawig lang siguro, isa pa mukhang kagalang galang yung lalaki sa magazine unlike Mr. Stranger na messy ang dating. Si Mr.Stranger pang mahirap ang pinagdalhan sakin, mukhang cheap apartment! Not once but twice! tama! kamukha lang nga ni Mr.Stranger yung Jin Kingson Estude na yun sa magazine! Kayaaaahhhh!!!!! sana sya nalang yun! ang swerte ko naman! asa! hahahahaha!!" sabi nya sa sarili habang nagtu toothbrush

"Ding Dong!" tunog ng doorbell..

"Hay ang aga aga may tao na agad!" reklamo nya na padabog na lumabas ng c.r.. wala kasing tao sa bahay nila ngayon kundi sya lang, nasa farm nila sa Zambales ang parents nya maging ang kuya Patrick nya at asawa nito.. Tinungo nya ang gate at binuksan iyon..

"Ano po yun?" tanong nya sa lalaking naroon, nagulat pa sya na maraming truck ang nakaparada sa labas ng bahay nila..

May inilahad na papel ang lalaking nasa harap nya..

"Ano ba naman yan! hindi ako bulag manong!" bulyaw nya sa lalaki, kasi naman halos idikit na ng lalaki yung papel sa mukha nya, pano naman nya yun mababasa ng sobrang lapit? kaya naman hinablot nya ang papel, halos lumuwa ang mata nya sa naka bold na mga letrang "EVICTION NOTICE" galing iyon sa bangko, ayon dito ay mareremata na ang bahay nila.

"Sorry po miss pero kailangan na din po naming hakutin ang mga gamit nyo, kasama po kasi iyon sa nakasangla.. " sabi ng lalaki tapos ay nagsipasukan na ang mga ito sa bahay nila, naiwang nakatulala si Anya..

O_O

Ilang sandaling hindi kumikilos si Anya, nakatulala lang ito habang pinapanood ang unti unting paglimas ng mga tauhan ng bangko sa mga gamit nila..

"Mars!!!! hanyayare? maglilipat bahay ba kayo?" nagulat pa si Anya ng mula sa kawalan ay sumulpot ang kaibigan nyang si Lenny..

"Ha?!!" napapitlag pa sya at wala sa sariling napatingin kay Lenny..

"Hoy! Anya?!! lilipat kayo?" sumulpot din si Rae na kaibigan din nya, galing pa ito ng ibang bansa at napagdesisyunan na dito na muling mag aral sa Pilipinas..

"Magnum sa umaga! ano tara na? teka mga gamit nyo yan diba Anya?" napatingin din si Anya sa kaibigan nyang si Yuko..

"Kayaaaaahhhh!!!!!!!" T0T sigaw nya ng makita na bitbit ng ilang lalaki ang kabinet nya!

" HOY!! MANING AKIN YAN! HINDI KASAMA ANG MGA LAMAN NYAN SA NAREMATA! GRABE KAYO! MAGTIRA NAMAN KAYO!!!" bulyaw nya sa lalaki..

"Kayaaaaahhh!!! magnanakaw! mga budol budol! nabudol budol si Anya!!!!" sumugod si Lenny sa mga lalaking may bitbit na gamit!

" Mga walangya!!!!" sugod din si Rae na kunalmot ang unanv lalaking malapitan!

" akin na yan! tatawag ako ng pulis!" pagsusumigaw ni Yuko na nakikipagagawan sa electric fan na hawak ng isang lalaki..

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon