Social Networking Sites: Ano nga ba ag epekto nito sa ugali ng kabataan?

spinner.gif

Social Networking Sites: Ano nga ba ag epekto nito sa ugali ng kabataan?

J. Rivera

 

Facebook, Yahoo, Tumbler, Twitter ilan lamang ang mga iyan sa mga pinakausong tambayan ngayon ng mga kabataan ngayon, pagdating sa pag-gamit ng Internet. Ang Internet ay isang uri ng tsanel kung saan mabilisang naipapadala ang mensahe at mabilisan ka din namang makatutugon. At isa nga sa gamit ng internet ay ang pakikipag uganayan sa mga taong malayo o hindi mo kakilala. Pero kahit magkagayon nakakatulong itong mas makapangalap pa ang isang kabataan ng mga kaibigan mula sa ibat ibang lugar sa Pilpinas o maging sa buong mundo. Sikat at laganap na ito pero, ano nga ba ng epeko nito sa ugali ng kabataan?

Isa sa mga mabuting epekto ng social networking sites ay ang mas pagiging bukas isip ng mga kabataan sa pakikipagkaibigan at pakikipagkapwa. Na kahit hindi kakilala dumami lang ang kaibigan go lang ng go. Pero alam mo ba na sa pag-inog ng mundo ngayon minsan nagiging sanhi naman ng kagalitan ang mga ito. Una sa pakikipagpadamihan ng kaibigan hindi naman natin maiiwasan ang pagiging hambog hanggang sa magkainitan na ng ulo at mahantong ito sa karahasan. Marahil parte na rin ito ng masamang epekto , dahil siguro malamang ay nakakaimpluwensya na rin yung mga kaibigan mo sa social etworking sites sa mga ikinikilos mo. Na marahil ay ang kultura ng ka chat mo ay hindi kaangkop ng lipunang iyong ginagalawan. Nagiging kuripot na rin ngayon ang kabataan sa kanilang sarili makapag internet lang, na kung tutuusin ay dapat ikain o mas gastusin na lamang sa mas mahalagang bagay ang pera kesa mag internet.Minsan pa ang kabataan ngayo’y nagiging mas mapang husga, marahil ay dahi na rin sa kanilang mga nakikita sa social networking sites na kalayaan sa pagpapahayag kahit minsa’y nakakasakit na o minsay lumalampas na tayo sa hangganan ng pagpapahayag ng ating sarili kung saan nakasasakit na tayo.

Maraming epekto sa ating pag uugali ang paggamit ng social networking sites kayat kung maaari ay iwasan na natin ito, pero kung talagang hindi kayang iwasan, mas makabubuti sigurong atleast man lamang mapaglabanan mo ang pagkakasakop na ng modernisasyon sa ugali ng kabataan ngayon. Pero kahit na magkagayon na may mga epekto eto, kailangan pa rin naman nating isa-alang alang na malaki rin naman ang naitutulong ng pag gamit  nito. Maging pansariling kaligayahan man o pangkomunikasyon. Ikaw, apektado ka na rin ba ng social networking sites?

Comments & Reviews (9)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended