Previous Page of 4Next Page

I'm Mr. Arrogant's Maid?!!

spinner.gif

++++++++++++++++++++

Entry # 2 // First Day

++++++++++++++++++++

"Ninang alis na po ako". paggalang ko sa ninang ko. nagpapaalam na ako para pumasok ng school. Ohwell. Kung gusto niyong marinig naging sagot ng ninang ko osge. Eto na. "Sige, pag uwi mo sana may trabahao ka na nang hindi nadadagdagan gastusin ko sa bahay at ng magkaroon ka rin ng kwenta.Kung hindi ka lang pinagkatiwala sa akin ng mga magulang mo eh matagal na kitang pinalayas." Ohdiba, BONGGA! Sabi sa'yo eh. "MABAIT" talaga ninang ko. PAG TULOG! Hayy. Nakakapansisi nga eh. Bakit sakanya pa ako pinagkatiwala ng nanay ko. Pede naman akong ipaampon. Bakit kasi sila pa nawala eh. Pwede namang si Ninang Amy nalang. ^______________^ HAHA. Hayy, gusto ko lang rin naman makaramdam ng pagmamahal nang isang ina.. 

*KRIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGG!*

"Welcome to Stanford University!"

"Hayy, wow naman talaga." SHET LANG! Ang ganda nang School na to, ANG SOSYAL! Mukhang hindi nga ako Invited dito. Puro mayayaman ang estudyante.. Mga Sosyal.. Eh, AKO?! Simpleng Dyosa lang. ^___________^ Kung hindi niyo pa naitatanong. Pwes, ako na magsasabi.. Scholar ako ng Stanford University. HAHA! Di ka makapaniwala?! Ako rin e. :D Di ko nga alam kung paano ako nakapasok dito.. CHAMBA lang siguro. :> Pero okay na rin to nang makaranas naman ako ng Kasiyahan sa buhay.. Grade School palang kasi ako gusto ko nang mag-aral sa Isang Exclusive School. Eh ang kaso "WALA AKONG PERA". Tuwing kakausapin ko naman ang Ninang ko eh puro "Bakit may pera ka ba? Pinagkatiwala ka lang sa aking ng mga magulang mo..Kung di lang malaki ang utang na loob ko sa mga magulang mo ay hindi naman talaga kita kukupkupin." Yan! Yan ang lagi niyang sumbat sa akin. Minsan nga iniisip kong lumayas pero ang naiisip ko "SAAN NAMAN AKO TITIRA?" wala nga akong sapat na pera para sa pag-aaral ko magrerent pa ba ako? Sa panahon ngayon mahal na rentahan sa bahay.. Pinakamababa na ang 2500 kaya naman hindi ko na iniisip maglayas..

*TUGSH!* tunog ng nabunggo ng tao

"Anak nang!"

"Sorry Miss, wait. Yurie?"

"XANDERRR?!!" O___O"  OMG LANG. ANG GWAPO TALAGA NI XANDER. PAPABLE. Pero bakit nandito siya sa School? Dito rin kaya siya nag-aaral? Oh, oo dito siya nag-aaral. Nakita ko yung patch nung uniform niya..

"Yes ako nga Yurie. Dito ka ba nag-aaral? So it means we're Schoolmates? So araw-araw tayong magkikita? Ganun ba yun? :)" sunod-sunod na pagtatanong ni Xander habang naka Smile. Hindi ko alam kung anong uunahin kong saguntin sa mga tanong niya. Naka focus kasi ako dun sa mga ngiti niya eh. <3 CHOS! Syempre kahit papaano kailangan hindi niya mahalata na Obsessed ako sa kanya! Kaya sinagot ko pa rin siya kahit papaano.

"Ah. Oo, May tama ka! :)" pagsagot ko nang may malaking ngiti sa labi

*KRRRRRRIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNG*

"Oh ayan na, nag bell na pala. Pumunta ka na sa room mo. baka malate ka pa. First day pa naman ngayon. Sge, Yurie! Una na ako a? See you around! 

"Okay, ingat." OKAY! Iniwan niya ako di manlang ako hinatid! HAHA. ECHOS! Ang super gwapo talaga niya <3 

*DUMAAN ANG MGA ORAS PERO SI PAPA XANDER PADIN ANG NASA ISIP KO. WELL, DAHIL FIRST DAY. WALA PA KAMING MASYADONG GINAGAWA. NAGPAKILALA LANG SA UNAHAN. YUNG LANG.*

"ISANG ORAS NALANG YURIE UWIAN NA! KERI MO YAN!" =__= Bulong nang isip ko. 

At hindi rin nagtagal....

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (3)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended