Chapter 3

667K 11.3K 1.4K
                                    

Angel POV

Stuck in the moment. Daig ko pa ang ipinasok sa freezer dahil nanlalamig ang buong pagkatao ko. 

It can't be. Hindi maaari. Siya? Siya ang boss ko? Siya ang big boss? Siya ang..

"Para kang nakakita ng multo, Miss Sabina." Sabi pa niya. 

Hindi lang multo. Monster. Heartless. Jerk. At kung anu-ano pa!

"So..you're the boss, Mr. Oliver Ynarez?"

He grins at me. "The one and only." 

Bakit? Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo, siya pa? Pinaglalaruan ba ako ng tadhana? Iniiwasan ko nga ang lalaking 'to. Sinumpa ko na sana wag ko na ulit siyang makita pero ano ngayon? Nandito siya. Sa harap ko. And he's my boss! I can't believe this. 

"Paanong.."

Nagkibit-balikat siya. "I don't know. Actually, I'm surprised seeing you here. Knowing that you're one of my new employee."

May panunuya sa klase ng tingin niya sa'ken. Pagkatapos ng anim na taon, nasilayan ko na ulit ang mukha ng lalaking sa sandaling panahon ay nahulog ang puso ko. 

Pagkatapos ng gabing 'yon, nung may nangyari samen, hinanap hanap ko na siya. Hindi ko alam kung bakit pero pinigilan ko ang sarili ko dahil alam kong para sa kanya, isa lang ako sa naka-one night stand niya. At masakit yun sa ego ko. 

Naalala ko na naman ang baby namin...ang baby namin na...shit!

Napailing ako. "It can't be. I'm sorry, pero hindi ko kayang mag-trabaho pa di--"

"Magre-resign ka? Really? Pagkatapos mong mag-advance at pumirma ng kontrata?"

Shit. Nag-advance nga pala ako. At aaminin ko, wala akong pambayad dun. At itong trabahong 'to, swerte ko na'to. Pero parang 'di ko kayang magtrabaho sa pag-aari ng lalaking kinasusuklaman ko. 

Anong gagawin ko? Mananatili dito? Kakayanin ko ba? Hindi naman siya palaging narito diba? Tatatagan ko nalang ang loob ko. 

Tumayo siya. At nanlaki ang mata ko nang lumapit siya sa'ken. Malapit na malapit. 

Napalunok ako. Ilang taon na ang lumipas pero 'yung epekto niya sa'ken, nandito pa din. 

"You will work for me. I'm your boss. You will obey me, you'll be my slave.."

Kinikilabutan ako sa mga sinasabi niya. "Yes, I'm working here. As a waitress and not your slave, Mr. Ynarez."

"Hanggang ngayon, matapang ka pa din. Malakas ang loob mo, yeah. Sabagay, you're a whore, malakas ang loob mong mang-akit ng iba't iba---"

One Night Stand (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon