Chapter 57

184K 2.8K 978
                                    

Hindi natuloy ang bakasyon na pinlano nila Chin at Thunder ..

Napag alaman nila Dara na isa yun sa mga plano ni Chin bago pa man sya inatake sa puso ..

“Hubby .. what do you think about hanging out in the weekends?” tanong ni Dara sa kasamang si Iko.

“Ok lang naman Wifey ..”

“Ako na lang sana ang mag aayos for Chin .. para naman pag umayos na ang lagay nya pwede natin sya makasama .. “

“Sure ... pwede naman siguro yun kung maayos na ang lagay ni Chin ..” paalala ni Iko sa kanya ..

Napabuntong hininga si Dara .. medyo nagi-guilty din sya sa nangyaring sagutan sa pagitan nila ni Thunder .. naramdaman nya ang paghawak ni Iko sa kamay nya at pagpisil nito.

“Do not worry too much Wifey .. hindi naman natin ginusto ‘to .. what we need is to help each other .. let’s fight for Chin .. siguro pag nakita nyang lumalaban tayo para sa kanya lalakas din sya .. at gagaling eventually.”

Nangingiti na lang si Dara na tumnago sa nobyo .. nakarating sila sa Hospital. Katulad ng  pinagplanuhan nila kagabi ay dadaanan muna nila si Chin at bibisitahin ..

Pagpasok sa loob ay nalaman nilang maayos na ang lagay ni Chin at stable na din.  Natuwa sila sa balita na yun .. nasilayan ni Iko ang matamis na ngiti ni Dara .. may pag mamadali na pumunta sila sa private room kung saan ito nilipat ..

Malapit na sila sa tapat ng lumabas sila Storm at Araya mula sa loob .. agad na bumati si Araya sa dalawang bagong dating ..

“Uy goodmorning ..” masayang pagbati nito .. mahuhulaan mong maganda na talaga ang lagay ni Chin dahil sa maaliwalas na ngiti ng dalawa.

“Oy morning Fre!” manhug ni Storm kay Iko .. “Namiss kita bakit di mo manlang ako binista kagabi?” malanding sabi ni Storm.

“kadiri ka Storm. Lumayo ka nga sakin.” Inis na sabi ni Iko.

Kaya naman napatawa ang dalawang babae sa nakita nilang kalandian ni Storm.

“Landi mo talaga.” Saka sya kinurot ni Araya sa tagiliran.

“Fudgee barr .. si Iko kabit ko lang .. ikaw ang legal wife.”

“Tumigil ka sa kalokohan mo ah kung ayaw mong ma-hashtag: SINGLE.”

“Sabi ko nga joke lang yun eh .. di ka na mabiro hehe ..” halatang natakot si Storm sa banta ng girlfriend nya ..

“So kamusta na pala yung dalawa?” nguso ni Dara sa pinto na ang tinutukoy ay si Thunder at si Chinchin ..

“Ok naman na si Chin stable na ang lagay. Si Thunder naman ata ang malilipat sa ICU.” Iiling iling na sabi ni Araya.

“Ha? Bakit?”

“Bukod sa puyat na magdamag ayaw pang kumain, tapos ayaw pang umalis sa tabi ni Chin .. sinukuan na lang namin ni Storm sa pagpipilit na magpahinga muna ..”

“Too much love is nakakamatay.” Bulong ni Iko. “Baka mauna pa sya kay Chin nyan sa ginagawa nya. Teka nga kakausapin ko muna sya.” Papasok na sana si Iko sa loob ng bigla syang pigilan ni Dara.

“Wait muna. Sa canteen tayo.” Aya ni Dara kaya naman napasunod na lang sila.

Naunang maglakad si Dara at Iko .. nakasunod lang naman sila Araya at Storm.

“Sabi ko nga kung pwede ko lang i-donate yung puso ko binigay ko na eh .. kaso na kay Araya na ..” narinig pa nilang banat ni Storm. “Aray!” kasunod na sabi nito. “Fudgee barr naman .. bumabanat na nga ako dito eh ..”

Dear LoveBug (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon