Chapter 13

12.6K 286 47
                                    

Sharri's POv

"Okay na ba ang mga gamit niyo?" tanong ni Gian sa amin. Nagsipag-tanguan naman kaming lahat. "Then if you're all done, come on, kailangan nating umuwi. May laro pa tayo mamayang gabi." 

Isa-isang sumakay ng van ang mga team mates ni Gian. Kailangan na naming umalis dito sa resort dahil tapos na ang two days vacation namin at may laro pa sila mamayang gabi. 2 days vacation dito sa resort, sulit na sulit.

"Sakay na Sharri." wika ni Gian na ipinagbukas ako ng pinto ng sasakyan. As usual, sa tabi niya pa rin ako, sa unahan. Nang makapasok ako ng sasakyan eh agad naman itong sumakay na din at binuhay ang makina.

"Hay. Super nag enjoy talaga ako sa bakasyon na 'to." narinig kong wika ni Cha-cha na nakaupo sa likod ko at katabi si Hanz.

"Oo nga eh. Magpapasalamat talaga ako kay Tita Anj pagbalik natin sa village." wika naman ni Hanz. Nagsipag-sang-ayunan naman ang lahat nang dahil sa sinabi ni Hanz.

"Pero higit kanino man, may isa akong kilala riyan na talagang nag-enjoy lalo na kagabi?" pagpaparinig ni Cha-cha. At dahil sa tono nito, at dahil sa kaibigan ko ito, alam kong ako ang pinariringgan nito.

"Pero hindi eh, mas may kilala kaming enjoy na enjoy!" wika ni Hanz.

"alam na kung sino yan!" sigaw ng mga team mates ni Gian.

Pinaandar ni Gian ang sasakyan at nagsimula kaming bumyahe.  "Tumahimik kayo kung ayaw niyong pababain ko kayo ng sasakyan ko." wika ni Gian.

"Ay teh? Defensive much? May nabanggit ba kaming pangalan?" wika ni Gab.

"Wala naman ateng ah! " wika naman ni Armand.

Ang mga 'to talaga, ang gagaling magbakla-baklaan. Natatawan na lang ako.

"Psh." Si Gian yan. Tapos lumingon ito sa mga kasama nito at tiningnan isa-isa ng 'tumahimik-kayo-look'. 

"Tatahimik na!" sabay sabay na hiyaw ng mga boys na natatawa pa.

Bumalik ang mga mata ni Gian sa pagmamaneho at.... at nagulat ako nanghawakan nito ang isa kong kamay habang ang isang kamay nito ay nasa manibela.

"Gi..Gian?"

Bahagya lang itong lumingon sa akin at ngumiti. "I need to charge my body. We're on a long travel, I need energy." wika nito.

"H-ha?" parang naslow ako sa sinabi nito.

"In short, pahawak daw ng kamay sabi ni Gian!" sigaw ng mga boys. Agad namang binitawan ni Gian ang kamay ko at dinampot ang mini pillow na nasa cupboard ng sasakyan at ibinato sa mga ito na saktong tumama sa mukha ni Hanz. Lalo lang itong nagkatawanan.

"Kapag hindi talaga kayo tumahimik, hindi ko kayo paglalaruin mamaya. Ipapasok ko kayo kapag 4th quarter na." wika ni Gian sa mga team mates nitong nangunguna sa pang-aasar sa kanya.

Boys do fall in love  ✔️Where stories live. Discover now