[ 13 ] Unexpected

51.8K 688 86
                                    

Chapter 13: Unexpected

Isang linggo na ang nakakalipas simula nang malaman nila ang tungkol kay Shane. Nasa isang restaurant ngayon si KL at hinihintay ang pagdating doon ni Terrence. Nag-usap kasi sila na magkikita sila dahil gusto niya pang makilala lalo si Shane. Ilang minuto ng naghihintay si KL pero hindi pa din ito dumarating kaya nang tumawag ito ay agad niyang sinagot.

"Hello, Terrence! Where are you? Nandito na ako ngayon."

“Sorry, KL. I won't be able to come. Something urgent came up and I'll be busy today. If you want, you can go here and meet me.”

"Really? What time are you available?"

“3 pm.”

"Okay. I'll be there. Saan ba ‘yan?"

“Alam mo naman siguro ‘yung building na pinupuntahan namin ni Jin noong nagmomodel kami, diba? Doon.”

"Oo, alam ko. Okay, I'll see you. Ingat ka!"

“You too. Bye.”

Kumain na lang doon si KL dahil nagugutom na siya. Alam niya na busy talaga si Terrence kaya inintindi niya na lang. Nang mapalingon siya ay saktong may nakita na naman siya. Nandoon si Jichelle at may kasamang ibang lalaki. Iba pa ang lalaking ‘yun sa nakita ni KL na lalaking kasama ni Jichelle noong nakita niya ito sa bar. Nagmasid-masid na lang muna si KL dahil alam niya na tatakbuhan siya ulit ni Jichelle kapag nakita siya nito.

‘Niloloko niya lang talaga si Spencer. Ang sweet pa nila nung lalaki. Ang lakas ng loob niya na ituloy ang gawain niya kahit nahuli ko na siya noon. Buti sana kung ganun talaga siya kaganda para maging ganito. Kung siya siguro si Mika, maiintindihan ko pa.’

Nang makaorder na sina Jichelle, nagbayad na siya ng kinain niya para kung sakaling takbuhan man siya nito, madali niyang masusundan. Tumayo si KL sa kinauupuan niya at nilapitan sila. Gulat na gulat si Jichelle nang makita na naman si KL. Tinignan ni KL ang lalaki.

‘Mas gwapo siya kay Spencer. Hindi na ako magtataka kung bakit lumalabas siya kasama ng lalaking ‘to.’

Nginitian siya ni KL.

"Hi, Jichelle!" masiglang bati ni KL.

"K-KL! Well, hi," mautal-utal na sagot ni Jichelle. 

"It's good to see you here. Hindi ka ba masaya na makita ako?"

"I am.. happy. Yes, of course!"

"Let me introduce myself. I'm Kylie, Jichelle's best friend, you?"

"I'm Jonathan."

"And you are?"

"Her boyfriend."

"Really?! It's nice meeting you here. Ikaw naman Jichelle, hindi mo nabanggit sa’kin na may boyfriend ka na pala. Siya din ba ‘yung kasama mo sa bar last Saturday night?"

"Saturday night? I thought you’re sick?" nagtatakang tanong ng lalaki.

"Oopsie. Sige Jichelle, I'll go to the comfort room muna, ha? I think that the two of you should talk about this. Just call me later."

Naglakad si KL papunta sa CR para mag-ayos. Hindi niya mapigilan na ngumiti dahil sa ginawa niya kay Jichelle.

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon