SDTR: Kabanata 9

188K 4.2K 646
                                    

SDTR: Kabanata 9

Halos manigas ako sa kinauupuan ko, nanunuyo ang lalamunan ko at hindi ko alam kung paano pa ako nakakahinga ng maayos.

Isang pilit na tawa ang pinakawalan ko.

"Ang labo." Halos ibulong ko na lamang iyon at kulang nalang ay maubusan ako ng boses dahil sa sobrang hina.

"Kasal? Anak?" Tumatawang mungkahi ko, muli akong bumaling sakanya at nakita ko sa mata niya ang panghihinayang.

"Tangina Ethan, ang tanga ko noh?" Nanginginig na ang boses ko sa sobrang inis sa sarili ko, bakit ganito? Ano bang nagawa kong mali para saakin mangyari 'to? Yung hinabol habol kong lalaki sa loob ng tatlong taon hindi ko pala pag aari? At higit sa lahat hindi kailanman magiging saakin.

Napaawang ang bibig ko nang makita ng dalawang mata ko ang marahan na pagtulo ng luha ni Ethan, "I..I'm sorry." Bulong niya at pilit niyang inabot ang kamay ko sa ibabaw ng lamesa, pilit ko namang hinihila pabalik iyon pero mahigpit ang kapit niya saakin.

"I'm so sorry for hurting you. Gusto kong iwasan, pero kahit anong gawin ko masasaktan at masasaktan lang din kita Claire." Bulong niya saakin, ramdam ko ang matinding pagkirot ng kaliwang bahagi ng dibdib ko, sumasakit na rin ang ulo ko dahil ilang beses na ba akong umiyak ngayong buwan na ito?

"I know, isang malaking kasalanan 'to Claire," Patuloy niya.

"Bullsht." Yan lang ang tanging naisagot ko sakanya.

Mabilis akong tumayo at lumabas sa restaurant na yon, ayaw magpaawat ng mata ko sa patuloy na pagtulo nito, maging ang pagkalabog ng puso ko ay ayaw huminto. Bakit ganito? Mali nga diba? Pero bakit naiiwan yung puso ko sakanya? Ngayon ko napatunayan na talagang naglalaban ang utak at puso pagdating sa isang desisyon.

Pumara ako ng taxi at mabilis na sumakay doon, ayaw huminto ng luha ko lalo na nang muli ko nanamang mapansin ang isang eroplano na nakatutok sa mismong sinasakyan kong taxi.

"Damn it." Bulong ko, isang kalokohan ang lahat ng tungkol sa kahilingan na iyon. Isang kalokohan na mamahalin ako ng taong kauna unahan kong minahal.

Eroplano?

Kasalukuyang sinasakyan?

Isang kahilingan?

Sinong mag aakala na iyan pala ang magbibigay saakin ng napaka tinding sakit saakin na pakiramdam ko para akong isang kandila na unti unting nalulusaw.

__

Pinilit kong h'wag makita si Ethan sa loob ng dalawang araw na lumipas, bawat sulok ng University siya ang naaalala ko. Alam kong nanjan lang siya sa tabi tabi dahil President siya at maraming activities ngayon na inaasikaso dahil papalapit na ang foundation day namin.

Ngayon ko lang napag tantong wala akong ibang kaibigan kundi si Ara lang, at dahil nga sa pag aaway nila ni Marcus hindi nanaman siya pumasok. Nakakainis isipin na naging ganito ang buhay naming dalawa simula nang pumayag ako sa lintik na pustahan na ginusto niya.

Sinubukan ko namang tawagan si Ara pero patay ang cellphone niya, marami akong gustong itanong sakanya, isa na dun ang pictures kung saan kasama niya si Kevin Benidicto, ang isang sikat na singer.

Mag isa lang akong kumakain ngayon sa cafeteria at pilit inuubos ang inorder kong pasta magmula pa kanina.

Hanggang ngayon kumikirot pa rin yung bwisit na kaliwang bahagi ng dibdib ko.

"Dali na," Napalingon ako sa dalawang babaeng kanina pa nagtutulakan patungo sa pwesto ko, mukhang may gusto silang itanong saakin kaya naman marahan kong ibinaba ang hawak kong tinidor at humalukipkip ako.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon