Kaarawan

51 3 0
                                    

Sa iyong kaarawan, mahal,

wala akong maiaalay.

Walang relong makintab pa

sa araw,

o singsing na singningning

ng mga tala,

Kundi mga libro lamang,

laman ang mga tula

ng tuwa at galak,

mga salita ng sakit

At pait,

tila mga ibong hapo

na humahapon sa pugad

ng iyong puso.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KaarawanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon