Chapter 25

2K 66 6
                                    

© Shupershimmer

“Nakikipag-break ka ba sa’kin?”

Bumitaw siya sa yakap, at umupo nang maayos. “God, no. Wala akong sinabing gano’n!”

“You’re implying it.”

Napahawak siya sa noo niya, at nilapag ang mangkok sa lamesa na nasa harap. Pinipilit kong abutin ang braso niya, pero bumibitaw siya.

“Hindi ako nakikipag-break,” sagot niya. “Sooner or later, baka makakilala ka ng hinahanap mo. Hindi lang siguro… ako.”

I gulped hard, that I didn’t respond quickly.

“I want it to be you.”

Natawa siya nang bahagya at umiling. “No. Adam, hindi ako ‘yon. Hindi ako sasaya sa gano’n. Hindi ka sasaya sa demand ko.”

Narinig kong hindi na stable ang boses niya. Ramdam kong gusto niyang maiyak, pero pigil na pigil lang. Gusto ko sanang mairita sa inasta niya, pero ewan. Didiskartehan ko na lang.

“Edi magpakasal tayo.”

It slipped out. That quick.

Kumunot ang noo niya nang lumingon sakin. “Wag mo nga akong biruin.”

“Mukha ba akong nagbibiro, Irish?”

Huminga siya nang malalim, at umaktong tunggain ang natitirang alak sa bote na hinawakan niya. Dali-dali ko namang kinuha sa kamay niya, at nagsalubong ang kilay niya sa’kin.

“Kasasabi mo lang na ayaw mo. Ano’ng nagpabago sa desisyon mo?” tanong niya na may halong pagkainis.

Hindi ko siya sinagot—ininom ko nang tuluyan ang alak sa bote na inagaw ko. Pagkatapos, saka lang ako nagsalita.

“If marriage makes you happy, I’ll risk it.”

I kissed her straight on her lips. I was about to pull back when she responded and held my collar.

Trust me. I tried to stop, but my body did not.

Di ko pa naisip ang makipagtalik sa subject. Ni minsan, hindi ko ginawa, dahil alam ko na malaki ang possibility na mag-shift ang attention ko sa mga bagay. I was a fan of sex, but not a supporter of love-making.

Pero sa ngayon, nag-fail ako sa philosophy ko.

Binuhat ko si Irish hanggang sa kwarto. Unti-unting naubos ang mga saplot sa katawan namin, hanggang sa naging isa na lang kami. Walang mali sa ginawa ko—‘yon ang pinatatakbo ko sa utak ko habang may nangyayari sa’min. Walang mali.

Hindi ko alam, pero may kakaiba sa amoy ng balat niya. ‘Yong haplos ng mga daliri niya sa likod ko. Kung paanong nagdidikit ang katawan naming dalawa. Kung paanong nagugustuhan ko ang paghinga niya sa leeg ko. At kung paanong siya ang babaeng ‘to. Lahat.

Malamang, magpa-piyesta si Gio pag nalaman niya ‘to. O kaya, pagdudahan na naman ako gaya ng palagi niya ginagawa.

Dahil maski ako, pinagdududahan ko na ang sarili ko.

***

Nagising ako nang nakatalikod si Irish sa’kin habang nakataklob ng kumot. Tumayo ako nang nakasuot ng boxers at nagpuntang banyo para maghilamos. Napakapit ako sa lababo at napapikit dahil na-re-realize kong hindi normal ang ganitong routine.

Hindi ko na dapat tinuloy.

Tumingala ako, at nakita ang sarili ko sa salamin na basa ang mukha. Bumaba pa ang mata ko sa may bandang leeg ko—may kissmark niya.

Dali-dali akong lumabas ng banyo, at pinindot ang switch button sa likod ng bookshelf na nasa kwarto ko. Pagkatapos, nag-slide and floor to ceiling na salamin sa dingding—tagos sa secret room.

Dito ko naitago lahat ng bagay na ginagamit sa previous subjects. Lahat ng baril, lason, at kung ano pa.

Naka-pin din sa isang dingding ang lahat ng pictures ng mga naging subject. Mula kay one hanggang kay thirteen—si Irish. Labindalawa sa kanila ang may mark ng X sa mukha, kaya pumasok sa isip ko ang subject na nagbibigay ng notes.

Sino ba sa labindalawa?

Binuksan ko ang drawer sa tapat ko, at kinuha ang baril na may silencer. Tinignan ang laman na bala, saka ako lumabas. Nakasuksok ang baril sa garter ng boxers ko sa likod nang lumapit sa gilid ng kama.

Tulog pa rin siya, at walang kamalay-malay. Dinukot ko ang baril saka tinutok sa likod ng ulo niya.  

After a few seconds, binaba ko ang pagkaka-asinta, at pumikit. Nagawa ko na ‘to dati—maraming beses na. Hindi dapat ako nagdadalawang-isip ngayon.

Inasinta ko ulit yung baril, at naka-suspend sa ere and daliri ko na nasa gatilyo.

Sa oras na ‘yon, hindi ang Irish na natutulog ang nakikita ko, kundi si Irish na kausap ko kanina. Nung hinalikan niya ‘ko. Nung nasa ilalim ko siya. Nung nararamdaman ko ang lahat-lahat sa kanya.

Isang pihit lang di ko pa magawa.Walanghiya.

Masyadong mabigat ang baril sa kamay ko… masyadong mahina ang braso ko.

Hanggang sa tumunog ang alarm clock sa gilid ng kama ko kaya dali-dali kong nilapag ang baril sa sahig at sinipa sa ilalim ng kama. Pagkatapos no’n, nakalingon na si Irish sakin habang nag-iinat.

“Kanina ka pa gising?” tanong niya.

Tumango lang ako.

“Ano’ng nangyari sa’yo? Namumutla ka.”

Lumuhod si Irish sa kama habang hawak ang kumot sa ibabaw ng dibdib niya. Nagpunta siya sa tapat ko, at hinawakan ako sa mukha na parang chinecheck kung may lagnat ba ako.

“I’m fine.”

Kinuha ko ang kamay niya, at hinalikan siya sa noo.

“Good morning!” bati niya. “I love you.”

I smiled weakly after what I just realized.

“I love you, too.” 

Kiss and Kill [SEASON 1 & 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon