Secret Nights - 35

245K 3.9K 432
                                    

ZEKE'S POV

"Amber?" halos pabulong lang iyon na lumabas mula sa bibig ko. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang makita ko si Amber na naluluhang nakatitig sa akin. Bakas sa mukha niya ang labis na pagkagulat at pagtataka.




 Tumayo ako at saka lumapit sa kanya. Nang nasa tapat na ako ni Amber ay tuluyan nang nalaglag ang mga luha sa mga sa mata niya. Parang may kumurot sa puso ko dahil sa tagpong iyon.




 Tinaas ko ang dalawang kamay ko at saka tinuyo gamit ng mga daliri ko ang mga luhang naglalandas sa maganda niyang mukha. Pero kung kailan tumigil na sa tahimik na pag-iyak si Amber ay ako naman ang tila naiiyak na napatingin sa kanya.




 I never imagined na makikita ko pa ulit siya. Hindi ko akalaing dadating pa ang araw na magkakaharap pa ulit kami kagaya ngayon. Mayamaya lang ay naramdaman kong yumakap siya sa akin. Mahigpit. Gumanti ako ng yakap sa kanya at saka hinayaan ang sarili ko na malunod sa samu't saring emosyon na ngayon ay lumulukob sa buo kong pagkatao.




 "What happened to you, Zeke? Ang buong akala naming lahat ay wala ka na," narinig kong tanong ni Amber nang kumalas kami mula sa isa't isa.




Saglit na tinitigan ko muna siya mukha habang hinahaplos ng dalawa kong palad ang mukha niya. Gusto kong siguruhin na hindi lang ito isang magandang panaginip lang.




 Humugot ako ng malalim na hininga bago ako ngumiti sa kanya. Hinila ko siya papunta sa isang puno ng niyog na natumba dahil sa nagdaang bagyo. Halos nakahalik na iyon sa lupa. Sabay na naupo kami sa buhanginan. Nakasandal ako sa puno ng niyog samantalang si Amber naman ay nakahilig ang ulo sa balikat ko.




 Kinuha ko ang isang kamay niya at saka ikinulong sa sarili kong palad. I love the fact that her hand perfectly fits with mine.




 "I got an accident. That night, nang mag-away kami ni Daddy, umalis ako nang bahay na magulo ang isip at masamang-masama ang loob," pag-uumpisa ko.




"Ano ba ang pinag-awayan niyo that day?" narinig kong tanong ni Amber.




 Napabuntong-hininga ako dahil sa tanong na 'yon. "Ikaw ang rason, Amber. Pinipilit kasi ako ni Daddy na bumalik ng Maynila. Pero ayoko na. Hindi ako masaya sa buhay ko doon. And then you came into my life. You gave me another reason to stay. Pero siyempre, hindi ko sinabi kay Daddy ang tungkol sa 'yo because I know that he wouldn't approve of you."

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon