42

136K 2.6K 856
                                    

42

******************************************************************

The ceremony started. Halos sa buong oras ng seremonya ng kasal ay magkahawak-kamay silang dalawa. Tuwang-tuwa naman ang kanilang mga kaibigan, lalo na ang mag-asawang Candice at Aron Miguel. Pero ang higit na natutuwa ay ang mga magulang nilang dalawa.

Present rin si Attorney na obviously ay ninong rin nila sa kasal. Simula ng ikinasal silang dalawa sa huwes ay hindi na napag-usapan ang tungkol sa last will and testament ng kanyang granny.

Napangiti si Kathryn nung margining ang mga salitang “I know pronounce you as husband and wife, you may now kiss the bride.” galing sa pari.

Bakit kumakabog na naman ang dibdib ni Elvin? Lalo at napatingin siya sa mga mata ng kanyang Sintas, pababa sa maganda at malambot nitong lips. Anon a ba ang nangyayari sa kanya? Wiz na talaga ito maganda.

“Kiss na!” narinig niyang may hindi nakatiis na sumigaw.

“Ehem. Ayaw nyo ba?” Naiinip na sabi ni father.

Biglang hinapit ni Elvin ang Sintas niya sa baywang, napasinghap ito. “You know what, Kathryn..”

“What?” Kinikilig na sabi niya.

Inilapit ni Elvin ang bibig sa tenga nito para bumulong.

“I think, I like you. Kumakabog ang puso kong, Sintas, wiz ko mapigilan.” Pagkatapos ay tumingin sa mga mata ni Kathryn.

Sa sobrang tuwa ni Kathryn ay siya na mismo ang unang humalik kay Elvin. Leptolelang na itey! Wan a paki sa mga madlang audience! Kiber!

Kung hindi pa tumikhin ulit si father ay hindi sila titigil. Nasira tuloy ang lipstick ni Kathryn. Nakangiting pinahid ni Elvin ang lumampas sa lips at si Kathryn naman sa lips ng Sinta niya.

“Makapaghihintay yan, nasa loob tayo ng simbahan.” Sabi ulit ni father sa kanila.

Nagsitawanan ang mga nasa loob ng simbahan. Epal lang? Parang kanina lang eh inip na inip sila sa kanilang leptolelang scene, ngayon ipinagbabawal maging sweet? Anyare?

“I present to you Mr. and Mrs. Fernandez.” Sabi ni father.

Masigabong palakpakan ang narinig.

“I love you, Sinta.”

Hinalikan muna ni Elvin si Kathryn sa noo bago sinabing, “I like you, Sintas. Wiz ko na bet ang nararamdaman ko, kailangan ko nang magpaconsult sa albularyo.” Bulong nito sa kanya.

Kinurot lang siya ng asawa, sabay bulong, “Admit it, Sinta, you are in-love with me.” Sabay hagikhik. Narinig na nilang photoshoot na ang next.

“Wiz pa! Wa ko pa na feel no. Ano itey, when a beki falls in-love?”

Nagsisignal na ang photographer para sa unang shot nila as couple.

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon